Helian
"Gagala ka na naman, Helian! Naku, sinasabi ko sa'yong bata ka kapag ikaw naaksidente diyan sa kamomotor mo!" ratrat ni Tyang Maricon sa akin. Ang tiyahin kong umampon sa akin matapos akong iwan ni Mama noong nag-Japan siya.
My mother had me when she was sixteen. Aksidente lang daw. Nabundol yata ng tite kaya sinabing aksidente. Pagdating ng dise-otso, napagtanto raw ni Mama na hindi siya handa sa responsibilidad.
Si Tyang naman, limang taon na noong kasal pero hirap magkaanak dahil sa problema sa matres. Dahil kating-kati nang marindi sa iyak ng bata tuwing madaling araw, hindi nag-atubiling kupkupin ako kahit walang kasiguraduhan kung babalikan pa ako ni Mama.
Bungangera lang si Tyang pero sinat pa lang halos itakbo na ako sa ospital. Noong niregla nga ako, kung ano ang tinagal ng dalaw ko, siya ring tagal ng pagmumukmok niya dahil dalaga na raw ako. Magbo-boyfriend na. Mag-aasawa. Iiwan sila ni Tyong Pogi.
Hindi naman pogi. Malakas lang yata ang amats kaya gustong iyon ang palayaw.
Anyway, mag-aasawa? Paano ako mag-aasawa kung binibespren ako ng gusto kong wumarak sa'kin? Tang inang buhay 'to. Habambuhay yatang tigang. Ba't kasi nababaduyan ako sa pagiging malambot na babae? Pusong babae naman ako. Asta lang naman ang medyo tagilid pero hindi naman ibig sabihin no'n ay gusto kong magkaroon ng angkan ng gagamba sa pagitan ng mga hita ko.
"Ang aga-aga, Maricon bunganga mo na naman ang dinig sa buong Helian's Sunflower Farm!" asik ni Tyong Pogi. May dala pang tasa ng kape nang puntahan kami sa maliit na kubo kung saan inaayos ni Tyang ang seedlings para sa bagong batch ng sunflowers.
"Isa ka pa! Kinukunsinti mo kasi 'yang anak mo—"
At muli na ngang nagtaboy ng masasamang espiritu ang bunganga ni Tyang. Kaya yata swerte ang farm. Marinig pa lang ng masasamang elemento ang boses niya, umaatras na.
"Babalik din ho ako kaagad. May lakad lang kami ni Reemo. Sasamahan namin si Righael at alam naman ho ninyo ang kwento ng buhay no'n," dahilan ko.
Umayos ng upo si Tyang. "Hindi pa rin ba umuuwi ang asawa? Aba, tatlong taon na, ah?"
Marites talaga 'tong si Tyang. Biglang humihina ang boses kapag nakikichismis. Naku! Kung hindi ko lang mahal 'to.
"Hindi pa ho, at baka hindi na umuwi." Tumayo ako't nag-inat. "Gano'n ho talaga ang buhay. Nanay ko nga hindi na umuwi, eh. Puro lang post sa f*******: ng pictures nila ng pamilya niya."
Lumamlam ang mga mata ni Tyang. "Hayaan mo na, 'nak. Nandito naman kami ng Tyong Pogi mo. Marami ka namang kapatid na panabong."
Peke akong umismid nang hindi na sila mag-alala. "Oo, Tyang. Kasing ingay n'yo rin."
"Aba't!"
Humalakhak ako nang akmang kukurutin niya. "Sige na ho. Maliligo na ako. Dadaanan ako rito nina Reemo."
Tumalikod na ako't mabilis na naglakad pabalik ng bahay. Ilang metro rin ang layo no'n sa kubo kaya nang makahakbang palayo ay pasimple ko silang nilingon.
I sighed when I realized that they're probably discussing about me and my mom. Ayaw nilang magtanim ako ng sama ng loob kay Mama, pero masisisi ba nila ako kung noong isang beses na binati ko si Mama ng happy birthday sa picture niya sa f*******:, binura niya ang comment ko at mabilis na sinabihang huwag ko siyang tatawaging Mama kapag may ibang nakakakita o nakakarinig?
It was like she's so ashamed that she had me. That I was part of the past she was trying to bury.
Bumuntonghininga ako. Wala naman akong magagawa. Hindi ko rin ipipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw naman sa akin. Kung ano lang ang kaya nilang ibigay, ayos na iyon dahil kung isisiksik ko pa ang sarili ko, kalooban ko rin naman ang sasama sa huli. Parang sa nanay ko.
Naligo na ako't naghanda ngunit habang nagbibihis ay dumating sina Reemo at Righael. Rig was on a poker face as always while Reemo greets and shakes hands to everyone in the farm like an aspiring politician.
I wore my rubber shoes and went out with a towel still wrapped around my damp hair. Nakikipagtawanan si Reemo kay Tyong Pogi habang nakaakbay siya kay Tyang. Mukhang nagpapaalam na naman ang mokong na rito matutulog mamaya.
Knowing my adoptive parents, they'll surely let him sleep here again. Sa kwarto ko nga lang tapos ako doon sa tabi ni Tyang. Si Tyong Pogi, sa sofa. Ganoon naman ang siste kapag nasa bahay si Reemo.
I turned to Rig when I heard his lighter. "'Yong cigarette buds mo mamaya, itapon mo nang maayos. Kakawalis ko lang," asik ko. Ngumisi naman siya't inalok ako ng yosi ngunit umirap lamang ako. Pumasok na rin ulit sa bahay para magsuklay nang makalayas na.
"Reemo, iuwi mo nang buo 'yang batang 'yan!" bilin ni Tyang.
"Oho! Safe naman ho ang lakad namin. Huwag na ho kayong mag-alala kay baby girl n'yo." Malutong ang naging tawa niya.
Mangani-ngani kong habulin ng walis. "Tang ina ka!"
He laughed. Maya-maya ay bumalik din sa akin saka ako inakbayan. Kinawayan na rin niya sina Tyang bago niya ako pinagbuksan ng pinto sa shotgun.
"Ikaw ang magmamaneho ng kotse ni Rig?" salubong ang mga kilay kong tanong.
He jerked his head. "Oo. May hangover pa 'yan kaya matutulog sa backseat."
I groaned. "Ipapaalala ko lang na sky diving ang gagawin natin. Paano kung hindi niyan mahila ang parachute niya dahil lasing pa? Papakamatay yata 'tong lintik na 'to."
Rig showed his middle finger to me before he spoke. "Ingay mo."
I rolled my eyes. Hindi na lang ako sumagot pa. Bahala siya kung may mangyaring masama sa kanya. Magpa-popcorn pa ako habang nanonood ng balita oras na matigok siya.
Reemo went to the driver's side. Hindi na rin ako umimik habang nasa byahe patungo sa lugar kung nasaan ang gagamiting jump plane. This wasn't our first time. Dalawang beses na rin kaming nag-sky diving ni Reemo dahil mahilig kaming pareho sa extreme sports. Ngayon nga lang namin makakasama si Rig. May hangover pa ang lintik.
We wore our gears. Nang matapos makabit ni Reemo ang kanya ay nilapitan niya ako upang siguruhing tama ang pagkakakabit ko ng bawat bahagi ng akin. He even inspected my chute and helmet. Napatitig na naman tuloy ako.
His forehead was slightly creased while his lips were pursed as if he's so serious about what he was doing. Tila nakalimutan ko tuloy na may mga kasama kami dahil ang puso ko, hindi na naman naiwasang kiligin sa simpleng pagpapakita niya ng ganitong asta.
"Goods na," aniya saka ako tiningnan sa mga mata.
I looked away and inhaled a sharp breath. Aksidente namang nagawi ang tingin ko kay Rig na nasa hindi kalayuan. He was busy flirting with one of the staff in the freeport. Mukhang may balak pa yatang umiskor bago kami pumahimpapawid.
Reemo sighed. "Rig, let's go!"
Rig jerked his head. "Later," aniya sa kausap na hawig ng asawa niyang hindi na talaga nagpakita pa. Ewan ko lang kung napapansin ba ni Rig na lahat ng kinakalantari niyang babae, may resemblance sa asawa niya.
Hindi na talaga naka-move on.
Maybe that's the scariest thing. To have so much love with someone but still lose everything in a snap. Baka kahit ako, hindi makaka-move on.
We got into the aircraft, waited for it to reach the right altitude, and then we prepared to jump with the sky diving instructor. Reemo was supposed to be the first one to jump but he chickened out again like the first and second time we did this. Sa inis ko dahil ang tagal niya ay bigla akong tumalon palabas.
"Helian, putangina!" asik niya.
I didn't mind him anymore. Hindi naman nagtagal ay tuluyan siyang tumalon kasama nina Rig at ng instructor. He did the trick to reach me but I moved my body to keep a distance to him. Halata ang galit sa kanyang mukha ngunit ngumisi lamang ako saka na hinila ang string para sa parachute.
They did the same, but before we reached the open field, Reemo grabbed me and locked me in his arms. Nagpagulong-gulong kami sa damuhan hanggang sa tumigil na nakapatong siya sa akin.
I groaned in pain and opened my eyes, only to see Reemo's furious face. Naniningkit ang mga mata at ang panga ay mahigpit na nakaigting.
"Don't ever do that again. You keep on scaring the s**t out of me!" he hissed.
I smirked. "Eh, paanong hindi tatalon eh ang duwag mo?"
His nostrils flared. "I wasn't! I was just trying to get a good timing—"
"Kwento mo sa pagong," asik ko.
He sighed. "Just don't do that again. Sinabi ko na sa'yo. Mas takot pa kong mamatay ka."
Umismid ako. "Why? Ganyan mo ba ko kamahal?" biro ko kahit ang ibig sabihin lang ay bilang kaibigan niya.
His expression softened and his eyes focused on my lips.
"Sobra . . . kaya kapag namatay ka, para mo na rin akong niyaya sa kabilang buhay . . ."