2. Get Laid

2458 Words
CHAPTER 2 – GET LAID  Sumunod ako sa isang robot na nag-aassist sa akin kanina pa. Naglakad kami palabas ng library papunta sa bathroom kung saan papaliguan yata ako ng robot na ito. Jusko po. Ano bang dapat kong gawin dito? Tingin ko hindi yata ako tatagal sa pinasukan kong ito. Ang daming bawal at isa pa makakasama ko ang taong hindi ko naman kilala at bawal ko pang tanungin ang personal details niya. Weird right? "Suject Five, you are permitted to take a shower. You can do it in fifteen minutes." Halos mapasigaw pa ako sa lakas ng boses ng robot na sinunsundan ko. Humarap siya sa akin. He looks like a machine but in AI style na parang nakikitang robot sa movies, ganon na ganon siya. May paa, kamay, dibdib, even hips, at ulo siya kaso built in metals siya at may mata din siya. Sa dibdib niya ay may umiilaw na command at kapag naka-rest naman siya kagaya kanina ay nasa wall siya ng bahay at may umiilaw doon na parang milky way galaxy ang style. I can't explain but his house is like in high-tech. Biometrics ang gamit niya as an access sa main door at malinis na malinis ang paligid. Ang kumuha din ng bag ko na may laman na mga damit ko at pinasunog niya ay parang nano-drones. Ito din siguro ang tagalinis sa buong bahay niya. Maluwag at mansion ang bahay pero mukhang malungkot kasi parang mag-isa lang siya dito. It looks like alone house somewhere. I don't know where's the location dahil tinakpan niya nga ang mata ko kanina when we get in here at nakakamangha dahil may AI driver siya. He works with robots. Hindi na siguro ako magtataka dahil sa kanila ang Webb Corporation. The one I volunteered and passed my resumé with. Webb Corporation is owned by her sister, Siara Anna Cortela. Their father was the founder of the corporation pero namatay na ang tatay nila kaya siguro si Siara ang nagmana. Sa pagkakaalam ko magkapatid sila, based on my research about the company. Webb Corporation is an export of AI robots all over the world. Madami silang nagagawang robots at ang Japan ang number one nilang ginagawan ng robots. "Subject Five, take a bath now." Nagulat ako sa pagsasalita niya ulit. Pumasok na ako sa bathroom na glass ang pagkakagawa. Hindi ba ako makikita dito sa labas? Nakakahiya kapag nakita niya akong naliligo. And thank goodness dahil akala ko papaliguan ako ng robot na 'to, hindi pala. Mabuti na lang dahil kung ganon aba, madali namang tumutol sa kanya. Besides I don't trust him. Sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya at isa pa, parang ayaw niya ako bilang Subject niya pero wala siyang nagawa dahil pinilit ni Siara na ako. Kung hindi lang ako nabaon sa utang sa medical expenses ni mama last year, siguro wala ako ngayon dito. The truth is I really need money. Hindi sapat ang perang kinikita ko sa pag-e-escort lang kaya tinanggap ko ang kontratang ito. I'm twenty-three years old with too many debts. Hospital bills, medical expenses on my credit cards, at kung ano-ano pang babayarin na tungkol sa mga gamot at hospital. Nagsimula ito nang ma-diagnose si mama na may Stage three cancer. Syempre sinunod namin ang payo ng doctor na magpa-chemo therapy siya pero mas lumala lang nang nine months na siyang nag-che-chemo at nasa Stage four na. Nabaon ako sa medical expenses sa hospital at sa lahat ng pambili ng gamot. Nasagad ang credit card ko, even nagkanda-utang-utang pa ako hanggang sa tuluyan na ngang mawala at bawian ng buhay si mama. Wala naman akong katuwang dahil nag-iisang anak lang ako at si mama lang ang nagpalaki sa akin. Hindi ko na din maasahan ang iba kong kamag-anak dahil nasa malalayo sila. I'm all alone and still in debt at this moment of my life. Ngayon, sinisingil na ako ng hospital at sa pinagkautangan ko ay baka kasuhan na ako dahil sa hindi ako makabayad. I accepted and volunteered for this contract. The money that I'll receive for this is worth a buck. Two million for this contract and I'm good to go and start my new life again as a debt-free individual. Sana nga lang magawa ko lahat ng gustong ipagawa sa akin ni Alejus. I started switching the shower pero wala itong switch. Ano ba 'yan? Paano ako maliligo dito? Tsaka ano namang pagbibihisan ko e pinasunog niya ang mga damit ko? Tumapat na lang ako sa shower at pumikit. Thinking that may tutulong tubig mula sa shower. Malay ko ba sa high-tech ng bahay baka may sensor ang shower. A few minutes after waiting, nagsindi na nga ang shower. Oh good! Tama nga ako. Nakaka-sensor ng body heat ang shower niya. Pero