Alkina "Wow! Ang sweet niyo talaga ni Supremo! May pahatid hatid pang nalalaman! When kaya ako makakaranas ng ganun?" kinikilig na anang ni Ynoc. Hinatid pa kasi ako ni Supremo. "Mararanasan mo din iyon kapag naging lalaki kana! Manligaw ka tapos ihatid morin sa classroom nila... Basic diba? Anytime pwede mo namang gawin yon kapag maliwanagan kana!" sarkastik na anang ko at tuluyan ng umupo sa tabi ni Jake. Ewan ko nalang kung ano'ng magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman nila ang naging issue namin ni Eya ngayon. Wala akong naging imik. Hindi rin ako natulog sa klase. Nakatulala lang ako habang nilalaro ang ballpen ko. "What? Totoo?" gulat na tanong ni Val. "Grabe! Mukhang nasiraan na talaga siya ng ulo! Nakakatakot na siya!" sunod na kumento ni Ynoc. "Problema lang talaga

