Kat's POV:
"May ex ka!?" gulat niyang usal habang mukhang tangang nakanganga pa.
"Oo" tipid kong sabi at nangunot lang ang mukha niya.
"Bakit hindi mo sinasabi saken?" Taas kilay na tanong niya habang nakacross arms pa.
"E hindi ko naman alam na, dapat pala ay alam mo" sarkatisko kong sabi at tsaka napauna sa paglalakad.
"---Hoy! Yah!! Hintayin mo ko!" Sigaw nya pa habang patakbong pumunta sa gawi ko.
~Flashback~
Nakipagkita kami ng boyfriend ko sa isang park sa Laguna. Ilang saglit lang din ay dumating na siya at nagpark.
Nanginginig kong binuksan ang kaniyang sasakyan. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang aking boyfriend at naramdaman ko ang tensyon sa aming dalawa.
Doon ko' naramdaman na merong mali sa kanya----sa amin.
Isang saglit pa lang ay isa isang nagpaunahang pumatak ang mga butil ng ulan mula sa aming sinasakyan.
"I-I think we should break up" biglang sambit niya na pinanlakihan pa ng aking mga mata.
'Ano to? Bakit ganto? Hindi kita maintindihan!' Gusto ko itong sabihin sa kanya ngunit naunahan ako ng takot at nginig sa buong katawan. Naramdaman ko ang naumumuong luha sa mga mata ko.
"I-I don't think our relationship is working anymore.." malamig na usal niya pa at doon na tuluyang tumulo ang luhang namumuo kanina sa aking mga mata.
"K-Kyle.. h-hindi kita maintindihan? Dahil ba dahil ganito ako? Dahil ba panget ako? K-Kyle sagutin mo ko!!" Mahinang sigaw ko ka sakanya dahilan upang mapatahik siya.
Sa bawat lakas ng pagpatak ng ulan ay ang aking nagpapaunahang luha sa pisngi.
"G-ganito nalang ba tayo? Iiwanan mo n-nalang ba ako ng ganito? Iiwanan mo nalang b-ba ako ng wala man lang dahilan?" Galit na tanong ko sa kanya habang siya ay wala lang kibo.
"K-Kyle!?" Pigil na inis na sabi ko pa pero hindi na niya ko' sinagot pa. Hinablot ko ang aking bag at bahagyang tumingin pa sa kanya ngunit nakatungo lang siya. Lumabas na ako sa kaniyang sasakyan habang naulan ng malakas.
Wala na akong pake kahit magkasakit pa ko' basta ang alam ko lang ay gusto kong mapagisa.
Tulalang inusong ko ang naglalakasang ulan. Kahit papaano ay ngayon ko lang nagustuhan ang ganitong panahon.
Parang tangang tumingala pa ako sa ulap at pinagmasdan ang mga patak ng ulan.
Itong ulan na ito ang unang makakasaksi sa huling relasyong papasukan ko'
Bakit ba ang sakit sakit magmahal? Bakit ba ganito ako? gustong gusto kong magwala at sumigaw pero bakit hindi ko magawa?
"Hindi ko na yatang kaya magmahal pa" bulong ko sa aking sarili habang nakangiting nakatingala sa langit.
Hindi ko namalayang na nailakad ko na ang aking sarili patungo sa bahay ng pamilya ko.
"O diyos ko por pabor, Alexandria iha bakit ka ganiyan at nagpaulan ka?" Alalang bungad pa sakin ni manang at doon na nanghina ang aking mga tuhod kasabay sa pagdilim ng aking mga mata.
~End of Flashback~
"Tell me about your ex naman" nakangisi nya pang sabi.
"Ano ba Liz! Ang kulet mo! sabi ng ayoko diba?" Inis na sabi ko pa.
"Che' damot!! Kuripot!! Mapangsamantala!" Sabi niya pa napaunang naglakad na parang tangang nakahawak pa sa bewang.
Nauulul na ata to'
Samantha POV:
Hi!
Ano ba naman yan nakakaloka tong' buong campus para nang gubat sa layo ng pagitan.
"Che'!! Damot!! Kuripot!! Mapangsamantala!!" Sabi ng Isang estudyante sa kanya at napauna na mukhang ewang nakahawak pa sa balakang niya.
"Hoy!! Liz! Mukha kang tanga jan!" Pigil na tawa niya pang saway dito.
Nakakaingit sila!
Napailing na sabi ko pa habang lumiko at dumaan patungo sa canteen. Ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa main cafeteria.
Pag bukas ko palang ng pinto ay bumungad na sakin ang masarap at mabangong amoy ng buong cafeteria.
Mapapanganga ka talaga sa dami ng pagkaing nakahilera na parang bang buffet ang datingan. Walang alinlangang nagtungo ako sa line para magorder.
Kung ganitong kaganda ng main cafeteria ay dapat pala dito nalang ako kumain kanina. Ilang minuto lang din ang lumipas ay nakapagaorder na ako at naghihintay na sa aking pagkain.
Ilang minuto lang din ay nakahanda na ang aking in order kaya naman nagpaunahan akong naghanap ng mauupuan. Puno na kasi eh.
Nang makahanap na ako ng mauupuan ay bigla kong namataan si Sebastian. Ang gwapo kong crush na patungo sa aking gawi.
Oh my Ghad!! Ang hot nya today! I kannot!'
"Oy miss' nakaupo ka ba dito?" Kulbit pa sakin dahilan para mabigla ako.
"Ay!!" Natapon ko ito sa kanya!! Ng di-sinasadsya!
"Oohh" ugong ng mga kabarkada niyang lalake nang maitapon ko ito sa uniform niya.
"Ah! s**t!" Mahinang mura niya pa!
"I'm sorry.. I'm really sorry" sabi ko pa at tsaka dagling kumuha ng panyo sa aking bag at ipinunas ito sa kaniyang uniform pero hindi ko na naituloy dahil hinablot niya yung panyo ko at siya ang nagpaunang magpunas sa sarili.
"Haist! Ako na! Next time kasi kung mag da-day dream ka ay wag kang magdadamay ng iba. Nakakaabala." Pigil na inis niyang sabi at tsaka nagpunas punas pa ng sarili at tsaka umalis.
Napahiyang napatungo na lang ako at tsaka at nilinis ang tira tirang pagkain sa sahig.
Ang tanga tanga mo kasi Samantha!! Ang tanga tanga mo!
Minutong ang nakalipas nang biglang.
"Hi tulungan na kita diyan" nakangiting saad niya, sila yung magkaibigang babae nakita ko kanina.
"Wag mo nang isipin yung kanina' may mga topak yung mga yun sa ulo" mahinang tawa niya pa at nginitian ko nalang sila.
"Ako nga pala si Kath at siya naman si Liz." dagdag pa nito at turo niya dun sa kaibigan niyang nasa pila pa.
"Mm. Ako naman si Sam nice to meet you!" Pakilala ko sakanya at ginawaran siya ng ngite.
"Nice to meet you, Tara sa line tutal wala ka na rin namang pagkain makakain treat ko" sabi niya pa at alam kong pinapagaan lang niya ko' dahil sa kanina.
Kung ikaw naman ay matapunan mo ang Isa sa mga nagwagwapuhang tao rito ay malamang sa malamang na ikaw ang center ng atraksyon ng tao.
May naramdaman din akong mga tinging nakakasulasok sa talas na kulang nalang na katayin nila ako sa kanilang mga masamang titig.
Hindi na tuloy ako magiging paymous nan meh' issue agad'
Pagkatapos naming pagtipunin ang kalat ay nagtungo kami sa kinaroroonan ng kaibigan niya.
"Hi! Liz nga pala.. Nako wag mo nalang pansinin yung mga yun" sabi nya at napasulyap pa kina Sebastian na nagtatawanan lang sa kanilang table.
"Mm." Tipid kong sagot at tsaka nakasingit nasa pila.
Ilang segundo lang din ay nasa harap na uli ako ng registrar ng canteen at nagorder uli at sabi nga nila ay treat nila iyon kaya hindi na ako nagpumilit pa.
"Chosera ka rin eh hahahaha nakakalibre ka jan pero ako diko manlang matikman ang mga libre niya." Sabi niya pa at nagtawanan naman kami.
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na kami sa aming mga klase. Nagulat lang ako nung magkapareho pala kami ng section.
Bakit parang hindi ko sila napansin sa klase kanina?
"Pareho pala tayo ng section pero bakit hindi kita nakitang nagpakilala?" Ani ni Liz.
"Hindi ko nga din alam hahaha" mahinang tawa ko pa at nagupo na para sa huling klase.
Nag Introduce pa ulit kami at tsaka nag dismissed na ng klase.
Katherine's POV:
"Hay! Sa wakas uwian na!" Pag iinat pang sabi ni Liz.
Pagkatapos ng last class namin ay nagderetso na kaming lumabas kasama pati si sam.
Pagbaba namin ng building ay nagtungo na kami sa gate ng SCU malapit lang sa building ng mga High schoolers.
"O dito na kami Sam ah, ingat ka" paalam namin ni Liz habang nag wa-wave pa kami sa kinaya.
"Bye din, ingat kayo" pagpapaalam din ni Sam at tsaka sabay sumakay sa kotse nila.
Nagtungo na kami sa pinagpark namin ng bisekleta at tsaka tinahak namin ang daan pauwi saamin.
Bahay.
"Hay! Sa wakas at nasa bahay na din heheh" pangiting sabi niya pa at tsaka nag paunang humiga sa sofa.
Meow!*
Si Skye to' alagang pusa namin ni Liz. Siya ang aming tagabantay ng bahay at taga kain ng daga.
Hehehe'
"Oy Maglinis ka jan at ako magluluto ngayon bukas ka na" bulalas ko at tsaka nagtungo sa kusina para maghain ng makakain.
Ang aking lulutuin ngayon ay adobong baboy. Kinuha ko ang tadtad na baboy at tsaka dinefrost ko sa tubig.
Kinuha ko na din ang mga rekado para sa adobong baboy at hiniwa hiwa. Simulan kong ginisa ang bawang at sibuyas at hinalo hangang maging golden brown na.
Pagkatapos nitong mag golden brown ay nilagay ko na ang baboy at tsaka pinainit ito. Hinintay ko itong mag golden brown den tsaka ko siya lalagyan ko ng toyo at suka.
. . .
"Hoy! Lize!! Kakain na at nakahain na!" Sigaw na tawag ko pa rito at tsaka siya bumaba para kumain.
"Wow! Ang sarap naman niyan.. adobong baboy!" mangha pa niyang sabi habang nagpahimas himas pa nang kaniyang tiyan.
Ilang saglit lang din ay nagsabay na kaming kumain. Kitang kita mo na nagustuhan nya ang aking luto.
Aba! dapat lang pag umangal pa siya ewasn ko lang at baka maitsa ko tong' pagkain sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay siya na ang nagligpit ng aming pinggan at tsaka ako nag punta sa aking kwarto para makatulog.
Tuesday!
Maaga akong nagising at makabihis kaysa kay Liz kaya naman ay ako na ang nagluto ng aming makakain.
Alas sais na bago pa man siyang magising. Nagmadali naman siyang nagbihis at bumaba para kumain habang ako ay tapos na at nagkakape na sa baba.
"Oy tapos ka na ba?" Ani niya pagkatapos niyang mag sipilyo.
"Ay hindi liligo palang, kanina pa ko' be" sarkatisko kong sabi kaya tinaasan niya 'ko ng kilay!
