HE again cupped my face at bakit naman ako nag-eenglish? Erase! Erase! Unti-unti na naman n’yang inilapit ang mukha n’ya sa kin kaya pinigilan ko ang paghinga ko saglit. Mabilis ang pakisap mata ko habang ang mga mata n’ya ay nakatuon sa mga labi ko. Hahalikan na naman n’ya ba ako? Ang hilig naman n’yang manghalik! Anong akala n’ya sa kin kissing machine? Atsaka isa pa! Bakit ang lakas ng loob n’yang halikan ako na hindi naman kami? Ganoon ba ang uso ngayon? Pero aaminin kong may kung anong feeling sa puso at sa sikmura ko, parang mga mga paro-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko, parang nagkakarambola sila. Napalunok ako ng ilang pulgada na lang ang distansiya ng mga labi namin ni Nazarene. Pumikit naman na ako pero nadiin ang pagkakapikit ko ng mapagtanto kong sa noo n’ya ako hinalik

