Kabanata 13

1270 Words
Helian I woke up the next day with an extreme hangover, wobbly legs and an aching coochie. Hirap na hirap akong ibangon ang sarili mula sa kama dahil gusto ko sanang uminom ng tubig. I felt something heavy snaking my waist, and when I turned to look who's snoring next to me, I swear my heart nearly jumped out of my chest. Putangina, si Reemo? I checked under the sheets. My eyes widened when I realized that I wasn't wearing anything anymore. Ganoon din siya! My eyes blinked. Nagbalik sa alaala ko ang mahabang gabing pinagsaluhan namin. We drank a whole bottle of whiskey. I kissed him and then . . . My cheeks burned. Tang ina, nawarak na! I chewed my bottom lip. Ni hindi ako makapag-isip nang maayos. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o babatukan ang sarili. Yes, I wanted him to take my innocence but damn it! Hindi ko maalala nang maayos ang lahat! Nakakapanghinayang! Reemo moved. Maya-maya ay kumurap ang mahapdi niyang mga mata hanggang sa tuluyan iyong bumukas. Halos pigilin ko naman ang paghinga ko habang titig na titig sa kanya, at nang makita niya ang aking reaksyon ay para bang mayroong nagbuhos ng malamig na tubig sa kanyang ulo. "Shit." He pulled himself together before he rubbed his palms on his face. "Please tell me we didn't do it?" Para akong sinaksak sa dibdib. Ano ang ibig niyang sabihin? Nagsisisi ba siya na mayroong nangyari sa amin? Iyon ba ang gusto niyang iparating? Kung oo, putang ina. I inhaled a sharp breath, trying to calm myself so I could think straight. Hindi ko pwedeng ipahalatang nasaktan ako sa kanyang sinabi. I should play it cool or I might lose him for good. No, please. Not this way. Tumikhim ako't pekeng ngumisi kahit nasasaktang tila sising-sisi siyang mayroong nangyari sa amin. Bakit? Dahil ba napagtanto niyang hindi naman dapat nauwi sa ganoon ang inuman kagabi? Sumasama ang loob ko pero hindi ko hahayaang maramdaman niya iyon. My bruised ego made me smirk a bit wider. "It's just sex." Bumangon ako at lakas-loob na nagbihis sa harap niya habang nananatili siyang nakaupo sa kama, nakasunod lamang sa aking bawat galaw. "Come again?" may inis sa tono niyang tugon. I turned around and pretended that I'm still fixing my clothes even when the truth is, my eyes are starting to sting. "I said it's just s*x, Reemo. We could've done it a long time ago. Sayang. Maaga pala sana akong natuto." Nadama ko ang pagbigat ng hangin sa loob ng silid. Hindi niya ako kinibo ngunit narinig ko ang marahas niyang pagbuntonghininga. "We shouldn't have done that. We're both drunk. I didn't mean to take advantage of you," paliwanag niya. Palihim akong nagpunas ng luha nang maramdaman ko ang labis niyang pagsisisi. "A-Ayos lang. Gaya ng sabi ko, sana matagal na nating sinubukan. Masakit sa una pero masarap naman. At least kung susubukan ko na sa magiging boyfriend ko ay hindi na ako ganoon kaignorante." Nilingon ko siya habang pekeng nakangisi. "Laki mo pala. Baka lagnatin ako nito." Umigting ang panga ni Reemo. "I just f*****g took your virginity while under the influence of alcohol and you have the guts to joke that way? Tang ina naman, Ian. Wala ka bang respeto sa sarili mo? We were drunk! I shouldn't have done that!" Sumikip lamang lalo ang dibdib ko nang malinaw kong nakita ang galit at pagsisisi sa kanyang mukha. I get it. He regrets what happened. Hindi na kailangang isampal sa akin ang katotohanang hindi naman mangyayari iyon kung hindi kami lasing. "Well, f**k alcohol then." Isinuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok. "Mauuna na ako. Kailangan ko nang umuwi," I said even when the truth is, I just don't want to burst into tears right in front of him. Parang