Chapter 02

1038 Words
Alkina "Sige na Supremo, pwede ka nang umalis kaya ko na ito wag kang mag alala sa akin!" baka ngiting anang ko. Nasa tapat na kami ng pintuan ng classroom ko. Kailangan ko siyang mapaalis para maka takas ako. Pag wala na siya pupunta na akong Ubog. Ayaw ko talagang pumasok lalo na't wala dito ang mga kaibigan ko. "Get in!" utos niya. "Ah Supremo na i-ihi na kasi ako, kaya kailangan kung mag banyo hindi mo na ako kailangan pang samahan pa, ayaw kung na aabala ka!" saad ko. "Pumasok kana sa classroom mo at doon ka mag banyo!" seryuso paring anang niya. Pinigilan ko lang na umirap. "Ay oo nga pala may banyo nga pala pero sira daw yon kaya sa iba nalang ako nag ba-banyo—" "Papasok ka sa classroom mo o sa office ni Dean!" umiigting ang pangang tanong niya. "Sabi ko nga papasok na ako hehe, sige bye Supremo!" pilit ang mga ngiting kumaway ako sa kaniya. Huminga muna ako ng malalim bago ko hinawakan ang doorknob. Oras na mabuksan ko ito mahihirapan na akong maka-takas. "Bye na Supremo, kailan mo balak na umalis?" tan'ong ko ng muli ko siyang nilingon. He crossed his arms at mariin akong tinitigan. "Aalis lang ako dito kapag naka pasok kana, at wag mo ng balakin pang tumakas pa!" pinanlakihan pa niya ako ng mata. "Ito na nga eh! papasok na at isa pa hindi naman na ako tatakas pa!" naka simangot kung anas at pa dabog ko pang binuksan ang pintuan. "Mabuti kung ganun!" huling narinig ko bago ko isara ang pintuan. "Oh Alkina bakit ngayon ka lang? Nasaan ang mga kaibigan mo?" tan'ong agad ni Ms. Aliyana. Ang P. E. Teacher namin. "Hindi ko po alam Ms. Pag gising ko wala na po sila!" sagot ko. "Okay sige umupo kana," saad niya at tipid na ngumiti. Tamad na tamad akong nag lakad patungo sa upuan ko. Agad akong dumokduk sa lamesa ko. Bakit kasi nag pa-huli pa ako. Kasi naman bakit kasi inuna ko pa ang pag lalandi ko kisa ang tumakbo. Tss. Kaya naman nag isip ako ng paraan para maka sunod ako sa kanila. Pangatlong subject na namin ito at iba na ang teacher namin. Napa ngisi ako ng may na isip na plano para maka labas ako. Hindi naman ako pwedeng mag paalam na na i-ihi ako o na tatae kasi may banyo naman kami dito sa loob. Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang lipstick ko. Agad kung nilagyan ng lipstick ang pisngi ko para kunwari ay namumula ako. Pinunasan ko rin ng wipes ang labi ko para mag mukhang maputla at medyo ginulo ko ang naka lugay kung buhok. Pag ka tapos ay nag taas ako ng kamay habang naka yuko at hawak ko ang ulo ko. Pumipikit pikit pa ako. Para mas kapakapa niwala ang ginagawa ko. "Yes. Alkina? Are you okay?" may halong pag alala ang naging tanong na iyon ni Mr. Zamora. "Masakit po ang ulo," hininaan ko ang boses ko. "Ganun ba, Alijandro samahan mo si Alkina sa clinic para ma-bigyan ng gamot at ng maka pag pahinga siya doon!" napa ngisi ako matapos kung marinig ang sinabi ni Mr. Zamora. Inalalayan nga ako ni Alijandro. "Kunin mo ang bag ko baka may kailngan ako diyan!" nang hihinang anang ko. Agad nitong isinukbit n ang bag ko at muling inalalayan ako. "Mag panhinga ka muna soon Alkina!" saad ni Mr. Gomez. "Sige po!" sagot ko. Ganun na lang ang pag kaka ngiti ko ng maka labas kami. Pero tuloy parin ang pag iinarte ko. Baka mahalata ako ni Aljiandro at isumbong ako. "Kaya mo pa bang mag lakad?" tan'ong niya. "Oo, kaya okay lang kung hindi muna ako ihatid—" "Ihahatid na kita para hindi kana mahirapan pa!" tipid siyang ngumiti. Nasa first floor pa ang clinic. At nasa Second floor kami. Medyo binilisan ko ang pag lalakad ko, Kasi naman ang tipid tipid ng pag lalakad ni Alijandro, parang siya yong may sakit. "Ano'ng nang yari sa'yo!" "Ay peste!" sigaw ko dahil sa gulat. "Good morning po Supremo!" magalang na anang ni Alijandro. Napa pikit ako. Punyeta bakit nandito pa ang isang ito? "Ayos ka lang ba Alkina?" nag a-alalang tanong ni Alijandro. "Anong nang yari sa kaniya?" madiing tanong ni Supremo. "Masakit po ang ulo niya Supremo!" magalang paring sagot ni Alijandro. "Masakit ang ulo huh? Ako na ang bahala sa kaniya, bumalik kana sa klase mo!" No. Wag kang papayag Alijandro. Wag no muna akong ipa-ubaya kay Sumpremo. Kailangan kung maka takas ngayon. "Sige po Supremo!" saad ni Alijandro at narinig ko na lamang ang papalayong tunog ng mga hakbang nito. I gulped. Napa kagat ako sa aking ibabang labi. Mukha yatang lalagnatin ako dahil sa kaba. "Kapag nalaman kung wala kang sakit humanda ka sa akin—" "Ma sakit talaga ang ulo ko Supremo!" sabat ko. "Halika na sa clinic ng malaman ko kung sa clinic ka ba mag papa hinga o sa office ni Dean!" seryusong anang niya. Agad akong napa harap sa kaniya. Naluluha akong tumitig sa kaniya. I shook my head para hindi kiligin sa itsura niya. "Supremo naman, maniwala ka sa akin bigla bigla kasing sumasakit ang ulo ko, bigla bigla ring na wawala ang sakit nito!" na i-iyak kung anang. "Ngayon masakit pa ba ang ulo mo?" he asked. "Hindi na Supremo!" mabilis pa sa alaskwatrong sagot ko. "Mali ang naging tanong ko," he said. Napa kunot ang nuo ko. "Sumakit ba talaga ang ulo mo?" he asked again. "Oo naman Supremo!" mabilis na namang sagot ko. "Nag sasabi kaba ng totoo?" "Abah oo naman Supremo!" Mariin niya akong tinitigan at mas lalong nilapitan. "Pero bakit kailangan mo pang mag lagay ng lipstick diyan sa pisngi mo? para ano?" "Ah! wala akong nilagay na lipstick diyan supremo!" agad na pag tanggi ko. "Ano ito?" tan'ong niya matapos niyang dinampian ng isang daliri niya ang pisngi ko. "Ah! aksidente lang na nalagyan ko Supremo!" kinakabahang pagrarason ko. "Sige na mag lakad kana!" utos niya kaya naka hinga ako ng maluwag. "Okay na ako Supremo, babalik nalang ako sa classroom ko—" "Mag lakad kana papunta sa office ni Dean!" madiing wika niya. Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD