Chapter 09

1051 Words
Alkina "Damn him!" inis na bulong ko habang papalayo sa cafeteria. Sa tuno ng boses niya ay parang ako talaga ang may kasalanan. Na ako lagi ang nag sisimula ng gulo. "Bwisit talaga!" patuloy na bulong ko. "Hai Babe!" anang ni Jake sabay hinalikan ako sa leeg. Tinanggal ko ang kamay niyang naka akbay sa akin pero ibinalik niya lang iyon kaya hinayaan ko nalang. Jake Hades is my Boytoy for this month. Gwapo naman siya at mayaman kaya pinatulan kuna at alam naman ng lahat na wala akong siniseryusong lalaki. Kaya sanay na silang makita akong papalit palit ako ng lalaki. Kaya walang nag tatagal sa akin dahil hindi naman ako pumapayag sa commitment. Pampalipas oras ko lang naman sila at hindi ko kailangan ng lalaking mag da-drama sa buhay ko. Iisa lang naman ang gusto ko. Kaya lang hindi naman ako gusto. "Buhay kapa pala, akala ko patay kana!" sarkastik kung anang na ikinatawa niya. Kahapon ay hindi siya nag pakita sa akin. Mukha yatang na gustuhan niya ng mag bakasyon at nakalimutan ng bumalik dito. "Kakabalik ko lang!" malambing na anang niya at hinalikan pa ang pisngi ko. "Miss me?" "Asa ka!" anang ko sabay irap sa kaniya. "Kakabalik ko lang, may naka away kana naman, at suspended na naman kayo ng isang linggo at maglilinis pa kayo dito sa campus, anak nang teteng naman oh, may surpresa kana agad sa akin Babe!" "Ulol wag mo akong asarin baka sa clinic ka ngayon tumuloy!" pinanlakihan ko pa siya ng mata. "Nag bibiro lang naman ako huh!" "Tss. Hindi ko kailangan ng biro mo, lumayas ka na nga!" pagtataboy ko. "Hmm, samahan kita!" naka ngising anang niya. Siniko ko siya sa tagiliran niya kaya nag kunwari siyang dumaing. "Ang sa dista mo talaga Babe!" anang niya habang papikitpikit pang nakahawak sa tagiliran niya. "Tss. Lumayas kana nga, layuan mo ako dahil baka hindi lang siko ang matamo mo!" matalim ang matang anang ko. "Ito naman nag bibiro lang ako!" anang niya at mabilis akong hinalikan. Tumugon ako sa halik niya, napatigil lang kami ng may marinig kaming tumikhim sa likuran namin. Napairap ako sa nakita. Napaayos naman agad si Jake. Pero ako hito at nilabanan ang matalim na titig niya. "Naisturbo na naman ba kita Supremo?" sarkastik kung tanong. Tinaasan ko pa siya ng kilay. "Bawal ang PDA at talagang dito pa kayo nag halikan!" umigting ang panga niyang anang matalim parin ang titig sa akin. "Pasensiya na Supremo at mukhang na abala ka pa, wag kang mag alala hindi mo na kami makikitang nag ha-halikan sa daan, next time sa tagong lugar nalang kami mag ha-halikan para nga naman may privacy kami at para hindi kami nakaka-abala!" punong puno ng panunuyang anang ko. "Wala na talagang susunod, bumalik kana sa cafeteria para makapag linis kana!" anang niya atsaka kami tinalikuran. "Bwisit!" inis na bulong ko. "Woah! akala ko makikita natin ngayon si Dean!" tumatawang anang ni Jake. "Tss. Sige na pumasok kana at baka bumalik pa dito sa Supremo!" anang ko. "Sige, Bye!" anang niya at mabilis niya akong dinampian ng halik sa labi. I shooked my head. Imbis na bumalik sa cafeteria ay nag lakad ako paliko sa likod ng building namin, hanggang sa makarating ako sa Tiza. Medyo malayo na ito sa building namin kaya dito kami laging tumatambay kapag wala kaming klase. Padabog akong umupo sa upuan na kahoy na pahaba. "Diba sinabi ko na sayong bumalik kana sa Cafeteria, bakit ba ang kulit mo!" Halos atakihin pa ako sa gulat ng bigla kung marinig si Supremo. Napatayo ako sa pag kakataranta. Hinawakan ko ang dibdib ko habang nag hahabol ng hininga ko. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko at matalim parin ang titig. "Tss. Wag ka ngang basta bastang sumusulpot Supremo! mamatay ako ng maaga dahil sayo!" umirap pa ako. "Ano bang gagawin mo dito at talagang pumunta kapa dito?" tanong niya ni hindi manlang ito gumalaw sa pag kakatayo niya. "Tss. Malamang mag papahinga," pabalang kung sagot at umupo ulit, ngayon ay nakatalikod na ako sa kaniya kaya hindi niya na makita pa ang pang iirap ko. "Let's go!" anang niya. "Bumalik kana ng mag-isa mo Supremo, wag mo akong pilitin dahil kaya kung bumalik ng mag isa at babalik ako kung kailan ko gusto!" anang ko. "Halikana at maglilinis kapa!" madiing anang niya. "Tss. Umalis kana Supremo! dahil wala akong ibang kasama dito, hindi ako makikipag halikan dito kung iyon ang iniisip mo!" nakakuyom ang kamaong anang ko. Kalmado ang pananalita ko pero halatang galit ako dahil sa tuno ng boses ko. Iyon lang naman ang alam kung pinunta niya dito kaya sinundan niya ako, dahil titignan niya kung may gagawin akong kababalaghan dito. Well, asa siya dahil hindi ko iyon gagawin dito kaya wala siyang makikita. "Tara na, sabay na tayo!" anang niya na ikinangisi ko. Tumayo ako at hinarap siya matalim ang tingin kung ipinukol sa kaniya. "Pwede ba Supremo! umalis kana dahil hindi ko papatulan ang ganiyang mga galawan at pananalita mo!" inis kung anang. "Ano bang problema sa pananalita at galaw ko?" tanong niya. "Tss!" maktol ko at nilagpasan siya pero hinila niya ang damit ko kaya nasubsob ako sa dibdib niya. "Diba sinabi ko na sa'yo na ayaw kung nakikipag usap ka sa ibang lalaki?" he dare. Umigting ang pangang nakatingin sa akin. Tiningala ko siya. "Tss. Wala sa naman sa batas na hindi ako pwedeng makipag usap sa ibang lalaki," inismiran ko pa siya. "Wala nga pero sinabi ko!" madiing anang niya. "At bakit naman kita susundin? Ano ang dahilan mo? Huh! Supremo?" I dare him. Seryuso ako pero nakangisi ako sa kaniya. Halos magdikit na ang mga mukha namin. "Nevermind!" anang niya at inilayo ako sa kaniya. I sighed. Para akong na bagsakan ng mga nag lalakihang mga bato. "Hmm, I see!" tumatangong anang ko pero kalaunan ay naging seryuso ako. "Pumikit kana lang kapag nakita mo akong may kasamang lalaki!" anang ko at tinalikuran siya. Nakakainis. Akala ko pa naman sasabihin niya na nagseselos siya kapag may kausap akong ibang lalaki. Tss. I expected him to say that. Na magagalit siya kapag may kausap akong ibang lalaki. Ganun dapat ang sabihin niya, hindi iyong binibigyan niya ako ng pag asa, pero sa huli hindi niya ako kayang panagutan. Fuck! Umasa na naman ako! Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD