Helian
I kept my distance since the day of the competition. Kahit na binantayan ako ni Reemo hanggang sa makauwi ako sa bahay ay hindi ko na hinayaan pa ang sarili kong bigyan ng ibang kahulugan ang pag-aalaga niya sa akin.
The scene that day broke me into pieces and woke me up from my delusion. Nakalimutan kong may mga bagay na hindi dapat asahan. Na hindi porke't ang tingin ng mundo ay dapat ganito o ganyan, iyon na rin ang kahahantungan. Hindi lahat ay pare-pareho ang magiging pagwawakas.
Kahit alam kong masasaktan ako ay muli kong binisita ang f*******: account ni Mama gamit ang panibagong account. Naka-block pa rin iyong orihinal kong account at sinabihan na ako nina Tyang na hayaan ko na lang kaya lang masokista siguro talaga ako. Dahil heto akong muli, pinapatay lalo ang aking puso sa panonood ng videos nila ng dalawa kong kapatid.
Hitori, my brother is fifteen years old now while Sakura is ten. Alagang-alaga sila ni Mama at palaging ipino-post sa f*******:.
Basag akong napangiti nang marinig ang tinig ni Mama sa video, sinasabihan ng mahal kita ang bunso kong kapatid.
I shut my eyes and imagined her saying those words to me. Nangilid ang aking mga luha habang pinauulit-ulit ang parteng sinasabi ni Mama iyon, ngunit nang maalala kong hindi na ako maaaring mabuhay pa sa delusyon, muli kong iminulat ang mga mata ko't in-exit ang video.
Kailangan ko nang tumigil. Sa pag-iisip na mamahalin ako ni Reemo at sa paghihintay na kilalanin akong muli ni Mama bilang anak.
I realized that I have to start accepting the painful reality. It is what it is, they said. Kaya kung kinakailangang araw-araw kong ipaalala sa sarili kong hindi lahat ng mahal ko ay mamahalin ako pabalik, handa ko nang gawin.
Mabilis akong nagpunas ng luha nang makarinig ng katok sa pinto na sinundan ng tinig ni Tyong Pogi. "Nak, nandito na si Troy!"
Suminghot ako. "Sige ho! Pakisabi mga limang minuto na lang!"
Tumayo ako't isinuot na ang aking sapatos. May mini gathering ang batch namin sa kolehiyo at alam kong darating si Reemo dahil niyaya niya akong sabay na kaming pumunta. Ngunit imbes na tanggapin ang alok niya ay tinawagan ko si Troy.
I had to keep my distance from Reemo no matter what. Kung kailangang ituon ko kay Troy ang atensyon ko para lamang magawa ko iyon nang hindi na ako masaktan pa ay gagawin ko. Naging honest naman ako kay Troy tungkol sa bagay na iyon. Surprisingly, he was into it. In fact he even became more active on leaving comments on my f*******: posts. He even posts pictures of mine as if he wanted everyone to know we're dating.
Reemo, of course, bombarded me with questions about it. Nagsumbong din si Troy na pinasasabog ni Reemo ang inbox niya. Pinuntahan pa raw siya sa trabaho para lamang alamin kung may namamagitan na ba sa amin. Sinabi na lamang daw niyang nagkakamabutihan kami nang tumigil na sa pangungulit si Reemo.
Troy greeted me with a smile when I went out of my room. Tumayo siya at kaagad ding lumapit sa akin. "Tara?"
I jerked my head. "Kotse mo na lang. Tinatamad akong magmaneho ngayon."
"That would be better," tugon niya bago nagpaalam kina Tyong Pogi.
He opened the shotgun door for me before he went to the driver side. He even let me pick the song we'd listen to while on our way to the air Bnb where our mini gathering with our college friends will be held. Nagkwentuhan din kami habang nasa daan kaya nang makarating kami sa lugar ay maganda na ang mood ko.
Ipinagbukas niya akong muli ng sasakyan. Sakto namang inaalalayan niya akong lumabas mula sa kanyang 4x4 nang dumating si Reemo kasama iyong babaeng nakita ko noong motocross competition.
"Ka-batch natin 'yan. Si Ellie. Hindi mo natatandaan?" bulong ni Troy, at kung mula sa direksyon nina Reemo ang tingin, nagmukhang hinalikan ako ni Troy sa pisngi noong yumuko siya upang bumulong.
Kumunot ang noo ko. "Hindi ko maalala."
Ngumisi si Troy saka pinisil ang pisngi ko. "Hindi mo naman talaga natatandaan kapag hindi mo ka-close."
I smirked. Well, that's true. Mabuti naman at kilala pala ako ng kumag na ito.
Humugot ako ng hininga't hinawakan na siya sa braso nang mapansin kong patungo sa aming direksyon sina Reemo. Sa sulok ng aking mata ay napansin ko pa ang pagdilim ng ekspresyon ni Reemo ngunit hindi ko na inintindi pa.
"Naks, maaga na tayo ngayon? Oh? Bakit iba ang kasama? Pucha, hindi na kambal-tuko, ah?" alaska ng isa sa mga dati naming kaklaseng si Benneth.
I showed my middle finger. Nagsipagtawa naman ang iba, ngunit nang makit ang madilim na ekspresyong nakapinta sa mukha ni Reemo ay natahimik sila. No one even dared to joke about Reemo's mood. Siguro ay alam na nilang kung ganoon na ang itsura ni Reemo ay mahirap nang biruin.
Benneth offered us drinks instead. Naupo naman kami ni Troy sa long couch hawak ang beers namin. Sina Reemo at Ellie ay roon sa bean bags pumwesto. Pagkaupo palang, nilagok na kaagad ni Reemo ang laman ng bote niya. It didn't take long before he finished the whole bottle. Napakamot tuloy ng ulo sina Benneth bago ito inabutan ng isa pa.
"Chill lang, pare. Mahaba pa ang gabi," paalala ni Jerson, isa rin sa ka-batch namin.
I sighed and just took a sip in my beer. Kung normal na araw siguro at ayos kaming dalawa ay nabatukan ko na siya sa ginawa. Kaya lang ay gusto ko nang panindigan ang pag-mu-move on ko kaya hindi ko na pinansin at nag-focus na lamang ako sa usapan.
We talked about the upcoming alumni homecoming while drinking. Nang ma-settle ang lahat ng kailangang i-discuss tungkol sa reunion ay nagkumustahan naman tungkol sa kanya-kanyang buhay. It was fun until I noticed that Reemo was already drunk. Hindi naman kasi talaga malakas uminom ang loko kaya gusto ko na sanang pigilan nang muling nanghingi ng isa pang bote ng alak ngunit naunahan na ako ni Ellie sa pagpapaalala.
My chest tightened when Ellie ran her palm on Reemo's thigh. Imbes tuloy wala akong balak magpakalasing ay namayani ang selos sa aking sistema kaya kung anong lakas ng pag-inom ni Reemo, hindi ko namalayang pumares na rin ako.
It was too late before I realized that I was already getting too wasted. Nagkayayaan na rin sa pool ngunit hindi ako sumali. Ellie and Reemo jumped to the pool while Troy assisted Jerson in putting more beers in the cooler.
Nairita ako sa hagikgik ni Ellie, at dahil lasing na, natakot ako na makapag-eskandalo ako kaya bago pa ako tuluyang mapikon nang makita ko kung paanong tila nananadyang nakipaglampungan si Reemo kay Ellie sa pool, tumayo na ako't nagpaalam na magpapahinga muna sa isa sa mga kwarto.
I went to the room upstairs. Ni hindi ko na nai-lock ang pinto dahil sa kalasingan. I inhaled a sharp breath as I took slow steps towards the bed, ngunit bago ko pa narating ang kama ay bumukas ang pinto.
I watched Reemo lock it after he got inside. May dala siyang dalawang baso at isang bote ng whiskey. He showed it to me while walking towards my direction. Basa pa ang buhok niya ngunit ang katawan ay natatakpan na ng puting roba.
"Let's get more drunk until we can finally be honest," he said then smirked. "Maybe this is the only way for you to tell me why you're ignoring me these past few weeks."
Umiwas ako ng tingin. Ipinagsalin naman niya kami ng alak saka kami sumalampak sa sahig at tahimik na nag-inom. Ni walang nagsalita sa amin hanggang sa maubos namin ang laman ng bote, at nang mapagtantong hindi na rin namin kaya pang bumaba upang kumuha ng isa pang maiinom, nagkatinginan ang parehong namumungay naming mga mata.
Still, none of us spoke but Reemo lifted his hand to cup my cheek. Bumigat ang talukap ng aking mga mata nang haplusin ng kanyang hinlalaki ang aking pisngi, at nang hindi ko na nalabanan pa ang epekto ng alak, tuluyan kong inilapit ang aking mukha sa kanya upang halikan ang kanyang mga labi.
Reemo responded to my kiss until he was already taking the lead while guiding me towards the bed, and the moment his kisses finally trailed down my neck while he's squeezing my boob, I realized I was about to lose my innocence to him.
To the man who only wants to touch me this way when he's drunk . . .