Alkina "What the hell Alkina!" Nanlaki ang mata ko matapos kung marinig ang boses na iyon. Parehas kaming napabitaw sa isat-isa ni Danica. Napaayos kami ng tayo. Inayos ko ang buhok at damit ko saka ako humarap kay Supremo. "Oh Supre—Cameron! Bakit nandito ka?" pilit ang ngiting tanong ko habang mahigpit ang pag kakahawak ko sa laylayan ng damit ko. Napalunok ako dahil sa matalim nitong matang naka tingin sa akin. Para bang isa akong kriminal sa paningin niya. "Ako dapat ang nag tatanong niyan? Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" madiing tanong niya. "Mag kakasama pa kayo ng mga kaibigan mo!" dagdag niya pa. Tila ba inaasukahan niya ako. Gagi! Galit siya. Galit na naman! "Aray!" daing ko at napahawak sa sintido ko. Pumikit pa ako at para kapani-paniwala ang pag aakting ko. Ito

