CHAPTER 22 The past few days seem terrible. Naging busy kaming lahat sa company, I have been busy for the past three days way back that I have talked to Mr. Limuel. Nakapangalumbaba ako nang napaupo ako sa may sofa, sa lobby area, tinabihan naman ako ni Cherry. "Kumusta raw 'yong pagpasa mo ng EA?" "They approved," sagot ko kay Cherry. Nagpasa na ako ng emergency absent kasi balak ko mag bakasyon muna sa probinsya, mag-iisang taon na rin kasi nang hindi ako nakakabisita kina Mama. Tsaka nag-aalala na rin ako dahil ilang araw ako hindi makatawag man lang sa kanila. "Pupunta raw ngayon si Millary ah? Pa-picture tayo!" pag-iiba niya ng kwento, mas lalo lang akong napabusangot nang pumasok sa tenga ko ang pangalang "Millary" "Kayo na lang, busy ako rito. Daming schedule ng boss natin,"

