Chapter 10 Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang hindi ako dinadatnan ng buwanang regla at medyo nakakaramdam din ako ng hilo. Kaya't bumili ako ng limang pregnancy test sa botika dahil nagdududa akong buntis ako. Nandito ako ngayon sa loob ng comfort room at pinagpapawisan ako sa tensyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hawak ko ang mga pregnancy test at hinihintay ko ang resulta. Nanginginig ang mga kamay ko habang isa-isa kong tinitignan ang mga linya sa mga test kit. Pagkalipas ng ilang minuto, tiningnan ko ang unang test kit at lumabas ang dalawang linya. Positibo. Napaluhod ako sa sahig, hindi ko alam kung matutuwa o matatakot ako sa resulta. Buntis ako. Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaalam sa aking mga magulang. Alam kong matutuwa si Ninong sa batang nasa sinapupu

