CHAPTER 6

2207 Words
Third Person’s Point of View Continuation from 2 years ago               MATAPOS makatulog ng mahimbing si Bless ay inayos ng doctor ang kan’yang suwero na kani-knaina lamang ay sinsubukan n’yang tanggalin. Ginamot ng doctor ang naiwang sugat nang pagpilit ni Bless na tanggalin ang hiringgilya kanina, maingat na pinitikir-pikit ng doctor ang tube na komokonekta sa kamay at sa dextrose ni Bless upang mawala ang dugong naiwan doon para tuluyan na ring makadaloy ng maayos ang gamot.            “Mr. and Mrs. Cayabyab, don’t worry, the d**g that we had injected don’t last long. She’ll wake up anytime. We just did that calm her out,” bulong ng doctor. Kinuha nito ang kan’yang ballpen na nasa loob ng kan’yang suot na coat tapos ay hiniram ang dala-dalang prescription book sa isang nurse. Nagsulat ang doctor sa bakanteng papel atsaka iyon pinunit at ibinigay kay Mr. Cayabyab.            “I’ll be prescribing two full bags of RBC for Bless’ blood transfusion. You can check if Type AB+, Miss Bless' blood type is available in the hospital's blood bank. Sometimes her blood type is out of stock because there are a small percentage of people who donates with such noble," pagpapaliwanag ng doctor bago binalikan si Bless at i-check kung maayos na ba ang pagdaloy ng kan’yang IV sa bawat minuto.            "Ayos na itong IV n’ya, i-check n’yo na lamang from time to time," ani nito sa kasamang nurse.            "If the hospital's blood bank doesn't have the AB+ blood type. Mr. and Mrs. Cayabyab, you can ask them to call Red Cross to check if they have available stock. You just need to pay a range of Php 1,700 to Php 2,000. Upon pick up, brought there a small icebox chest then ice cubes. Maintain the packed blood cool. It is advisable that upon picking it up, you immediately bring it back here, then give it to the nurses assigned then the on duty nurse will conduct the blood transfusion as I ordered. Just text or call me if you have queries. Anything will do," detalyadong wika ng doctor na siya namang tinanguan ng mag-asawang Cayabyab.            Tumango naman ang doctor sa dalawa bago ito nagsimulang maglakad paalis kasama ang isang nurse. N’ong makaalis sila ng tuluyan ay nag-umpisa na ring kumilos ang mga magulang ni Bless.            "Ako lang mabakae. Alin? iya ka lang anay? Paadto eon man sanday Annie iya. (Translation: Ako na lang ang bibili. Ano? Dito ka na lang muna? Papunta na rin naman sila Annie rito)," kontroladong saad ni Mr. Cayabyab habang inaalalayan ang kabiyak na makaupo sa tabi ng hospital bed ng nakatulog na anak.             Ngunit hindi na nag-abala pang magsalita si Mrs. Cayabyab sa halip ay nanatili itong tahimik habang diretsong nakatitig sa anak na kasalukuyang walang malay. Nagpaalam si Mr. Cayabyab sa asawa sa paraang paghalik sa noo nito at ng kan’yang anak. Kinuha ang susing nakapatong sa maliit na mesa sa salas ng hospital room at ang makapal na jacket na basta na lamang pinatong sa silya.             Bumukas at sumara ang pinto ng kuwarto ngunit nanatiling walang imik ang ginang. Ilang minuto ang lumipas at umapaw sa buong kwarto ang mahihinang hikbi ng ginang habang binabanggit ang iba’t ibang ngalan ng kilalang santo at santa. Hinaplos-haplos ng ginang ang kamay ng anak patungo sa kan’yang balikat at pabalik habang dinadasal ang hail mary.            "Maghimaya ka Maria, puno ka sing grasya, ang Ginoo yara sa imo. Ginadayaw ka labi sa mga babayi nga tanan, kag ginadayaw man ang bunga sang imong tiyan nga si Jesus (Translation: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.)," bigkas nitong may diin at pagsusumamo.            "Santa Maria Iloy sang Diyos ig ampo mo kami nga mga makasasala nian kag sa oras sang amon ikamatay. Amen. (Translation: Santa Maria, Ina ng Diyos. Ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen)." Nang matapos bigkasin ng paulit-ulit ang panalangin ay maingat na inangat ni Mrs. Cayabyab ang kumot na nakapalibot sa katawan ng anak na si Bless bago ito naglakad sa direksiyon kung nasaan nakalagay ang maiinom na tubig.            Mrs. Cayabyab heaves a deep sigh before pouring water into the glass and drinking it bottoms up.             "Uwa ko naabot sang isip nga mag-abot ka sa makarang punto it kabuhi , nak. Sa tanan nga pwede nga madapuan it masakit ngarun, haman ikaw pa? Haman ikaw pa nga unga namon? (Translation: Hindi ko lubos ma-isip na makararating ka ganitong punto ng buhay, nak. Sa lahat ng pwedeng magkaroon ng gan’yang sakit, bakit ikaw pa?) We had witnessed how you grew, how you became a young lady with principle and dignity. 'Yong Bless na masiyahin, and we are so proud of that, we are so overwhelmed with the fact that we raise a child like you, a very dignified and wise young woman,"  atubiling saad ng ginang. Maingat itong bumalik at umupo sa tabi ng anak, itinaas ang ang kamay ng anak na may nakaturok na hiringgilya at sinimulang haplusin ito nang marahan.               Nabaling lamang ang atensiyon ni Mrs. Cayabyab ng biglang bumakas ang pinto at pumasok ang iba nilang pamilya. Wala ng lumabas pang mga salita, nagyakapan na lamang ang magkakapamilya.            "Iya malang kami. Kaya mo run, kaya ni Bless dun. Kaya naton do masakit ngarun. Masakit malang d’on, Cayabyab kita! (Translation: Nandito lang kami. Kaya mo ‘yan, kaya ni Bless ‘yan. Kaya natin ang sakit na ‘to. Sakit lang ‘yan, Cayabyab tayo!)," puno-puno ng kahinahonang sambit ng isang hindi katandang babae.            "Uwa ako kasayod, haman ang unga, Annie? Haman si Bless?! (Translation: Hindi ko alam, bakit ang anak ko, Annie? Bakit si Bless?!)" daing ng ginang sa kayakap na si Annie.            "Shh! Shh! Kalma, Winnie, kalma. May rason do Diyos haman it si Bless. May mabahoe nga rason do Ginoo haman ging tao nana ra sa atong pamilya. Pangamuyo eang. Pangamuyo eang malagpasan naton ra (Translation: May rason ang Diyos bakit si Bless. May malaking rason ang Diyos bakit binigay n’ya sa atin ‘to sa ating pamilya. Magdasal tayo. Magdasal lang tayo, malalagpasan din natin ‘to)," sagot naman ni Annie.            "Si Manong Raphael, kapanaw eon? Nang, oh, kaon anay miskan sangkiri (Translation: Si Kuya Raphael, naka-alis na? Ate, oh, kumain ka muna kahit kunti)," anyaya ng isang lalaki matapos n’yang lumapit sa dalawang ginang. Inilalayan ni Annie si Ginang Cayabyab upang makakain ng maayos habang hinahaplos pa ang likod nito.            "Hmm. Oo, nagpanaw eon ‘to. Mabakae it dugo agod masalinan si Bless (Translation: Oo, umalis na ‘yon. Bibili ‘yon ng dugo para masalinan na si Bless)," naghihinang sagot nito.            "Ano pa kinahangean n’yo iya? Mapanaw lang kami ag mabakae. May mga tubi eon kamo iya? (Translation:  Ano pa ang kailangan ninyo dito? Aalis na muna kami para makabili. Meron na ba kayog tubig na maiinom?)" tanong ng ginoo habang inililibot na ang kan’yang paningin sa buong lugar.             Nanahimik na naman ang buong kuwarto matapos na hindi na sinundan ng ginoo ang kan’yang tanong. Lahat ay halos blangkong nakatingin sa dalagang mahimbing na natutulog. Hindi naman nagtagal at nagsimula nang kumilos ang mga lalaking nandoon.            "Nang, mabakae anay kami. Tawagi eang kami kong kailangan it bulig ni Manong (Translation: Nang, bibili na lang muna kami. Tumawag ka na lang sa min kapag may kailangang tulong si kuya)," bilin nitong siya namang tinanguan ni Mrs. Cayabyab.            Muling inangkin ng tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto ang buong kuwarto. Matapos noon ay wala na muling nagtangkang magsalita pa.   Bless’ Point of View               Naalimpungatan kong nag-uusap sina mama at ang mga tita ko sa isa’t isa sa sopa na meron dito sa loob. Hindi naman gano’n kalaki ang kuwartong ito ngunit sakto lamang para sa min at sa pamilya ko. Maingat kong inilibot ang aking mga mata hanggang sa nahagip ng paningin ko na sinasalinan na ako ng dugo. Mukhang kanina pa ito nag-umpisa dahil halo nangangalahati na. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko at hindi na ako nagulat pa no’ng makaramdam ako ng kirot.            "Mama,” mahinang tawag ko sa aking ina.            "Bless! Ate, si Bless bugtaw eon! (Trans: Bless! Ate, si Bless gising na!)" hiyaw ni Tita Annie nang mapansin n’yang gumalaw ako.            "Anak! Anak! Alin do masakit? (Translation: Ano ang masakit?)" aligagang bungad ni mama nang makalapit ito sa kin. Tinignan n’ya ang mula ulo hanggang paa hanggang sa minabuti n’yang ngitian na lamang ako at halikan sa aking noo.            "Ayos lang po ako, mama," paninigurado ko sa kan’ya kahit alam ko sa sarili kong hindi naman. Halos ramdam ko ang pangangatog ng kalamnan ko, ng buo kong katawan. Ramdam ko rin na halos wala akong gaanong lakas na gumalaw o magsalita  man lang.            "Alin ing gusto, nak? Mabangon ka? Makaon? Alin, nak? (Translation: Ano ang gusto mo, nak? Babangon ka? Kakain? Ano, nak?)" sunod-sunod na tanong ng aking ina habang hindi winawala sa kan’yang mukha ang kan’yang mahinang ngiti.            "Wala po, mama. Gusto ko na lang pong bumalik sa pagtulog," pagsisinungaling ko sa sarili kong ina. Hindi ko alam kung kanino ako maawa, sa sarili ko ba o sa mga taong nasasaktan kasi alam nilang maaring hindi na ako magtagal?            "Pwede po ba nating patayin ang ilaw, mama? Wala po akong lakas para makipag-usap pa, gusto ko na lang po talagang magpahinga muna." Sinungaling ka, Bless! Sinungaling!            "Oo naman, anak! Pwedeng-pwede, siyempre! Magpatuloy kang magdasal, anak. Kaya mo ‘yan. Malalagpasan mo ‘yan, nandito lang kami sa likod mo. Gagawin natin ang lahat, gumaling ka lang," ani ng aking ina habang inaayos pa ang mga maliliit na buhok na nakakalat sa aking mukha. Ngumiti na lamang ako bilang sagot.            Gustuhin ko mang makipag-usap pa sa kanila pero parang hindi lang puso ko ang nanghihina, halos buo kong katawan ramdam kong hindi tulad ng dati.            Hinalikan muna ako ni Mama Winnie sa aking noo bago ako nito tinalikuran upang i-off ang ilaw. Tahimik itong bumalik sa gawi ng aking mga tita.            I closed my eyes, and tears started to flow. I can't believe that this is happening to me. I can't understand why it should be me? Why is it? Why me? Bakit ako pa? Bakit kailangang ako na naman?            Anong nagawa kong mali para parusahan ako ng ganito? Wala naman akong na agrabyadong tao, pero bakit kailangan ako? Bakit kailangang sirain ang buhay ko ng sakit ko na ‘to?!            Indi ko maeobtan haman it medyo tanan nga kasakit hay medyo iya euta kakon tanan. Halin sa ako hay nagpalangga hasta makaron. Aeom ko inubra ko man tanan, (Translation: Hindi ko maintindihan bakit lahat na lang yata ng sakit nasa akin na. Mula n’ong sinubukan kong magmahal hanggang ngayon. Akala ko ginawa ko naman lahat,) so that I can be a good child to my parents and become a good child of Jesus. Pero haman makara batyag ko kueang do tanan? (Translation: Pero bakit pakiramdam ko kulang ‘yon lahat?)            Tears continue to flow down my eyes. I can't help but cry, and I can't do anything. This is my fate. This is my journey starting today.s            Hindi man ako handa pero kailangan kong tanggapin, simula ngayong araw hindi na ako bastang si Bless lang. Hindi na ako ang dating Bless na malaya. Ako na ‘yong Bless na kailangang mabuhay.            Hindi ko namalayan na kinatulugan ko na pala ang pag-iyak. Maingat kong tinulungan ang sarili ko para makabangon at doon ko lang na-realize na ang mga magulang ko kasama si Tita Annie ay nakatulog na rin sa sofa. Napangiti ako kasi kahit papaano makakapagpahinga sila. Wa ako naila nga pati sanda magmasakit man. (Translation: Hindi ko naman gusto na pati sila ay magkasakit na rin.)             Noong tignan ko ang dextrose ko at wala na ang pulang likido roon kanina.             “Mukhang tapos na akong salinan ng dugo, kaya pala parang umayos na ang pakiramdam ko,” bulong ko.             Sinubukan kong makatayo mag-isa at pinagpapasalamat ko sa Diyos na nagawa kong makatayo sa sahig ng hindi gumagawa ng kahit na ano mang tunog na makakapag-istorbo sa tulog ang aking pamilya.             Tahimik kong itinulak ang stand ng dextrose hanggang sa tuluyan akong makalabas ng kuwarto. Walang katao-tao ang pasilyo, tahimik din ang buong lugar. Ngunit lahat ay may bukas na ilaw. Inilakbay ko ang aking paningin.             “Ilang kuwarto lang pala at Nurses’ station na,” paniniyak ko.             Nag-umpisa akong maglakad muli hanggang sa makatayo ako sa harapan ng malaking bintana kung saan kitang-kita ang kabuuang lugar, ang Malay, Aklan.             Minabuti kong buksan ng kunti ang bintana upang makapasok ang preskong hangin. Sinalubong ako ng hangin at isinayaw-sayaw nito ang iilang hibla ng aking buhok.             “Kaya ko ‘to, kaya mo ‘yan, Bless! Fighting!” pagpapalakas ko ng sarili ko.             Nanatili akong nakatayo habang ini-enjoy ang kagandahan ng lugar sa gabi bago ko napagdesisyunang bumalik ng kuwarto ko.             Sinigurado akong hindi ko maiiwang naka-uwang ang pinto bago ako muling bumalik sa pagkakahiga at tumingin sa kawalan.            "Lord, I don't know why it should be me, but please spare my life, please spare me. Marami pa po akong gustong gawin sa buhay ko. Marami pa po akong pangarap." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD