Playing: Leaves by Ben and Ben
I looked at our glass window, inip na inip dahil ang tagal mag-announce na cancel ang klase dahil sa paparating na bagyo. Nakasuot ako ng earphones at buti na lang mahaba ang buhok 'ko at hindi ako nahuhuli ng teacher 'kong nagtuturo sa unahan. Nakakatakot pa naman 'tong magalit, matanda na kasi eh.
Ang lamig, buti na lang dala 'ko ang sweater 'ko na in-arbor 'ko mula kay Bryce, isa 'kong kaibigan. Ang lamig talaga, parang ang sarap ng may kayakap. Charot...
Napatingin ako kay Gaille na seatmate 'ko. Hay, tulog nanaman. Tumingin naman ako kay Rigel na nasa likod 'ko at nakitang pangiti-ngiti sa cellphone niya habang may tintype. Sana all may ka-chat...
Palihim 'kong inilabas ang cellphone 'ko, at binuksan ang dump account 'ko sa TweetNote, isang microblogging social media na pwede kang maglabas ng sama ng loob. Dahil nga naka-follow mga teacher 'ko sa personal account 'ko roon, gumawa ako ng dump account para roon mag-rant lalong-lalo na pag tungkol sa school. Hehehe, mahirap na, baka magising ako nasa guidance na ako.
@dumpniels
Cuddle weather... pero wala akong ka-cuddle:
And then I hid my phone dahil baka mahuli ako ng teacher 'ko. I closed my eyes and let my thoughts winder in my mind.
I'm at the Ben and Ben concert. Right when I thought I'm alone, someone held my hand. It was a guy.
Makapal na kilay...
Mapupungay na mga mata...
Makapal na kilay...
Matangos na ilong...
Mapulang labi....
At pangang umiigting....
Nadinig na ata ni Lord ang mga dasal 'ko sa buhay! Eto na ata ang icing sa ibabaw ng cupcake 'ko... Charot!
He smiled at me and guide my hands to the back of his neck and put his hands on my waist as we dance. We're swaying through the rhythm of the song.
We suddenly stopped and look at each other's eyes, and slowly, he moved his face closer to me.
Eto na! Direk! OMG! Hindi 'ko po ito branding!! Charot!
Just as I thought we're gonna kiss....
"Uy, 'teh! Hindi ka pa tatayo dyan?" Sayang naman! Mag-kikiss na kami e! Tiningnan 'ko kung sinong may Hudas ang nag-stop ng day dreaming 'ko at nakitang si Rigel 'yon. Sana hindi na siya replyan ng ka-chat niya...
"Tapos na agad klase ni Sir? Himala ah," I stated habang inaayos ang mga gamit 'ko. I was too occupied with my day dreaming siguro to the point that 2 hours went fast. Tiningnan 'ko naman si Gaille na nasa gilid 'ko na nakapikit pa. Wawa naman ang baby Gaille 'ko, na-udlot ang tulog.
"Ay 'teh, hindi ka talaga nakinig. Suspended daw klase, gawa ng bagyo." Rigel stated kaya tumalon ako sa tuwa! Naririnig nga ni Lord ang mga dalangin 'ko kasi kanina 'ko pa siya pinagdadasal. Gusto 'ko ng matulog pero ayokong matulog sa bahay, baka hindi ako makatulog sa ingay.
"Yehey! Kanina 'ko pa talaga pinagdadasal. Dapat nga hindi ako papasok pero hindi ako papaalisin ni Mommy sa bahay pag naisipan ng mga friends 'ko na tumambay kina Kaia after suspension," saad 'ko then I get my bag at naglakad na palabas ng classroom. Pag labas 'ko, nakita 'ko si Siri, na best friend 'ko, kasama ang jowa niyang si Apollo na pinsan 'ko. Ako kaya inaabangan ng dalawang 'to?
"Beh, kanina ka pa namin minemention sa gc, hindi ka nag-seseen kaya sabi nina Kaia sunduin ka na raw namin," wika ni Siri sabay irap sa'kin. Tiningnan 'ko naman ang phone 'ko at napagtantong lowbat na ako.
"Ay, sorry beh. Na-lowbat ako eh, peram akong power bank," sabi 'ko at pinahiram naman ako ni Siri ng power bank. Napaka-bait talaga ng best friend 'ko, sana mag-tagal sila ng pinsan 'kong babaero. Charot. Pasmado bibig, sorry...
"Els, una na kami ni Gaille," Rigel said while waving his hand, and Gaille did the same. I waved my hands too and said "Ingat."
Pagka-kuha naman ng power bank, nanguna na ako mag-lakad dahil ayokong maging 3rd wheel nilang dalawa. Buong 16 years of existence 'ko, puro na lang ako 3rd wheel, pero okay lang naman. Atleast libre nila pagkain hehe.
"Saan ba raw tayo magkikita-kita?" I looked at behind me para tanungin si Siri, only to see them giggling while holding each other's hands. I just pouted, and opened my phone para tingnan ang mga chat ba sa gc namin.
Public Hair
weh? (Kaia): Suspended daw ang class, saan tayo?
bura(o)t (Zach): Sa inyo
lakambaboy (Kendra): luh? sino ka? taga-mh ka ba?
hatdog (Ryden): Oo nga, diba taga-sci high ka? bawal ka d2.
bura(o)t (Zach): Sige, salamat sa lahat :) masaya na kayo na wala ako...
pinakapogi, pinakamatalinong lalaki sa grupong 'to (Bryce): sige, bye pre!
lakambaboy (Kendra): (2)
hatdog (Ryden): (3)
Dahil ang haba pa ng i-baback read 'ko, hindi 'ko na binasa ang iba at nagchat.
goldfish (Ellie): san kitaan?
weh? (Kaia): andito kami nina Bryce sa cafeteria, the usual spot.
goldfish (Ellie): ocakes pre, otw na kami dyan. im w/ siri and her boy.
Matapos 'ko 'yun i-send, itinago 'ko na ang cellphone 'ko sa bulsa ng palda 'ko at tumakbo papunta kina Kaia, iniwan ang mag-jowa sa likod 'ko dahil naa-adwa ang paningin 'ko. Charot, sobrang bitter 'ko naman.
"Kamusta pagiging 3rd wheel, beh? Anong lasa?" pang-aasar ni Kendra pagka-upo 'ko pa lang sa upuan sa tabi ni Bryce. Nakain naman si Bryce at Ryden ng ice cream kahit ang lamig lamig na ng panahon. Hay, gusto 'ko mag-ramen.
"Hindi masarap beh, ang pait," sagot 'ko. "Ay teh, kamusta kayo nung nakilala mo sa rpw nung isang araw?" tanong 'ko dahil sa'ming magkakaibigan, ako lang ata walang someone special.
"Ayon, binigay niya real account niya sa'kin. Eto! Tingnan mo!" sambit niya sabay pakita sa'kin ng picture ng isang lalaking naka-sandal sa railings ng hindi 'ko mawari kung saan at may shades. Gwapo nga!
"Gwapo! Parang hindi makatotohanan!" I exclaimed dahil nakahuli siya ng isda sa dagat! Nakakainggit naman! Nag-try na rin ako maghanap ng true love sa rpw kaso hindi 'ko natagalan. Ang jejemon ng mga banat eh!
"May kaibigan ba 'yan? Baka pwede mo 'ko i-reto, para happy na ako sa birthday 'ko!"
"Ay 'teh! Puro taken na mga friends neto, pero may ipapagamit ako sa'yong app!" sambit niya muli at nagkalikot sa phone niya para hanapin yung app na sinasabi niya.
"Eto oh!" at pinakita niya sa'kin ang isang app named Treind. I haven't heard anything about this app. Mukhang bago ito ah?
"Harmless naman 'yan?" Before kasi, gumamit din ako ng dating app at sinabi 'yon sa'kin ni Kendra tapos nung naghahanap na ako, may naka-match ako at bigla biglang nagpapakita ng private part! Hindi 'ko kinakaya! Tuwing inaalala 'ko 'yon, nabalik trauma 'ko pero I must face my fears, I must face my traumas! Paano ako uunlad nito kung mananatili lang ako sa comfort zone 'ko? Okay, ang lame ng excuse 'ko para sabihin na atat na ako lumandi.
"Harmless! 'Tsaka marami ritong ka-age natin," muling sambit niya. "Meron nga akong naka-match dito, college na! From UST, tapos kausap 'ko hanggang ngayon!" kinikilig na wika niya.
"Tara na! Tinatadtad na tayo ng chat ni Zach sa gc," wika ni Kaia at tumayo na buhat ang small bag na dala dala niya.
"Kuwento mo sa'kin mamaya sa tricycle," I said to Kendra and cling unto her and Kaia's arm dahil busy ang best friend 'ko sa boyfriend niya. Hays, ekis na. Paki-cancel na po si Siri.
"Kaia, yung totoo, may kakasya ba sa bag mo?" curious na tanong 'ko dahil nakita ko muli ang small bag sa nakasabit sa likod niya. Isang notebook lang ata magkakasya roon.
"May laman yan! Isang notebook, isang ballpen, liptint, wallet at phone 'ko," she explained. "I predicted na ma-cacancel ang class kaya hindi 'ko na nilagay yung mga libro ko," she added. Dapat pala hindi na lang ako nag-bag, nahinuha 'ko na rin na mawawalan ng pasok eh! Sayang, next life na lang.
"Pre, may joke ako." narinig naming sambit ni Bryce kay Ryden dahil nasa likod namin sila. Bali nangunguna kaming tatlo nina Kaia at Kendra, sunod ang dalawang lalaki at sa likod ay ang mag-jowa.
"Ano 'yon pre?" sagot naman ng isa.
"Paano nakakapunta ang mga bubuyog sa school,"
"Paano pre?"
"Syempre, gamit ang buzz," sambit ni Bryce at ginaya niya pa yung "buzz" ng mga bubuyog. Purong katahimikan ang narinig namin mula sa kanila pero sabay naman silang humagalpak ng tawa.
"HAHAHA! ANG TALINO MO 'RON, PRE! HINDI 'KO 'YON NAISIP AH?" Ryden said while laughing out loud. Pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante sa lakas ng boses at tawa nila. Napayuko na lang kami sa hiya. Hindi po namin kilala 'yang mga yan, hehehe.
"Tanga, bobo ka lang talaga! Hindi mo ba 'yon nakikita sa Internet?" Bryce asked.
"Hindi eh,"
"Saang bundok ka ba galing na pashnea ka?"
Napatigil na lang ang usapan nang makarating kami sa gate at nakita namin roon si Zach nagkakape na sa tabi ng guard. Kumaway naman siya sa'min at inalok pa kami ng kape. Bakit ba hindi nahihiya 'tong mga kasama 'ko? Kaya nagkakasundo silang tatlo eh...
Dahil nga makapal ang mukha nung dalawang lalaki na kasama namin kanina, lumapit ito kay Zach at sa guard at kumuha ng tinapay. Nakipag-apir pa sila kay Manong Guard at kulang na lang magyakapan na parang ang tagal na nilang hindi nagkita e kakakita lang nila kaninang umaga.
"Pre! Pre! May joke ako!"
"Pre, ina ka. Pag yan yung bubuyog nanaman, ibubuhos 'ko sa'yo 'tong kapeng iniinom 'ko," Zach warned Bryce, kaya naman hindi na umimik yung isa at nagkunwaring nagtatampo.
"Tampururut ang abunjing abunjing," asar pa ni Ryden kaya tiningnan siya ng masama ni Bryce.
"Sige na nga, hanap na lang ako bago," sambit ni Bryce sabay labas ng cellphone niya, siguro para maghanap ng panibagong joke.
"Uy, tara na! Baka mas lalo pang lumakas ang ulan," Kaia said and lead the gang outside. We just followed her at naalalang nag-ccrave nga pala ako sa ramen.
"Kaia, may ramen kayo sa bahay?" tanong 'ko sa kanya para kung wala, makakabili ako dyan sa malapit.
"Ay, wala! Naubos na namin kagabi, ang lamig kasi e," sambit ni Kaia sabay bukas ng payong niya. Teka, wala naman siyang dala kanina ah? Mukhang hindi rin ito kakasya sa bag niya? Si Dora ba 'to?
"Ay sige! Bili lang ako sa palengke, una na kayo." sambit 'ko at nanguna na mag-lakad.
"Ellie! Dala ka ng payong! Baka lumakas yung ambon!" narinig 'kong sigaw ni Kaia. Tumingin naman ako sa langit at makulimlim nga. Mukha ngang may dadating na bagyo. Siguro hindi naman ako aabutin ng malakas na ulan pero para na rin sigurado, hiniram 'ko ang payong ni Kendra dahil mags-share naman sila ni Kaia sa payong niya.
Buti na lang hindi masyado malakas ang ambon kaya naman makakapaglakad pa ako papuntang palengke. Malapit lang naman sa school 'yon kaya hindi na ako sumakay ng tricycle. Sayang pamasahe.
Nakarating ako ng store at agad bumili ng ramen na paborito 'ko at iced coffee. Iced coffee kahit malamig na at naulan. Kabarkada 'ko nga siguro sina Bryce, ang weird 'ko e.
Matapos 'kong bayaran ang mga binili 'ko, lumabas na ako at saktong bumuhos na ang malakas na ulan. Buti na lang talaga dinala 'ko yung payong. Pwede na akong mag-asawa! I'm always ready eh!
Binuksan 'ko na ang payong at aalis na dapat pero nakita 'kong may lalaking mula sa ibang school ang nasa labas at hindi makaalis dahil sa malakas na ulan. Nakasuot siya ng vest na blue na may yellow stripes sa corners at white polo sa loob. Sa gilid ng vest niya ay nakalagay ang logo ng kanilang school, "Saint Anthony International School." Rich kid pala 'to... Baka bayaran ako ng nanay ng 10 million para hiwalayan ang anak niya. Choz.
Dahil baka abutin siya ng gabi dyan hindi pa rin natila ang ulan, lumapit na ako sa kanya pero sakto ring may tumawag sa kanya.
"Lorcan! Here! Faster! Mom's waiting for us!" sigaw ng isang lalaking may kaparehas niya na uniform. Kapatid niya siguro. Agaran namang tumakbo ang lalaki papunta sa kotse at sumakay sa passenger seat. Nakita ko pa na kinuskos niya ang buhok niya para patuyuin ng konti ang buhok niya. Taray, ang pogi ha? Pwede na... Pwede na maging jowa ko. Choz!
I just shrugged at lumakad papuntang sakayan ng tricycle papunta kina Kaia. Pagdating 'ko sa bahay nila, nakahiga na sa sahig at upuan ang tropa. Si Zach, nakaupo sa sahig samantalang naka-higa sa magkabilang lap niya sina Ryden at Bryce habang nanonood ng tv. Naka-upo naman sa sofa si Apollo at Siri, talagang hindi mapaghihiwalay ang mag-jowa! Parang hindi nag-away ng isang linggo ah?
Dahil likas na siguro sa katawan ni Kendra ang pagiging mapang-asar, lumapit at umupo siya sa gitna ni Apollo at Siri, kaya naman parehas siya tiningnan ng masama ng dalawa.
"Bwiset ka, Kendra! Do'n ka na nga! Makipagchat ka na lang!" sigaw ni Siri sabay tulak kay Kendra kaya nadaganan ang tatlong nasa sahig. Nadaganan ni Kendra si Zach at dahil nga nakahiga sa maglabilang lap ni Zach ang dalawa, nadamay na rin sila. Napuno ang bahay ng "aray" nila.
"Ina ka, Kendra! Ang bigat mo, yawa! Alis dali!" hiyaw ni Zach dahil payatot ito.
"Hoy! Pre! Alis na dali! Mababali na ata mga buto 'ko!" hiyaw din ni Ryden dahil katulad ni Zach, mas malaki ang katawan ni Kendra kaysa rito.
"Pucha! Hindi na ako makahinga!" hiyaw ng isa pang nadaganan na si Bryce habang pilit inuusod si Kendra pero dahil likas na mapang-asar si Kendra, tinawanan niya ito sabay pose pa.
"Els! Picturan mo kami dali!" nilabas 'ko naman ang phone 'ko at vindeohan sila kahit ang sinabi ni Kendra ay picturan.
"Here are my dragons, roar dragons!" sambit ni Kendra at pinabigat pa ang sarili niya kaya napahiyaw ang tatlo.
"Spit fire, dragons!" at muli, binigatan niya ang sarili niya kaya napasigaw ulit ang tatlo. Tiningnan lang naming apat nina Siri ang apat. Nakaka-awa nga e, pero dahil mabuti kaming kaibigan, tinawanan na lang namin sila. Dumiretso ako ng kusina para batiin si Tita Mia na nanay ni Kaia at para na rin lutuin ang binili 'kong ramen.
"Hi Tita!" sigaw 'ko kaya naman nagulat ang Tita Mia at muntikan pang maihagis ang cookies na kaka-bake niya lang.
"Ellie naman! Sabi 'ko sa'yo wag kang sisigaw dahil mabilis lang ako magulat," sambit ni tita, hawak-hawak ang dibdib niya kaya lumapit ako habang natawa at nag-sorry. Nilabas 'ko naman ang ramen na binili 'ko. Bumili na ako ng isang pack dahil panigurado hihingi 'yung mga 'yon. Alam 'ko na daloy ng sikmura nila.
Sabi naman ni tita, siya na lang ang mag-luluto kaya naman bumalik ako ng salas, at umupo sa tabi ni Siri at humiga sa lap niya. Inaantok ako...
She ran her fingers through the strands of my hair habang kinakausap ang boyfriend niya.
"Mahal, I'm going out nga pala first week of Feb. Birthday ni Lucas, you know him right?" paalam ni Apollo. Hindi ako chismosa ah! Sadyang naririnig 'ko lang ang usapan nila at alam 'kong naririnig din nila Zach 'yon dahil nakaupo sila sa tapat namin. Umupo na rin ang dalawa na kaninang nakahiga sa lap ni Zach, siguro na-trauma sa ginawa ni Kendra.
"Hmm, what time ba?"
"Around 6, will be back at 10," luh? Bakit ang tagal? Baka iba ang kainin niya ha?
"Alright, wag ka masyado mag-inom 'don ha? And be a good boy," sagot ni Siri kaya nag-thank you si Apollo sabay akbay sa best friend 'ko. Buti na lang nakapikit na ako dahil hindi 'ko masisikmurang makita silang ganyan. Naiinggit lang ako kasi sana all may ka-akbay...
Napadilat na lang ako ng sumigaw si Tita Mia na luto na raw ang pagkain. Naroon sa hapag ang binili 'kong ramen, ang mga cookies na binake ni tita, may chaporado rin doon, kape at gatas para sa'min. Sarap talaga magpa-ampon dito kina tita, araw-araw kang busog.
"Thank you po!" sabay-sabay naming sambit bago umupo at kumain.
"Pre! May nahanap ulit ako na joke, bago na 'to." biglang sambit ni Bryce kaya napatingin naman kami sa kanya, naghihintay ng bagong joke niya.
"Ano ang tawag sa pekeng noodle?"
"Ano?" sabay sabay naming tanong.
"Edi, IMPASTA," sambit niya 'tsaka tumawa ng malakas. Nagkatinginan na lang kaming magkakaibigan at pinagpatuloy ang pagkain.
"Pre, nakakawalang gana yung joke mo," Ryden said while tapping his friend's shoulder.
Tumikhim na lang si Bryce at pinagpatuloy ang pagkain. Siguro napagtanto niya na sobrang corny ng joke niya to the point na nakakapikon na. Charot!
"Ay wait! Tawagan pala natin si Callie!" sambit ni Kaia sabay kuha sa tablet niya at itinapat sa kanya kaya naman nagsipuntahan kami sa side niya para maki-usiyoso. Callie is our friend too pero nasa California siya ngayon. Grabe may friend kaming taga-ibang bansa! Nakaka-proud!
Tinawagan nga ni Kaia si Callie at sinagot niya naman ito.
"Callie!" kanya-kanya naming sigaw kaya namin tumawa siya at nag-wave.
"Hello! How are you, guys?" she asked, kaya nagkanya-kanyang sigaw nanaman kami ng "okay lang."
"Ay gago pre! Ang init! Baba mo muna 'yan!" sigaw ni Bryce kay Ryden dahil napaso siya ng mangkok ni Ryden na may laman na ramen. Nag-sorry naman ang Ryden at binaba na muna ang mangkok sa lamesa. Siya ata naka-ubos non e.
"Ligalig niyo pa rin talaga, 'no?" sambit ni Callie na para bang halos limang taon na kaming hindi nagkita, e last year lang naman sila umalis.
"May joke ako, Callie!" Bryce suddenly shouted kaya tiningnan namin siya ng masama dahil panigurado yung korning joke nanaman niya kanina ang sasabihin niya.
"Ano?" interesadong tanong ni Callie.
"Ano ang tawag sa pekeng pasta?" nagkanya-kanyang irap na lang kami dahil maririnig nanaman namin yung lame joke ni Bryce na kinuha niya lang naman sa Internet.
"Hmm," Callie said while looking up, like she's showing that she's thinking. "Is it an IMPASTA?" sagot ni Callie. Nakakabinging katahimikan ang nangyari sa amin at sabay sabay din kaming nag-tawanan except kay Bryce. Kawawa naman ang Bryce, isang buong araw na na-bully dahil sa kakornihan niya sa katawan.
"Wala na, wala na, hmp." wika niya pa sabay walk-out. Nag-aalalang tumingin naman si Callie kay Bryce, natatakot na baka magalit sa kanya ito.
"Is he mad? Oh no, I'm sorry! I really didn't thought that it would be the right answer!" she explained herself na para bang ang laki laki ng kasalanan niya.
"Hindi 'yon galit, paniguradong naghahanap 'yon ng panibagong joke." sagot naman sa kanya ni Siri at hindi nagtagal bumalik na rin si Bryce at sinabing wala siyang nahanap na magandang joke kaya bukas na lang ulit. O diba? May saltik talaga.
"Sorry, Bryce. Nasira 'ko ata joke mo," malungkot na sabi ni Callie. Inasar naman siya nina Ryden, Zach at Apollo dahil tampururut daw ito, kala mo naman kinagwapo niya.
"Luh? Gago, ok lang pre! Marami pa naman akong joke dyan, sabihin 'ko sa'yo pag may bago akong nahanap!" Bryce excitedly said and after talking and asking each other's day, we ended our call and went to the living room to watch a movie before going home since the rain already stopped.
After finishing the movie, we bid our goodbyes and planned to have a sleepover at Kaia's house next week after the Foundation Day. Sumabay ako kina Apollo at Siri umuwi dahil bukod sa pinsan 'ko si Apollo, same way din ang daan pauwi kina Siri.
Kaya third wheel nanaman ako...
------------------------------------------------