tinapakan ang pagkatao ko. Ang sakit-sakit makitang sising-sisi siya gayong kagabi lamang ay sinabi niyang mahal niya ako. Pati ba iyon pinagsisisihan niya? Siguro nga. Grabe ang pagsisisi ngayon, eh na may nangyari sa amin. Baka pati iyon, hindi rin naman niya sinasadyang sabihin. Lumamlam ang mga mata niya. "I'm sorry. Ihahatid na kita." "Hindi na. Baka nandiyan pa naman si Troy. Sasabay na lang ako--" "Ian, please don't push me away after this. I swear, kung hindi ako lasing hinding-hindi ko gagawin sa'yo 'to. Hindi ko sinasadya." Nanikip lalo ang dibdib ko. "Oo na, tang ina naman paulit-ulit. May hangover pa ko, Reemo saka na tayo mag-usap. Gusto ko pang matulog." He sighed. "Ian , I mean it. I'm really sorry for what happened." Tanging tango na lamang ang itinugon ko saka ako nagmamadaling lumabas. Malagkit pa ang katawan ko't amoy s*x pero ayaw ko nang magtagal pa sa silid na iyon. Baka bigla na akong humagulgol dahil sa sobrang pagkapahiya. Sino nga naman kasing sisisihin ko eh alam ko namang mas nalasing siya kagabi? Kahit paano ay may isip pa ako noong nangyayari iyon sa amin. May choice akong umatras pero wala, eh. Ginusto ko iyon. Tapos iiyak-iyak ako ngayong nakikita ko siyang nagsisisi? I sniffed and immediately shoved my tears. No. Deserve ko 'to. Putang ina, deserve ko 'to. Ginusto kong magpawarak, 'di ba? Dapat tanggap kong nagsisisi siya ngayon. Kaibigan lang naman ang tingin niya sa akin, 'di ba? Ako 'tong may lihim na pagtingin kaya dapat tanggap kong talagang magsisisi siya sa nangyari sa amin. I banged my chest when it got tighter. "Huwag kang umiyak-iyak, Helian. Ginusto mo 'to, letse ka," mura ko sa sarili bago ako tuluyang bumaba ng hagdan. I tried to look for Troy but the son of a b***h was still asleep on the pool area. Nakadapa sa sun lounger habang may bote ng alak na hawak. Nahihiya naman akong istorbohin kaya lalakarin ko na lamang sana hanggang sa labasan para roon maghanap ng masasakyan. Tumalikod ako't naglakad ngunit nang makasalubong ko si Ellie sa daan ay sandali akong napahinto matapos makita ang matalim niyang titig. She even lifted a brow and scanned me from head to toe. "Ahas ka rin, eh 'no? Ang galing mong manalisi?" she hissed. Umigting ang aking panga ngunit nang sasagutin ko na sana siya ay natanaw ko si Reemo sa hindi kalayuan. I suddenly felt small. Ni minsan ay hindi ako na-bully, pero sa mga sandaling ito na nakikita ko kung gaanong nagsisisi si Reemo sa nangyari, pakiramdam ko ay umurong ang dila ko. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko. Humugot ako ng malalim na hininga't pekeng ngumiti kay Ellie. "Pasensya na. Huwag kang mag-alala. Malaking pagkakamali lang ang nangyari. Hindi niya ginusto at hindi ko rin ginusto. Akala ko si Troy ang kasama ko. Siya pala. Don't worry. I know where I stand at alam kong ganoon din si Reemo," I said. Sinadyang iparinig iyon kay Reemo. I glanced at him and saw nothing but his darkened expression. Tila galit at gustong magwala. Lalo lamang tuloy sumikip ang dibdib ko. Is he that mad at me? Tinalikuran ko na si Ellie saka ako mabilis na nagmartsa paalis, ngunit nang makalabas ako ng gate ay hindi ko na napigilan ang pagragasa ng aking mga luha. I pursed my lips to trap my sobs but it wasn't enough. Hindi ko pa rin napigilan ang paghikbi ko't labis na pagluha dahil nanliit ako nang husto. Suminghot ako't nagpunas ng pisngi saka ko hinagod ang aking dibdib. "No, Helian. They will never find out how much this day had scarred your heart." Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. "Hinding-hindi ka na ulit iiyak nang ganito. Hinding-hindi mo na ipagsisiksikan pa ang sarili mo . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD