Syrel's POV Naging lutang ako sa klase ni Professor Briannah sa subject nitong Human Behavior in Organizations. Di naman siya nagrereklamo sa pagiging lutang ko sa klase niya. Ngunit hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang inis sa akin. At dahil breaktime ay lumabas ako ng classroom, dumiretso ako sa aking locker upang magpalit ng damit. Sinimulan kong linisin ang comfort sa faculty. “ What are you doing here, Miss Beltran?” Seryosong tanong ni Professor Briannah. “Isn't obvious po ba, Prof? Sa tingin niyo po ba anong gagawin ko?” Malditang sagot ko sa kaniya. Wala kasi ako sa mood sa mga sandaling ito. Hanggang ngayon ay wala pa ring laman ang tiyan ko. Halos mahilo na ako sa sobrang gutom. “ Hindi ko gusto ang behavior mo, Miss Beltran!” “ Tsssk. Tabi, Prof. Dahil may klase pa ak

