"NAZARENE," mahina kong pagtatawag sa pangalan n’ya. Mabuti na nga lang at nagkapagsalita pa ako n’ong ma-realize kong siya pala ang humablot sa kin palayo sa gitna ng kalsada. Tinignan n’ya lang ako at hindi na nagsalita bago ibaling ang titig n’ya sa ibang direksiyon. Seryosong-seryoso ang mukha n’ya habang tinignan ang kabuoan ko kung may nabali na ba sa kin o ano at sunod n’yang tinignan ang distansiya naming dalawa sa kalsada lalo at sunod-sunod na ang pagdaan ng mga kotse sa mga oras na ‘yon, magtatakipsilim na rin kasi. Nabigla na naman ako ng muli n’ya akong hinalihin palapit sa katawan n’ya at baliktarin ang puwesto naming dalawa, kung kanina ako ang nakatalikod sa kalsada at siya ang nakatalikod sa bahay nila Evelyn, ngayon ako na ang nakatalikod sa bahay nila Evelyn at siya

