Alkina Hapon na ng nakabalik ako sa cafeteria. Mangilan ngilan nalang rin ang ang mga studyanteng naroon. Umupo muna ako sa gilid habang nag hihintay na umalis ang mga studyante. Habang abala ako sa pagmamasid sa kanila ng bigla kung natamaan ang banda nila Danica. Napailing nalang ako dahil sa dami ng kalat sa lamesa nila. Napatayo na lamang ako ng ibuhos nila sa sahig ang inumin nila. Habang nakatingin sa akin ng naka ngisi. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Pinatili kung maging kalmado kahit na gustong gusto ko nang pag hahampasin ang mga mukha nila. Punyeta! Talagang hindi ako titigilan ng mga ito. "Oh nandito na pala ang katulong— I mean janitress! Saktong sakto ang dating mo! Maasahan ka talaga sa mga ganitong bagay Alkina! Oh hayan umpisahan mo ng maglinis at marami rami n

