Chapter 13

1175 Words
Mahal nila ang isa't isa kaya naman na pag pasyahan nilang mag pakasal na upang maging legal na mag asawa na.Maging legal na Mrs.Lauren Laguardia. All the preparation they have all done perfectly.From their weddding gown, groom suit,invitations, entourage and everything. Lahat ng wedding invitations ay naibigay na sa lahat ng mga taong invited sa magiging kasal nila. Araw na lang ang hinihintay nila para maging ganap na mag asawa. Five days before the wedding day nagpaalam sa kaniya ang kasintahan na si Lauren na mag tutungo ng Marinduque upang umattend ng kasal ng kaibigan nito.Ikakasal din ang isa sa mga kaibigan nito kaya gusto niya present siya. Hindi pumayag si Giusseppe na umalis ang kasintahan pero matigas ang ulo nito.Babalik naman daw ito before the day of their wedding. Kahit anong pigil ni Giuseppe ay hindi ito nagpaawat. Katwiran nito minsan lang ikasal ang kaibigan nito kaya kailangan nandoon ito sa special na araw ng kaniyang kaibigan.Walang nagawa ang binata kundi ang pumayag at ilang ulit na pinaalalahanan ito na mag iingat sa pupuntahan. Two days before the wedding lumubog ang barkong sinasakyan ni Lauren na pabalik na ng Maynila. Isa na ang nasawi,18 pa ang nawawala, habang 14 naman ang mapalad na nakaligtas matapos lumubog ang isang barko sa karagatang sakop ng lucena, Quezon. Ayon kay Capt. Julius Vicente, District Commander ng Coast Guard District Southern Tagalog, isang babae ang pinangalan ang kumpirmadong nasawi. Sinabi ni Vicente na 22 lamang ang unang idineklara ng kapitan ng lumubog na MV Montenegro Shipping line. Ayon sa ulat na si Lauren Garcia ay isa sa mga nawawalang pasahero na hindi pa natatagpuan sanhi ng pag lubog ng barkong sinasakyan nito sanhi ng malakas na hangin at malakas na hampas ng alon dulot ng biglaang pagsama ng panahon. Nagwawala sa galit si Giuseppe nang malaman nito ang nangyari sa nobya.Lahat ginawa na nito at nang pamilya ng babae upang mahanap ang dalaga.Ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kanilang kasal. Mahal na mahal nito ang nobya. Si Lauren ang unang babaeng lubos niyang minahal.Sa loob ng limang taon hindi nagawang magmahal ng binata.Umaasa itong muling makikitang buhay pa ang dalaga.Ang bangkay nito ay hindi pa natatagpuan, sa limang taon sumuko na rin ang mga magulang nito sa paghahanap sa dalaga. Pero ang puso niya ay hindi sumukong magmahal dito.Sa limang taon ay hindi niya nagawang tumingin sa iba at hindi niya nagawang makipag relasyon. He is a man, he has a s****l need that he can gets without attachment to any woman. Pag pinag uusapan ang dating nobya ay nagagalit ang binata dahil hindi nito matanggap na matagal ng patay ang dalaga. Napapansin ni Kristine ang pagiging cold ng binata sa kaniya.Muling bumalik ang ugali nito na para bang hindi siya nag eexist sa binata. Na para bang walang namagitan sa kanilang dalawa. Dala lang ba ng init ng katawan kaya may namagitan sa kanila?Ano iyon pinaasa at pinakilig lang siya nito? Pakiramdam niya nga dumi-distansiya ang binata sa kaniya. Nagdagdag pa nga ito ng mga tauhan na siyang nag babantay sa kaniya.Minsan niya lang ito makita kaya naman naiirita ang dalaga. "Giuseppe what if....malaman mong buhay pa ang fiancee mo?" Curious na tanong ni Josh sa kaibigan. "of course I'm happy!"mabilis na tugon nito. "Yeah,... you are happy but how about Ms.Lee?" ani Josh. "Let's not talk about her okay!What about Lauren?" Paiwas na tanong nito. Napahawak sa dibdib si Kristine, tahimik siyang nakikinig sa usapan ng dalawa.Parang kinapos ang pag hinga niya at libo libong karayom ang tumutusok sa puso niyang nasasaktan.Tinakpan niya ang bibig upang hindi makagawa ng ingay.Kahit nasasaktan ay patuloy niyang pinakinggan ang usapan ng dalawa. "Lauren is not dead yet, one of our staff found your fiancee somewhere in Romblon." Balita ni Josh kay Giuseppe. Agad agad nag patawag ng Private Chopper si Giuseppe upang puntahan si Lauren sa nasabing probinsiya, wala itong inaksayang oras.Kasama nito si Josh na umalis.Napahikbi sa pinagtataguang halaman ang dalaga.Ang sakit palang makitang baliwala lang siya sa binata kung kailan mahal na niya ito. Masakit para sa kaniya na hindi siya magawang mahalin ni Giuseppe dahil hanggang ngayon pala mahal pa rin pala nito ang fiancee nito.Nalaman niya ang lahat dahil pina imbestigahan niya ang tungkol sa dalawa. Masakit isipin na lumipas ang limang taon na ito pa rin ang laman ng puso ng binata.Sino ba siya para mahalin din ng binata kung isang Lauren Garcia ay walang wala siyang panama?Sa limang taon na akala ng mga nakakakilala dito ay patay na ang dalaga nanatili pa rin ang pag mamahal ni Giuseppe dito.Na hanggang ngayon ay ang babaeng iyon pa rin ang nag mamayari sa puso nito. Paano siya magkakaroon ng puwang sa puso nito kung nandoon pa rin ang babaeng ilang taon man ang lumipas ay nanatiling mahal na mahal ng binata. Humihikbing bumalik siya sa kaniyang kwarto at padausdos na sumandal sa likod ng pintuan ng kaniyang kwarto. Hawak ang naninikip na dibdib habang tahimik na tumatangis. Hindi niya nagawang mahalin ang kahit sino sa naging boyfriend dahil hinihintay niya ang isang taong magpapatibok ng puso niya pero bakit ganun ang unfair naman.Kung sino iyong minahal niya iba naman ang mahal at nilalaman ng puso. Tinutok niya ng palad ang dibdib niya nahihirapan siyang huminga, pati lalamunan niya ay sumasakit kakapigil niyang humagulgol.Namumula na rin ang mata ng dalaga. Mahinang katok ang narinig niya pero hindi niya pinansin.Ilang ulit pang kumatok ang nasa kabilang pinto. "Ms.Lee oras na po para kumain." magalang na tugon nang isa sa mga pinag kakatiwalaang katulong na mag aasikaso kay Kristine na nasa Villa. "Hindi ako nagugutom!Sige na Carla gusto ko mag pahinga." sagot ni Kristine na hindi nag abalang buksan ang pinto ng kaniyang kwarto. "Pero Ms.Lee hindi ka pa kumakain ng lunch at dinner na, baka mapagalitan ako ni Boss pag hindi ho kayo kumain." anito. Binuksan niya ng maliit ang pinto ng kwarto. "I said I dont want to eat.Wala akong pakialam sa Boss mo, basta wala akong ganang kumain.Ayoko ng istorbo kaya please lang." ani Kristine na muling isinara ang pinto at humiga sa kaniyang kama. Walang nagawa si Carla, ang nakatokang kasambahay na siyang nag aasikaso kay Kristine. Tinawagan nito si Lieutenant Laguardia upang mag report.Ilang ring na pero hindi pa rin nito sinasagot kaya naman nag text na lang si Carla. Tungkulin nitong mag report sa binata dahil ito ang trabaho niya bukod sa pag aasikaso sa mga pangangailan ng dalaga. Sa bawat pag labas o kung saan mang lakad ay may mga tauhang nakabantay dito. Bawat galaw o lakad nito ay naka report kay Lieutenant Laguardia. Mahigpit ito sa mga tauhan na bantayan si Kristine dahil iniiwasan lang na maulit muli ang pag tangkang kidnapin ito ng Black Poison Syndicate upang ipa ransom sa multi millionare na ama ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD