“Sera, naririnig mo ba ako?” tanong ni Neveah sa earpiece na suot ko. Nakapasok na ako sa venue ng conference. Maraming tao at lahat ay may kanya-kanyang mundo.
“Oo,” mahinang tugon ko sa pinsan.
“Maayos ba ang boses ko?” tanong niyang muli na sinagot ko lamang din ng oo.
Hinahanap ko na ngayon ang target ko. Naipakita na rin naman sa akin ang litrato kaya isang tingin ko lang ay malalaman ko kung siya na iyon. Ang target ko naman ay ang singsing na maaaring suot niya ngayon. It has a ruby stone na ang sabi ay rating pagmamay-ari ng aming pamilya. It’s a family treasure and now want to be retrieve. Kung paano napunta sa Vasiliev family, I don’t know.
Nakita ko sina Silas at Hati na nakikipag-usap sa kung sino sa hindi kalayuan sa akin. Hindi ko sila nilapitan. Mas maganda nang magpanggap munag hindi kami magkakakilala.
“Sera, sa 3 o’clock mo, naandoon ang target mo.”
Kaagad kong sinunod ang sinabi ni Neveah at nagtungo sa direksyon na ibinigay niya. Hinanap ko si Arseny Vasiliev na siyang aking target. Siya ang first born ng mga Vasiliev at ang successor ng kanilang organisasyon. Ang sabi ni Dad sa akin, kung sino ang tagapagmana ng kanilang pamilya ay siyang magsusuot ng singsing na kailangan kong kunin.
Sa dagat ng mga tao ay palihim kong iginala ang aking mga mata. Hinahanap ko si Arseny Vasiliev ngunit wala akong makitang naaalala kong mukha.
Napaatras ako sa paghahanap. Ni hindi ko napansin na makakabangga na pala ako. Naapakan ko pa ang kanyang sapatos.
Napatalon ako sa gulat nang mapagtanto ang nangyari. Kaagad akong lumayo sa taong naatrasan ko at hinarap siya.
“I’m sorry,” I said, nervously. His cold eyes darted toward me. He didn’t say anything instead he just slowly nodded his head like he was taking my apology. Matapos iyon ay nilagpasan niya na ako.
Napakurap-kurap ako dahil sa nangyari. Sinundan ko ang lalaki ng tingin habang pinag-aaralan ang mukha na nakita ko.
He does look like that man in the picture! Hindi kaya…siya ang target ko?
“Izvinite, chto opozdal,” sabi ng lalaking nabangga ko kanina. Kumunot ang noo ko. Ang naintindihan ko lamang ay ang unang salita at alam ko… Russian iyon!
“I found the target,” sabi ko kay Neveah na nasa kabilang linya bago ko tangkaing lapitan ang lalaki. Tiningnan ko kaagad ang kanyang kamay at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko nga ang may kalakihang ruby stone sa singsing na suot niya.
Huminga ako nang malalim. Nang una ay hindi ako mapakali. Parang nagblangko ang aking isipan dahil sa kaba. Naaalala ko kung paano ako titigan ng malamig niyang mga mata kanina.
Nagsimula na ang conference. Pinili kong pumwesto malapit sa kinaroroonan ni Vasiliev nang sa ganoon ay makita at mapag-aralan ko ang bawat kilos niya.
“Sera.” Narinig kong muli ang boses ni Neveah sa earpiece na suot ko. “We will blow the building in 5 minutes.”
Mahina akong tumango kay Neveah. We will make an uproar. Pasasabugin nila ang isang parte ng building nang sa ganoon ay magkaroon ng kaguluhan at magkaroon ako ng dahilan upang makalapit kay Arseny Vasiliev nang hindi nila napapansin o nalalaman ang intensyon ko.
Nagsimula na ang conference. Napansin ko si Hati na napatingin sa gawi ko. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay habang siya naman ay nakangisi sa akin. Baliw. Ni hindi ko nga alam bakit siya nakangisi sa akin.
May nagsasalita na sa unahan pero hindi ko ito pinapakinggan. Nakatitig lamang ako kung nasaan ang mga Vasiliev. Napakunot ang aking noo nang mapansin na may ibang features siyang hindi tugma o kapareho ng taong nasa litrato nang ipakilala sa akin ang target ko. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Sabagay, may ibang tao naman talaga na iba na ang itsura sa personal kumpara sa mga litrato nila.
Tumingin ako sa aking relo. Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang kumosyon na kami rin naman ang nagpasimuno.
“3…2…1,” bulong ko sa sarili. Kasabay nito ay nakarinig na ako ng malakas na pagsabog. Kaagad akong tumayo sa aking kinauupuan at napansin kaagad ang pagkakagulo ng mga tao. Lahat ay tila natatakot at natataranta na makaalis dito sa hall dulot ng nangyaring pagsabog.
Ngumisi ako at inihanda ko ang aking sarili. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa mga Vasiliev. Hindi na ako nagsayang ng oras at kaagad na lumapit doon.
Kagaya ng iba ay nagpanggap lamang akong natatakot at hindi alam ang gagawin. Nabangga ko si Arseny Vasiliev habang kunwari ay tumatakbo at naghahanap ng exit. Mabilis kong hinawakan ang singsing niya at pinadausdos iyon sa kanyang daliri habang humihingi ako ng paumanhin.
“I’m s-sorry…” Nanginginig pa ang aking boses upang akalain nila na natatakot ako dahil sa nangyaring pagsabog.
May iilang security na nagtuturo na ng exit kung saan lalabas ang mga taong naiwan pa sa hall. Papunta na sana ako roon, iniisip na walang kahirap-hirap kong nakuha ang bagay na kailangan ko. Inaakala ko pa na sobrang dali lang naman pala nito nang makaramdam ako nang malamig na metal sa may ulo ko.
“Hands up and give it back,” malamig ngunit matigas ang pagsasalita at pagbibitaw niya ng bawat letra. Napasinghap ako. s**t! Ang bilis naman niyang malaman!
Ikinuyom ko ang aking kamay at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa singsing na ngayon ay nasa palad ko na.
Tininaas ko ang aking kamay at dahan-dahan na humarap sa kanila. Nang una ay natatakot at kinakabahan pa ang aking ekspresyon ngunit nang makaharap ako sa kanila ay kaagad akong ngumisi.
Mabilis kong iginalaw ang aking kamay. Ipinasok ko sa slit ng aking dress at kinuha ang baril sa holster na nasa may hita ko. Walang pagdadalawang-isip kong ipinutok ang baril sa dalawang lalaking tinututukan ako ng baril.
Nakita ko ang pagkagulat sa mata ni Arseny Vasiliev. Kinuha ko iyong oportunidad upang makatakbo at makatakas mula sa kanila.
Mabilis akong umakyat ng hagdanan ng hotel. Alam ko na hindi kaagad ako tatantanan ng mga tauhan ng Vasiliev family lalo na’t matagumpay kong nakuha ang singsing.
“Neveah, how’s my escape plan?” tanong ko sa pinsan kong alam kong nag-aabang ng sasabihin ko.
“Ready. Pumunta ka sa 4th floor ng hotel. The things you’ll be needing for escape are already there, and Sera…” she paused for a second. I heard clicking on the other side of the line, must be my cousin. “Sinusundan ka niya. He’s just a floor below you. Tumakas ka na. Don’t use any exit doors other than the room number I’m going to give you. The Vasiliev members are scattered everywhere in the hotel. Go!”
Nang makuha ko ang room number mula kay Neveah ay dumiretso na ako roon. Nagmamadali ako dahil ang sabi niya ay nasa ibabang palapag lamang daw si Arseny Vasiliev. Damn! Hindi ko naman akalain na malakas pala ang pakiramdam ng isang iyon. I practiced this on my cousins. Sabi nila, maayos naman daw dahil hindi nila naramdaman na kinukuha sa kanila ang singsing. Baka sadyang manhid lang sila kaya hindi nila naramdaman? Geez!
Nang makarating ako sa silid ay nadatnan ko nga ang mga gamit. Ito lamang ang silid na hindi naka-lock. Kaagad kong kinuha ang gagamitin ko sa pagtakas.
Kinuha ko kaagad ang gear at ang harness para i-ayos iyon sa aking katawan. Nagmamadali ako dahil alam ko na wala nang oras. Ano mang sandali ay maabutan ako ni Vasiliev at ayokong makita na naman niya ako. Sa tuwing nagtatama ang paningin namin ay may kung anong tila kuryente ang dumadaloy sa katawan ko…and I freaking don’t like it.
“Sera, malapit na siya!” sigaw ni Neveah sa earpiece. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa pagkakasigaw niya.
I immediately get the thing that looks like a rifle gun, but instead of bullets, it has a rope that can be used for my escape. I shoot the rope at the building next to this hotel. Inayos ko ang iba pang gamit bago hawakan ang pulley upang makatawid ako sa kabilang building kung saan nakakonekta ang lubid. Ngunit bago pa man ako makaalis sa silid mula sa bintana ay bumukas na ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko.
Pagkasa kaagad ng baril ang aking narinig. Nilingon ko siya at nakita ko si Arseny Vasiliev na tinututukan ako ng baril.
“Hands up!” sigaw niyang muli sa akin. Napansin niya ang nakaayos nang mga kagamitan para sa pagtakas ko. Naningkit ang kanyang mata at mukhang hindi nagustuhan na malapit na akong makatakas.
Itinutok niya pa sa akin muli ang baril. Ang magaganda niyang mga mata’y sa akin ang titig.
Ngayong nakita ko siya nang mas maayos, napagtanto ko na para bang…hindi siya iyong nasa litrato. Gusto ko pa sanang pag-aralan ang mukha niya pero wala na akong oras.
“Surrender yourself and I won’t harm you—”
Ngumisi ako kaya’t natigil siya sa kanyang pagsasalita. “Surrender, my ass.”
Umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko. Ngumiti ako nang pagkatamis sa kanya para lamang mas maasar pa siya.
“If you want me to surrender, make me.” Bumukas muli ang pinto. Mukhang mga kasamahan niya na. Kaya humawak na ako sa pulley at ipinosisyon ang sarili upang makatakas na. “But I think you’re a little late for that.” I blow him a kiss before making my escape.
Narinig ko pa ang mabibigat na hakbang ng mga tauhan niya na tila balak pa akong habulin habang siya ay tulala at nakatitig lamang sa akin kanina. Iyon ang huling natatandaan ko bago ako tuluyang makatakas.
Lumapag ako sa rooftop ng mas mababang bulding katabi ng hotel. Nilingon ko ang silid na kinaroroonan ko lamang kanina at nakita ko na may iilang lalaking tinututukan pa rin ako ng baril.
May humawak na kamay sa may dulo ng baril na nakatutok sa akin at dahan-dahan iyong ipinababa. Sumilip si Arseny Vasiliev mula sa bintana at tiningnan ako. Nakita ko pa rin kahit medyo malayo ang kanyang mga matang tila inoobserbahan ako. Nginisian ko na lamang siya at naglakad na papaalis sa lugar na iyon bago pa nila maisipan muli na habulin ako.
“Muntikan ka na roon,” sabi ni Neveah nang makasakay na kaming dalawa sa kotse. Sa loob ay naabutan ko si Hati at Silas na tila ba kanina pa naghihintay.
Tiningnan nila kami at tiningnan ko rin sila. “Saan naman kayo galing na dalawa? Akala ko ba tutulong kayo?”
Tiningnan lamang ako ni Silas samantalang si Hati ay nginisian ako. “We had our fair share of fun, Sera. Isa pa ang sabi mo kaya mo naman, hindi ba? Buhay ka pa naman ngayon so I assumed you did a great job?”
Napansin ko sa mga malilinis na damit lamang nila kanina ay may mga mantsa na ng dugo. Napangiwi ako. Mukhang alam ko na ang ginagawa nilang dalawa.
“They killed the members of the Vasiliev family who tried to run after you kanina. Iyon nga lang masyadong marami kaya’t may ilan na nakatakas pa rin sa paningin nila,” bulong sa akin ni Neveah.
Inirapan ko ang dalawang pinsan. Alam ko naman na gusto lang nilang makipagbarilan kaya’t nagkunwari silang tumutulong. Psh!
“Did you get the item?” tanong ni Silas sa akin. Tumango ako sa kanya at ipinakita ang singsing. Tumango siya at umalis na kami para makauwi.
Kaagad kaming sinalubong ng pamilya namin. My dad immediately run towards me and ask for my condition. Sinabi ko naman na buhay pa ako at maayos ako. Wala naman akong natamong sugat.
“Tito…” Lumapit ako kay Tito Vince at ibinigay sa kanya ang singsing. I was so proud of myself, na hindi ko pa matanggal ang ngiti sa aking labi. I’m also expecting that they will commend me since I did a great job.
But when I saw how Tito Vince was scrunching his face, I know it was bad news.
“This isn’t it, Sera,” sabi niya sa akin bago tumingin nang diretso. “This is fake.”
Laglag ang aking panga. How can they say it’s fake?!
“Arseny Vasiliev was wearing that! Imposibleng peke iyan, Tito!” Hindi ko napigilan ang sarili ko na magsalita kahit sina Tito pa ang kaharap ko. Hindi pwedeng palpak ako sa unang operasyon na ibinigay nila sa akin!
Nagkatinginan sina Tito Alex at Tito Vince matapos kong magsalita. Nakita ko naman ang pag-iling ni Tito Lucio. I looked at my dad and he just gave me an apologetic smile.
“We received a news, just early this morning that Arseny Vassiliev didn’t attend the said conference, instead—”
“No! Naandoon siya, Tito. I saw him with my two eyes.” I cut Tito Alex’s words. At this point, I am not even sure what I am fighting for. Maybe, I just want to save face and can’t accept that I am a failure. That the operation is a failure.
Tumaas ang kilay ni Tito Vince sa sinabi ko. Napayuko ako dahil sa kahihiyan at sa pagpuputol ko sa sinasabi ng isa kong tito.
“Arseny Vasiliev wasn’t in the conference, Sera. The person who attended was his younger brother, Alexei Vasiliev. And as you can see, they planned it out. Alam na alam nila na maaari nating gawin ito kaya nagplano rin sila. Hindi agad namin kayo nasabihan kanina to abort the mission dahil hindi namin ma-contact ang isa sa inyo. We’re sorry, Sera.”
Nadismaya ako roon. Akala ko pa naman ay makakatanggap ako ng papuri sa nagawa ko tapos hindi naman pala! Sayang lahat ng effort ko.
Nakaramdam ako ng galit. Naiirita ako sa kung sino mang sumira ng plano namin!
“Alam niyo ba kung sino ang nagplano nito? Na imbis na si Arseny Vasiliev ay iyong kapatid niya ang pupunta?!” That makes so much sense! Kaya naman pala magkamukha ang lalaking nasa litrato at ang lalaking nakita ko sa conference ngunit may pagkakaiba pa rin! Magkaibang tao naman kasi talaga sila! Same genes lang dahil magkapatid sila pero magkaibang tao pa rin!
“We don’t know. Probably Alexei Vasiliev. We heard rumors surrounding him. That although his brother will be the one inheriting their family, the younger brother, Alexei, is a prodigy. Maybe he assumed that we were going to do this stunt so he outsmarted us. I didn’t see it coming.”
Hindi ko na nasundan pa ang ibang sinabi ni Tito sa akin dahil nilamon na ako ng pagkairita ko. I feel so embarrassed! Pakiramdam ko ay ang laking kahihiyan ang dinala ko sa pamilya ko kahit na ginawa ko lang naman kung anong akala ko ay tamang gawin.
Naalala ko ang lalaking inakala kong si Arseny na nakababatang kapatid niya pala. His face, the way he looked at me with those brooding yet icy eyes! Lahat ay nakakapagbigay ng iritasyon sa akin ngayon.
Alexei Vasiliev, huh? Siguro tinatawanan na ako ng lalaking iyon dahil kinagat namin ang pakulo niya. Damn, I hope he gets his karma!