“IKAW eon ang ginapili, Bless, ikaw eon! Ikaw eon ang ginapili makaron. (Translation: Ikaw na ang pipiliin ko, Bless, ikaw na! Ikaw na ang pinipili ko ngayon.) Please, give me another chance. Please? I love you, and I still love you!” ulit na naman n’yang sambit. Yayakapin na sana n’ya ako ng itulak ko siya palayo.
“Hindi na natin maibabalik ‘yong tapos na,” sagot ko sa kan’ya. Galit ako, oo! Gusto kong siyang sumbatan, sampalin, tadyakan! Lahat na mga bagay na pwede kong gawin pero hindi ko nagawa sa kan’ya n’ong araw na itinapon ko na sa ere ang lahat ng meron kami.
“Why? Bl-Bless, w-we can try again, we can start over! Just give me a chance! Please,” dugtong na naman n’ya pero umiling lang ako at lalo akong dumistansiya sa kan’ya.
“Tinatanong mo ako kung bakit hindi na pwede? Kung bakit hindi na pwedeng ibalik ‘yong dati? Austin, alam mo kung bakit at isa pa, bakit kailangan mong may piliin? Bakit kasi hindi mo buksan ang mga mata mo at ng mas makita mo ang katotohanang wala ka dapat piliin ikaw lang ang gumagawa n’on dahil alam mo kung bakit? Gusto mo kasi lagi ikaw ‘yong nasa taas, ikaw ‘yong nauuna,” natigilan siya sa sinabi ko pero hindi ako tumigil at pinagpatuloy ko lang ang pagtapon sa kan’ya ng blangko kong tingin.
“Hindi lang ikaw ang tao sa mundo, wala kang kalaban, wala kang kaagaw. Ang sarili mo lang,” aniya ko at muli ko siyang tinalikuran para maglakad papasok ng hotel namin. Naririnig ko na naman ngayon sa utak ko ang sinabi ni lolo chairman kay mama n’ong wala akong malay.
Wala akong sinabing ganoon, sadyang itong si Austin masyadong nilalamon ng pride n’ya. Hindi na nga n’ya minsan nakikita na mga pinsan n’ya ang mga taong kasama n’ya at hindi kaaway.
Tama si lolo chairman, siya lang naman kasi ang nagbibigay ng komplikas’yon sa buhay n’ya. Hindi n’ya kasi makuhang hayaan ang sarili na magkamali na hindi laging bida. Gusto n’ya kasi lagi na lang siya, siya at siya. Hindi naman ganoon ang buhay. Kung hindi para sa ‘yo kahit anong pilit mo kung hindi para sa ‘yo, hindi para sa ‘yo.
Natigilan ako sa paglalakad at sa pag-iisip ng magsalita siyang muli. “Is this because of Nazarene? Did he say something to you? Alin da kapurilan nga hinambae kimo? Nagpati ka man eagi? (Translation: Anong kasinungalingan ang sinabi n’ya sa ‘yo? Naniwala ka naman agad?)” base sa tono ng pananalita n’ya alam kong galit na naman siya.
“Walang kinalaman ang ibang tao sa issue nating dalawa. Kaya tigilan mo na ang kaka-pin point ng iba para lang mabawasn ‘yang nararadaman mo. Magpakatao ka naman kasi! Kahit minsan tanggapin mo ring may mga bagay na hindi mo talaga makukuha,” aniya ko ngunit nanatili akong nakatalikod sa kan’ya.
“You know nothing, Bless. You can never understand me unless you’ll be in my shoe,” matigas n’yang tugon.
“Kita mo na? Hanggang kailan ka magiging gan’yan? Hanggang kailan mo sasabihing walang nakakaintindi sa ‘yo? Na ikaw lang ang nakakaalam ng lahat sa buhay mo? Hanggang kailan ka hindi mauubusan ng rason para ipangtapat sa napakataas mong ego? Hanggang kailan?”
“Until the day that I still can!” aniya at mabilis na hinablot ang kamay ko upang muli akong ipaharap sa kan’ya.
“Now tell me, tell me straight from my eyes, don’t you love me anymore? Uwa eon gid? Maskin sangkiri? (Translation: Wala na ba talaga? Kahit kunti?)” namumuo na rin ang mga luha sa mga mata n’ya. Ngayon ko lang siya nakitang nagpipigil ng iyak sa harapan ko. He never show me his weak side, never n’yang ipinakita sa kin na nanghihina siya, na vulnerable siya.