wait... I look around and the glass walls turned to be walls now. Hindi na siya glass at may nakatakip na dito na parang blinds pero sapat na para hindi ako makita mula sa labas. Great, huh. Ano pa bang aasahan ko e nandito ako sa bahay ng isa sa pinakamayaman at pinakamagaling na robot inventor sa bansa. Naliligo pa lang ako nang marinig ko ang boses ni Alejus sa labas at kausap niya yata ang AI. "Plinth, where is she? I said only fifteen minutes for her bath session," I heard his irritated voice. "I am sorry, Alejus. Subject Five is taking too long in the shower room." "Stop the shower." Oh no, hindi pa ako tapos magsabon. Pero wala akong nagawa nang huminto nga ang shower sa paglabas ng tubig at naglabas ng bath towel. Kinuha ko ito agad at nagpunas na. The walls turned glass walls again and I could see Alejus bored face from outside. It's very awkward knowing that he's looking at me like he's gonna eat or kill me. I step outside the shower room and he just wait there while Plinth is still looking at me. "I bet you're enjoying the shower." He speaks in gritted teeth. Halata mo sa mata niyang naiinip siya at naiinis sa akin. His eyes are dark gray, may British blood yata siya kasi mukha naman siyang may foreign feature. Matangkad din at matipuno ang katawan niya. He looks like he's always a guy at the gym dahil malalaki ang biceps niya. He got a sexy Greek-god body too and his hair is light-brown in color and it looks natural on him. "Johanna, are you there?" He asks habang nakakunot na ang noo niya sa akin. Oh gosh... Baka mahalata niyang dine-describe ko siya. Iba pa man din siya kung mag-isip. "I'm sorry." Ayon na lang ang nasabi ko dahil kung iba pa ay baka iba din ang marinig ko mula sa kanya. "Your clothes are on the living room. I need you to be in my lab in ten minutes after you get yourself dressed." He said in his formal authority voice. Tumango ako sa kanya tsaka umalis na ulit siya pero tinignan muna ako ng kakaibang tingin. Why he looked at me like that? Pumunta na ako sa living room para magbihis. After noon, the AI guided me to the laboratory. Nandoon naman na siya at naghihintay na sa akin while holding some papers in his hand. The laboratory seems normal. May parang X-ray machine doon and CT scan room. "You ready?" Bakit parang ang bilis naman yata? Wala ba munang break dahil kakasimula pa lang naman namin? "Don't worry, Johanna. I won't do any experiments today. I'll just check your vitals." He said like he can read my mind. Ganito ba talaga siya katalino? "What should I do?" Nahinto siya sa kakalakad habang hawak ang papel at tinitigan ako kaya napayuko ako sa tingin niya. He looks so intimidating. Sobrang nakakakaba ang tingin niya and at the same time nakakatakot din. Suddenly, nilapag niya ang hawak niyang papel sa mesa doon na nag-iisa lang dito sa laboratory and then looked at me again. He stopped then he looks like he's thinking. "I want you to get laid for me." My heart beats fast by his words. I seriously don't know what I'm doing here. May lumabas na higaan mula sa part na mukhang CT scan and he looked at it. Nagsimula na akong lumapit doon para humiga but he stops me by raising his hand so I stop from walking. "I want you to get laid for me but remove all your clothes." What? Is this for real? Will he rape me? Ano bang balak niya? "Get naked in front of you?" I ask now. Hindi ko na matimpi ang gusto kong itanong. "Yeah," he just nods like it's nothing to him. "Now?" "Don't worry, Johanna. This is normal for the test. I won't touch you or get advantage of you. Besides, I'm here for the contract and you are too. I have girls to give me that kind'f stuff that you're thinking." Ngumisi siya. Oh, great. Pinagmalaki pang hindi siya interesado sa akin at may mga babae siyang ginagawa ang bagay na 'yon sa kanya. Wow. Wonderful world. Of course I'm sarcastic. "Turn around." I suggest. "Seriously?" He chuckled. Tumalikod naman siya at nagsimula na akong alisin ang damit kong pinasuot niya din kanina. When I'm totally naked humarap naman siya. "Alright. I think I'm just wasting my time. Go and get laid on that bed." He ordered. Parang wala lang naman sa kanya nang makita niya ang kahubadan ko at may pinindot siya dito nang makahiga na ako. May kinuha din siya na syringe at kumuha ng gamot sa may vial and then he came to me with a serious face. "What's that? What are you gonna do?" I ask. Pinitik niya ang syringe. "You'll sleep for this. Just relax, Johanna. Your body needs it." Suddenly I feel him injecting the syringe and all I see is some black around me then I saw his serious handsome face and then I fall asleep. I woke up feeling like I'm floating in the air. Pilit kong dinilat ang mga mata ko at nang makita ko siya ay naupo muna ako. But my head is aching like someone hit me hard. The ache is pulsing all over my head and I close my eyes to ease the pain. "Johanna," I heard him calling me but I didn't look at him. Instead I touched my head. It aches like hell. I feel his warm hands touching my wrist and my head as I feel him guiding me to lay down again. "Bakit ba ang kulit mo? Sabing h’wag ka munang tatayo o uupo. Higa ka lang." He says and I opened my eyes and saw his worried but irritated face. "Wha... What did you do to me?" I stuttered asking. May kinuha siya sa isang freezer and he injected me again. "Relax," "What is that?" My half-sleep eyes look at him. "It's just tranquilizer to calm you. Masakit ba ulo mo?" Tumango ako. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng lab gown at naka-gloves na din habang may hawak pa ding syringe. Some paper works are at the table while there's a book there. May ilaw din na parang pang-operation na nakasindi at nakatutok sa akin. Anong ginawa niya sa akin? Is he trying to kill me? "Here, take this." Inabot niya ang isang tablet na gamot at may hawak siyang glass of water. "What is this?" "Just some pain reliever. Take it." Utos niya na. Ininom ko na ito tsaka ginabayan niya naman akong makainom ng tubig dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko. The good thing I noticed is that I'm now wearing a lab gown too at hindi na ako nakahubad. My body seems normal pa din naman. Hindi niya naman siguro ako ginawan ng masama or something. It's just that my head aches like hell this time. A peaceful silence came along and he went on the table while reading some papers. And just a few minutes, my headache is fading away. Gumagaan na din ang pakiramdam ko. "Alejus," I called him. Tumingin siya agad sa akin at kumunot ang noo niya. "What did you do to me?" He got a serious look at me and came walk near me. "I just checked your vitals and inserted some tracker in you," he said seriously. "Where is it?" "In your right arm. That tracker will track your vitals daily; if you're healthy or in need of some vitamins for your brain." I swallowed. "What are you gonna do with it?" "Johanna, you signed the contract and now you're asking me about these questions. You're not aware what I'm gonna do to you?" He clenched his jaw after he asked. "Excuse me?" I chuckled. Itatanong ko ba sa kanya kung alam ko? At isa pa, kontrata lang ang pinirmahan ko, hindi ibig sabihin nun ay binigay o binenta ko na ang katawan ko sa kanya na kahit anong gawin niya dito ay pwede na. "Excuse you for what?" Maawtoridad na ang boses niya at nakatitig sa akin. "I think I'm done here." Tatayo na sana ako but he manages to stop me by holding my wrist. "You signed the contract, there's no turning back. Remember the rules, Johanna." Nangilabot ako sa lalim at nagbabanta niyang boses sa akin. Dumilim din ang gray niyang mata at sumingkit ito. "Then tell me what you're gonna do with me." I insist. Pumikit siya pero dumilat ulit, halata mong nagpipigil siya ng inis at galit sa akin. "Johanna, if I tell you what I’m gonna do to you, I'm sure you're not gonna like it." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at ilang pulgada na lang ay magkakadikit na ang labi ko sa labi niya. Magkadikit na din ang tungki ng ilong namin tsaka ramdam ko ang mabigat niyang paghinga. Kumakalabog ang dibdib ko sa pwede niyang gawin. Bukod sa malakas siya ay malaki din ang matipuno niyang katawan. Dagdag mo pa ang nakakatakot niyang tingin. Parang titiklop yata ako sa lalaking ito. "Alejus, please..." Nasasaktan na kasi ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. I'm sure kapag inalis niya yon ay bakat na ang kamay niya dito. "Please what?" I nearly burst into tears because of his actions towards me. Hindi ko alam kung anong magyayari sa aming dalawa sa loob ng dalawang buwan ditto, Simula pa lang ay hindi ko na nagugustuhan. "Nasasaktan ako." Tumingin ako sa pagkakahawak niya sa braso ko at mabilis niya naman itong binitawan tsaka siya napailing at naisapo ang daliri niya sa noo niya. I saw him clenched his jaw. Lumayo na din siya sa akin at inalis ang lab gown niyang suot. "Let's have a dinner." He just said. Hindi siya tumingin sa akin. Weird Alejus.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD