"I'm glad you came back best! How was your trip to America did you see Marco?".
"Yes best, nagkita kami. Sabi nya may plano daw sila ng pinsan ko pumunta dito sa pilipinas, dito daw nila gusto mag bakasyon. Ipapakilala kita sa pinsan ko siguradong bagay kayo!" nanunukso syang tumingin sakin. "Dahil ayoko sa malditang girlfriend nun!" naiinis na sabi nya.
"A-ano ka ba Kaisley! May girlfriend na pala tapos inirereto mo pa ko! Tska di ko pa nga nakikita pinsan mo!
"Kaya nga ipapakilala kita diba? Anu kaba! Hahaha! Sana lang hindi nya yun kasama pag punta dito sa pinas!".
Hindi ko na sya pinansin. Andito kami ngayon sa office namin dito sa shop. Madaming customer's sa labas kaya naman tumutulong kami ni Kaisley sa mga staff namin.
Nang dumating si Mommy at Tita Lexie dito.
"Hi girl's," si tita Lexie.
"Mommy, tita nabisita po kayo, have a sit!" magiliw na anyaya ko sa kanila ni Mommy.
"We came here, To see how succesful our daughter."
"Oww, Mommy nakita mo naman ang daming customer's hehe," sagot ni Kaisley. At bumaling kay Emmi, isa sa mga crew namin. "Emmi ipag serve mo naman sila Mommy at tita."... "Mom, tita what do you want to eat ?"
"Coffee and Cake nalang Kaisley, thankyou." sagot ni Mom.
"Okay po tita." ngiti ni Kaisley.
"Anak! Your cousin called me and his friend will come nextweek."
"Yes Mom, at sa bahay daw sila mag stay ni Marco."
"Owww si Marco? He is your crush diba? Haha, Kamusta na kayo ni Marco?" Pang aasar ni tita Lexie sa anak nya.
"Mom!!!" naiinis kunyaring sabi ni Kaisley.
"Hahaha I'm just kidding my love! But I hope so, maging kayo ni Marco. "
"Hay naku Mom!"
"Tita, Mom dyan na po muna kayo. Enjoy lang po." at bumaling ako kay Kaisley.
Tumulong kami sa mga staff namin dahil dumadami pa ang customer's. Yung iba nauubusan na ng upuan pero willing naman sila mag intay, pero yung iba hindi na. Naging nakakapagod ang araw na yun 7:30pm na at 9pm kami nag sasara. Humupa na din ang mga tao, mailan ilan nalang ang nandito. Lumapit kami ni Kaisley kela tita at Mom, dahil nandito pa din sila sa shop.
"Grabe best nakakapagod, ngayon lang napahinga ang binti at paa ko. Sumakit sa kakalakad." pagrereklamo ni Kaisley at sumalampak sa upuan.
"Oo nga best ako din haha, pero worth it ang pagod no?" tumingin ako kela Mom na busy sa pag kwekwentuhan. "Mom it's late. Why don't you and tita go home yet?"
"Balak kase namin ng tita mo na ayain kayo mag dinner sa labas,"
"Sure po tita." agad na sagot ni Kaisley.
Hinintay kami nila Mom na mag sara ng shop. 9pm ang close namin kaya maaga pa para kumaen sa labas.
Alas onse na kami nakauwe. Pumasok na agad ako sa kwarto ko, dahil sobrang nakakapagod ang araw na to.
Lumipas ang mga araw, at Myerkules na ngayon. Ang araw ng dating ng pinsan ni Kaisley. Kaya naman naiwan ako mag isa sa shop namin, dahil susunduin ni Kaisley ang pinsan nya. Natigil ako sa ginagawa ng mag ring ang cellphone ko,ng makita kong si Kaisley yun sinagot ko agad ang tawag.
"Hello Best! On the way na sila Marco dyan."
"Ha? Bakit hindi ka kasama.?" takang tanong ko sa kanya.
"I'll just get something at home,then i'll go there right away."
"Pano ko makikilala si Marco at ang pinsan mo? Hindi ko pa nga sila naki-"
Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng bigla nya kong putulan ng linya.
Loka tong babaeng to may sinasabi pa ko! Pinatayan ako agad!
Madami nanaman ang customer's ng araw na yon. Halos wala ng maupuan ang iba, kaya naman umaalis nalang sila. Lumabas ako ng office para tumulong,pero nakita ko ang isa sa mga crew ko na pawang nakikipag talo sa customer's. kunot noo kong nilapitan si Belle na nakikipag usap sa dalawang lalaki.
"Belle, Is there a problem?" ngumiti ako sa kanila.
"Ma'am Lyanna, pinapakiusapan ko po kase sila na kung pwede ay mag move muna sila at bibigyan nalang po naten sila ng dalawang upuan sa gilid habang hinihintay nila ang kasama nila, andito po kase sila sa 4 seaters,eh may nag aantay din pong apat na customer's. At wala pa din naman po silang order." Mahabang paliwanag ni Belle.
"Dont worry we will order later." singit nung isang lalaki, habang kinakalikot ang phone at hindi man lang nagsayang ng segundo para lang lingunin kami.
"Sir please, my policy po kase tayo. Within 30minutes pag wala pa din po kayong order ay imomove po muna namin kayo ng upuan sa my gilid." pakiusap ko sa kanila,pilit pinapahinahon ang sarili.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili, walang tigil sa pagkabog ang aking dibdib. Hindi lang naman sya ang gwapo na nakausap ko na. Pero bakit ganun? Ngayon ko pa lamang sya nakita at ganto na agad aking pakiramdam.
"Fine! May choice pa ba kami? Eh, mas kikita kayo sa kanila! Let's go!" inis na sabi neto at tumayo.
Gwapo nga! Napaka sama naman ng ugali. Rrrr. Antipatiko!!!!
"Sorry sir. Pero sana hindi po kayo nag sasalita ng ganyan." nakangiting hindi mapaghiwalay ang ibaba at itaas na ngipin ko ng sinasabi ko yan at may diin sa aking pananalita.
"Sorry Miss. I apologize to you for what my friend did." sabi ng isa nyang kasama tsaka sila lumabas ng shop.
Jusko! Sa dami ng nakausap kong customer's bakit ako kinakabahan habang kausap sya? Napaka panget ng ugali nya hindi fit sa gwapo nyang mukha! Ano kaba Lyanna, hindi sya gwapo may itsura lang!
Umiling ako ng umiling kung ano ano na ang aking naiisip. Pero kung idedescribe ko yung antipatiko na yun.
Saktong puti ang kulay ng balat nya. Matangkad malalim ang mga mata. Mahaba ang pilik mata makapal ang kilay. Matangos ang ilong, Di sobrang nipis ng labi sakto lang, di mapula pero mapink pink. He look's perfect for me.
Yung huling lalaking nakausap ko naman ay,
Maputi sya as in maputi talaga parang labanos ang kanyang kulay. Maliit na matangos Ang ilong. Manipis na labi na mapula. Lagi nag wewet lips. Matangkad na may pagkapayat pero di sobrang payat tama lang ang katawan,medyo singkit. May earrings na kulay black, round earring. He preferred always to wear white shirt with black cap na pabaliktad ang suot .
Haist... hindi mawala sa isip ko ang antipatiko na yun. Bakit pag naiisip ko sya ay kumakabog ang aking dibdib, hindi ko maintindihan ang aking sarili.
Naputol ako sa pag iisip ng biglang dumating si Kaisley, kasunod yung dalawang lalaki kanina. Kunot noo ko syang tinitigan habang papalapit sakin.
"Best ! Anung nangyare? Pinaalis mo daw sila?" animong natatawa.
"A-ano? Hindi ko sila pinaalis." Antipatiko na nga Sinungaling pa. "Best pinapamove lang namin sila dahil madaming customer's at eto," tinuro ko ang lalaking dahilan ng pagkabog ng aking dibdib.
Damn it! Lyanna tigilan mo ang pag iisip ng ganyan! Wala lang yun.
"Napaka antipatiko! Hindi makaintindi, kung ano ano pa ang sinabi!" pinagkrus ko ang kamay ko at deretsong tumingin sa kanya habang nakataas ang kanang kilay.
"Annoying!" bulong pa neto. Kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Wait!" awat ni Kaisley at bahagyang natawa. "Guys, she's my bestfriend Lyanna Zhavia Anderson." turo nya sakin pero hindi ko binago ang posisyon ko. "And Best, He's my cousin' Levi Markle." turo neto sa lalaking napakasama ang ugali. "And Marco, Levi's friend." turo neto sa isa.
Inabot ni Marco ang kamay nya kaya naman inabot ko na din yun. Ganun din si Mr. Antipatiko pero hindi ko agad naialis ang pagkakahawak ko sa kamay nya, ang lambot at ang sarap hawakan ng kamay nya. Nung nag angat ako ng tingin sa kanya, nakataas na ang isa nyang kilay, kaya naman nabitawan ko agad yun. Narinig ko naman na matawa si Kaisley.
CONTINUE......