“Marquez, alam mong ang laki ng utang na loob ko sa ‘yo. Simula n’ong iligtas mo ako noon ang taas-taas na ng tingin ko sa ‘yo. Simula n’ong araw na sinagip mo ako lagi ka ng may puwang sa puso ko. Lagi kang may puwang sa puso ko. Alam mo ba na halos araw-araw pinangarap kong sana maging tayo? Na sana ikaw na lang ‘yong prince charming ko? Na sana ikaw na lang ‘yong makakasama ko habang buhay. Sino nga naman ba ang hindi makakaramdam ng ganoon kong nasa binggit na siya ng kamatayan pero ang taong nagligtas sa kan’ya kasing perfect mo? Kasing guwapo mo? Sino nga naman ‘di ba? Sino nga lang ba ako para hindi ka pangarapin?”
“Haron man gali, Bless. Kaya haman? Haman indi pwede? Iya eon do eaki nga ginapangarap mo malang dati. Iya eon ako sing prenti gahambae nga maging kita lang uman (Translation: Ayan naman pala, Bless. Kaya bakit? Bakit hindi pwede? Nandito na ‘yong lalaking pinapangarap mo lang dati. Nandito na ako sa harapan mo nagsasabing maging tayo na lang ulit),” anito ngunit nginitian ko lang siya.
“Wala na ako sa posisyon na sabihin sa ‘yo ‘to lalo naman at tapos na ako sa punto ng buhay kong ‘yon. Matagal ko na ‘tong tinapos ng nagdesisyon kang mas unahin ang pamilya mo kaysa sa kin.”
“Bless, what do you mean? Stop bringing the past—everything changes.”
“Hindi, kailangan kong ibalik. Kailangan kong sabihin dahil ang dami kong hindi nasabi sa ‘yo ng araw na ‘yon. Ang dami ko dapat na sasabihin pero hindi ko nga nasabi kahit kalahati. Kaya hayaan mong sabihin ko ‘yon lahat ngayon, pakinggan mo lahat ng gusto kong sabihin sa ‘yo. You deserve to hear this,” sagot ko naman.
Hindi na siya nagsalita pa kaya pinagpatuloy ko na lang ang sasabihin ko. Kahit lahat ng taong nadaan sa harapan namin ay napapatingin hindi ko na ‘yon pinansin. “Hindi kita minahal kasi ikaw ‘yong nagligtas sa kin. Hindi rin kita minahal kasi mayaman ka o dahil sa guwapo ka. Hindi kita minahal dahil ang dami mong pinangako sa kin, ang dami mong sinabing pangarap mo para sa kin. Kasi lahat ng ‘yon hindi sa kin importante, alam mo bang minahal kita kasi ikaw ang kailangan ko? Sana alam mong minahal kita kasi ikaw ‘yong lalaking nakita kong makakaintindi sa kin baliktarin man ang mundo. Period. Kaya sana mahalin mo rin ‘yong sarili mo, Marquez. Sana makita mo rin ‘yong kagandahan ng flaws mo hindi lang puro achievements, hindi lang puro perfect. Lahat ng ‘yan maiiwanan mo kapag oras mo ng mamahinga. Mahal kita pero dati ‘yon. Minahal kita sobra pero matagal ko ng tinapos ‘yon.”
“Do you love him? Do you love someone else?”
“Sa tingin mo talaga sa sitwasyon ko ngayon makukuha ko pang atupagin ‘yang pagmamahal na ‘yan? Sa tingin mo ba matapos mo akong saktan maiisip ko pang sumugal ulit? Sa tingin mo ba matututunan ko pa ‘yan ng pansin ngayong nasa binggit na ako ng kamatayan?”
“You didn't answer my question. Maybe I am right. There is someone else. That's why you were acting like this.” Natulala ako sa sinabi n’ya kaya hindi ko na napansin na naglakad na siya at ng magkapantay na nga ang mga balikat namin ay muli siyang nagsalita.
“This won’t take long. Maeapit ko lang matapos tanan nga gingpangako ko kimo. Maeapit lang gid ako sa katapusan it tanan. Ginasumpa ko, gabalik ka kakon (Translation: Malapit na lang akong matapos sa lahat ng pinangako ko sa ‘yo. Malapit na ako sa katapusan ng lahat. Sinusumpa ko, babalik ka sa kin).”
Mona’s POV
“Hoy, Bless! Anong flavor ang gusto mo? Bilisan mo na para makapasok na tayo sa loob!” untag ko sa kasama kong si Bless na kanina pang tulala. Ang laki pa ng eye bags n’ya halata mo talagang walang tulog ang bruha.
“Hoy, Bless! Isa pang tawag sasampalin na kita at ng magising ka d’yan!” pananakot ko na pero nagkatitig lang kami ni Eves n’ong wala kaming makuhang sagot kay Bless.
“Bless!” hiyaw ko na naman. At last! Naalimpungatan na siya at agad na inilibot ang kan’yang mga mata.
“Ginasumpa ko, gabalik ka kakon (Translation: Sinusumpa ko, babalik ka sa kin,)” wala n’ya sa sariling banggit.
“What are you saying ba, Bless? Are you ayos lang ba? Kanina pa you tulala,” puna naman ni Eves.
“Check! Dalawa na lang mango shake na large, kuya,” sabi ko na lang doon sa tindero dahil kanina ko pa hinihintay ang sagot ni Bless wala naman. Bahala siya kung ayaw n’ya ng mangga.
“Ha? Ako bang kausap n’yo?” sabog na sabog talaga ang bruha! Natatawa na nga lang ang tindero habang tinatapik ako at ibigay ang dalawang large na shake para sa min ni Bless.
“Ang sabi namin, inumin mo na ‘tong shake baka matunaw pa. Bahala ka kung ayaw mo ng mango, ang arte mo naman libre na nga lang!” inunahan ko na siya.
“Ay! Hindi salamat, Mona!” aniya at nagsimula ng uninom n’ong binili ko. Ito naman ang maganda dito kay Bless. Never nakalimot na magpasalamat kahit simpleng bagay pa ‘yan o kung anong ganap.
“We make pasok na kaya? Kasi like baka nag-start na and here pa rin tayo,” saad ni Eves kaya tinanguan naman namin siya.
Nandito kasi kami ngayon sa parang malawak na field kung saan gaganapin ang contest ni Premo. Actually wala naman talaga dapat akong planong pumunta ang problema lang mapilit itong si Eves na manood daw kami. Ito naman si Bless nagkataon naman na in-invite naman daw siya ni Premo kaya sumama na lang din.
“Omg! I gonna enjoy na naman this!” bulalas ni Eves at nanguna ng pumasok sa parang arena.
“Akala ko ba si Ziggy ang crush mo, Eves? Bakit parang si Premo na?” pang-aasar ko sa kan’ya pero inirapan lang ako ng gaga.
Wala talagang loyalty ‘tong si Eves. Kung sino lang talaga ang minamahal, kunting sundot kasi sa kan’ya bigay agad. Reyna talaga ng karupukan. Buti na lang talaga at nandito si Alas dahil kung wala naman hindi naman ako tutuloy dito.
“Mona? What if you shut up na lang kaya? Watch and learn na lang to me para magkaroon naman kayo ng progress ni Alas. Label first! Hello? Huwag alay ng alay ng pechay kung hindi naman sure na panghabambuhay,” balik asar n’ya sa kin.
“Bless, ipagtanggol mo nga ak---“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nilagpasan na kami ni Bless at dire-diretso lang siyang nakihilera roon sa mga tao.
“I think? I think lang, ha? Bless is lutang today. Maybe she is making isip about something. Better luck next time, make bawi na lang sa next life, Mona,” pahabol naman nitong si Eves bago sinundan si Bless na naglakad.
“Argh! Mga kaibigan ko ba talaga kayo?!”
Bless’ POV
Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi simula ng sinabi ni lightning and thunder ang huling mga katagang binitawan n’ya sa kin kagabi. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan na baka may ibang kahulugan ang sinabi n’ya. Hindi ako mapakali kasi baka may gawin siyang masama sa iba o higit pa sa lahat ay sa sarili n’ya. Naging harsh pa naman ako sa kan’ya kagabi. Sa sobrang pagiging eccentric n’ya hindi na ako magtataka kong didibdibin n’ya ang mga sinabi ko.
“Apo! Buti naman at nakapunta ka rito!” agad na bungad na bati sa kin ni lolo chairman na naka-upo pa. Aba? May sarili siyang dalang upuan? Sana all!
Agad akong ngumiti atsaka nagmano sa kan’ya. “Buti nga kamo, lolo chairman at pupunta rin pala ang mga kaibigan ko kaya sumama na rin ako,” aniya ko pa bago ko napansin na nasa kanan n’ya pala nakatayo ang lima n’yang mga apo. Nginitian ko sila bawat isa ngunit hindi ko na itinuloy n’ong si lightning and thunder na.
Higit sa akward pa ako sa nangyari sa min kagabi at hindi ko rin naman magagawang ngumiti sa kan’ya na parang wala lang nangyaring komprontahan kagabi.
Hindi ko nga alam na ngayon pala itong contest na sinasabi sa kin ni Premo. Buti na lang talaga at maaga pang tumawag sa kin si lolo chairman kanina para kausapin ako tungkol sa nangyari sa min ni Ma’am Gwyneth at ipaalala na rin na ngayong hapon ang contest na ‘to ni Premo. Sakto naman, nakiayon naman ang universe sa kin dahil nag-chat si Eves sa gc naming tatlo ni Mona na pupunta raw siya at manonood. Kung wala sila ay hindi siguro ako pupunta. Ano naman ang ihaharap kong mukha sa kanila lalong-lalo na kay lightning and thuder ‘di ba?
“Naku! Salamat naman. Mabuti nga ‘yan at may kasama ka papunta rito at pauwi, apo,” dugtong pa nito bago nakipagnginitian sa mga kaibigan ko.
Umayos at nagsimula ng mag-ingay ang mga tao ng nagsilabasan na ang mga participants. Ang dami naman yata nila? Siguro mga nasa ten. Hindi ko na nga makita kong saan doon si Premo dahil masyadong malawak itong arena at malayo pa kami sa starting line.
“Ang dami po pala nilang kasali, lolo chairman,” bulalas ko naman.
“Ganoon talaga, apo. This contest is one of those prestigious contests for horseback riding has. Minsan lang ‘to sa dalawang taon that’s why many racers are trying their best to be part of this,” pagpapaliwanag naman ni lolo kaya napatango-tango ako.
“Kaya po pala, lolo. Nasaan na po banda d’yan ang apo ninyong si Premo?” ani ko pa at sinubukang sipatin ang mga contestants.
“Ay! Joke po. Nakita ko na po siya,” mabilis kong bawi ng makita ko si Premo na ngumiti sa kin na nakasakay na sa isang puting kabayo. Nag-iiba talaga ang awra ng tao lalo kapag gusto n’ya ang ginagawa n’ya. Alam mong seryoso at handang-handang ibigay lahat para manalo.
“Ayan na! Like mag-start na talaga, finally!” bulalas ni Eves habang abalang nagpi-picture ng paligid habang si Mona naman kanina pa nakaw nang nakaw ng tingin kay Alas.
“Tama na ‘yan baka mamaya sa presinto kana dumiretso sa kakanakaw mo ng tingin sa isa d’yan sa apo ni lolo chairman,” pasimple kong bulong kay Mona na agad n’ya namang tinugunan ng sundot sa may tagiliran ko. Kita mo! Siya na nga itong pinagsasabihin ng mas ikakabuti n’ya siya pa itong nanakit.
Agad na bumalik ang atensiyon ko ng may marinig akong putok at kan’ya-kan’ya nan g**g palo ng mga kabayo nila ang kasali. Halos mabingi ako sa sigawan sa paligid at mukhang may mga tumataya pa nga ng pera sa feeling nila na mananalo.
Noong una ay chill pang nakaupo si lolo chairman pero napatayo siya ng mapansin n’yang binubunggo n’ong dalawang contestant si Premo kaya imbes na siya na ang nangunguna sana kanina ay hindi na lang.
“Hala, ang bad naman po nila, lolo chairman!” bulalas ko ng muntik pa mahulog si Premo sa ibabaw ng kabayo n’ya dahil parang naging wild ‘yong kabayo n’ya.
“These assholes!” galit na saad ni lolo chairman at agad n’yang kinuha ang phone n’ya at may kinausap.
“Why naman nila ginaganoon si Premo? Losers talaga kaya they’re trying to hurt na lang Premo para sila manalo!” bulalas naman ng kaibigan kong isa.
Hindi naman na ako umimik dahil beast mode na si lolo chairman buti na lang at nakalayo si Premo roon sa dalawa at napakalma n’ya ang kabayo n’ya. Tatlong laps pala kaya kahit naman may ganoon na pagsabotahe ang nangyari ay mukhang si Premo pa rin naman ang nauna.
“Malaman ko lang sino ang mga pangalan ng mga gagong ‘yon, sa presinto sila pupulitin,” ani ni lolo bago siya pumakawala ng buntong hininga at bumalik sa pagkakaupo.
Premo’s POV
“Young master, ayos lang po ba kayo?” madasig nga awhag kakon ni Rama kat makapanaog ako sa ang kabayo nga gamit kaina (Translation: mabilis na bungad sa kin ni Rama n’ong makababa ako sa kabayong ginamit ko kanina).
Mga gago.
“Mayad man, uwa man ako napuruhan. Tan-awa lang ang kabayo nga ginamit, mingko may nina,” hambae ko lang ag einagpasan imaw para magpungko maeapit sang coach (Translation: Mabuti naman, hindi naman ako napuruhan. Tignan mo na lang ‘yong kabayo kong ginamit parang may sugat, sabi ko na lang atsaka siya nilagpasan para maka-upo malapit sa coach ko).
Eagi nanda akong tin-aw-an it tubi ag ging-masahe ang butkon. Maeain ang tueok sa daywa nga kaibahan ko kaina nga nag-intra nga igto gid nagpwesto sa pihak ag sa ang prenti pa. Gapakita-kita gid do mga gago ngara. Gusto giato makasamit it bakoe. (Translation: Agad nila akong binigyan ng tubig at minasahe ang balikat ko. Masama ang tingin ko sa dalawang kasama ko kaninang sumali na doon talaga pumuwesto sa kabila at sa harap ko pa. Talagang nagpapakita ng hindi maganda ang mga gagong ‘to. Gusto yata nilang makatanggap ng bugbug.)
“Luminya na po muna ulit sa harap ‘yong mga contestant. Mag-aanounce na po tayo ng winner. Sir Premo, dito po tayo,” singhan kakon it isaea sa mga empleyado it organizer it event. Nagtango mata ako kana ag nagtikang paeapit sa prenti. Naga sukoe pa kakon it maeain ang tueok do daywa kaina nga nagpuntirya kakon. (Translation: Saad sa kin n’ong isa sa mga empleyado ng organizer ng event. Tumango naman ako sa kan’ya at naglakad palapit sa harap. Talagang nakikipagsukatan sa kin ng masamang tingin ang dalawang pumuntrya sa kin kanina.)
Kat nakatindog eon kami tanan sa prenti hay nagtan-aw eon man ako sa palibot. Nakita ko eon imaw kaina kaibahan nanday lolo ag sang mga kampod. Mayad gani nakatan-aw imaw mas gingganahan ako nga itao ang best agod magdaog. Kaya ngani maskin masakit ang pagpanimbang kaina agod indi ako mahueog sa kabayo hay tiniis ko hay iya imaw gapamantaw. Uwa man ako naila nga mapahuya kana. (Translation: Noong makatayo na kaming lahat sa harapan ay tinignan kong muli ang paligid. Nakita ko na siya kanina kasama nina lolo at ng mga pinsan ko. Mabuti na lang at natingin siya mas ginanahan akong ibigay ang best ko para manalo. Kaya nga kahit masakit ang pagbalanse kanina para hindi ako mahulog sa kabyo ay tiniis ko talaga dahil nandito siya nanonood. Hindi ko naman gustong mapahiya sa kan’ya.)
Bless’ POV
“Si Premo na ang winner! No other one pa!” hiyaw ni Eves lalo n’ong mapansin naming nakahilera na sa harapan ang mga contestant. Hindi naman nagtagal at lumapit na rin ang emcee.
“The long wait is over! For the 32nd Regional Horse Back Riding Contest! Our winner for this year is no other than!”
“Still, the champion! We have, Premo Yael Palma Marquez!” Hala!
Oh, my gash!
Nanalo si Premo! Napangiti ako at malakas na pumalakpak lalo ng i-award na sa kan’ya ang trophy at medal. Nakita naming mabilis siyang tumingin sa min at tumakbo kaya natawa na lang si lolo chairman.
Mabilis siyang nakalapit sa min at nabigla na lang ako ng agad n’yang hinubad ang medal n’ya’t isuot ‘yon sa kin sabay bigay ng trophy kay lolo chairman.
“Saeamat sa pag-agto, Bless, para gid man kimo run (Translation: Salamat sa pagdating, Bless, para talaga sa ‘yo ‘yan).”