"Che'! O tayo na tapos na ako." Singhal niya pa at tumayo na lang ako at nagpaunang lumabas ng bahay.
Pagkalabas namin ng bahay ay nilock na ni liz ang pinto ng bahay at tsaka namin kinuha ang aming mga bisekleta patungo sa school.
St. Celestine University.
Ilan ding mga minuto ang nakalipas sa pag bibisekleta ay narating namin ang park ng SCU. Itong park nila ay malapit sa second gate na pinapasokan naming ni Liz.
Kinandado pa namin ang mga bike at tsaka pumasok na sa campus. Kita pa namin ang mga iba pang mga studyanteng na nagdadatingan din.
Hindi na kami nagkwentuhan pa ni Liz at nagtungo na sa aming classroom.
"Woi! Good morning!" ngiting bungad pa samin ni Sam.
"Mm." tipid na sagot ko pa at tsaka nag salampak lang sa pag-upo.
"Kinakabahan na tuloy ako mimiya." Ani ni Sam.
"Bakit naman?" tanong ni Liz.
"Engkasi nga mimiya ay magkaklase na diba" sabi niya pa na may pasinghap singhap pa ng hangin.
"O eh ano naman kung ganon?" maang maangan niya pang sabi.
"Kasi naman puro mga 'terror' ang teachers natin." Mahinang bulong niya sa 'terror'
"bakit mga terrorist ba sila?" mahinang bulong ni Liz dahilan para mabatukan siya ni Sam. "---Aray.. Bat' kaba nambabatok?" Mahinang sigaw niya pa kay Sam dahilan para matawa ako.
Hahahah'
Sabay sila sa pagtingin sa akin at tsaka kami nagsitawan at pumasok na ang aming first subject na filipino.
"Magandang Umaga!" sabay sabay naming bati.
"Maganda ding umaga sa inyong lahat.. o pwede na kayong magsi-upo." nakangiting bati pa niya.
At doon na nga nagsimula ang pagdidiscuss ng bawat teachers.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Break time!
"Hay!! Isang araw pa lang pero bat' ang hirap na!" mahinang bulong pa ni Liz habang nasa itaas ang kamay at inuunat ito.
Tumayo na kami at tsaka kinuha ang aming bag. Lumapit na din si Sam at sabay kami bumaba.
"Saan tayo?" ani ni Sam.
"Dun' sa main cafeteria" sabi ko at hindi naman sila tumangi pa kaya sabay kaming nagtungo doon habang nagkwekwentuhan.
Kyle's POV:
Nagring na ang bell kaya naman ay nagtungo na kami sa main cafeteria upang kumain kasama sina Nickolai at Sebastian.
Patungo sa cafeteria ay biglang tumigil sa paglalakad si Nick.
"Woi dre' break na ba kayo ng ex mo?" ani ni Nick na tinutukoy si Alexandria.
"Oo.. bakit?"
"Hindi ba kamukha niya yon?" Turo niya pa sa tatlong babae sa di kalayuan na nagtatawanan.
Mairing ko pang pinagmasdan sila at natanaw ko ang isang babaeng kamukhang kamukha nang ex ko noon.
Si Alexandria'ng mataba at brown ang balat ay naging sexy at puti na ngayon. Ang dating dark haired at makulot na buhok ay naging blonde at straight.
Si Alexandria'ng kinahiya ko noon ay naging isang korean model na ngayon.
"Parang hindi naman--- kamukha lang." sabi pa ni Sebastian."
"Mmm. sabagay" Pagsangayon pa ni Nick.
Ikaw nga ba yan?'
"Mauna na muna kayo sa loob.." sabi ko pa sa kanila.
"O sige, parereserve ko na lang ikaw ng pagkain." hindi ko na sila liningon pa at tsaka nag deretsong nagtungo sa gawi nila.
"Engkasi diba nga ng---"
"Alexandria, can I talk to you just a second?"
•End of Chapter 2•