Inihatid siya ni Giuseppe sa bahay ng Daddy niya dahil hindi na nga siya umuuwi ng Condo niya.Hindi na ito pinansin ng dalaga, tuloy tuloy lang siyang nagtungo sa kaniyang kwarto. Nakasunod lang ng tingin ang binata rito. Malamig ang pakikitungo ni Kristine at alam naman niya kung bakit kaya hindi niya ito masisisi. Naupo siya sa couch na hawak ng dalawang palad ang kaniyang ulo. Nalaman ni Kristine na hindi makakarating sa Racing event si Diego.Nagkausap sila nito na mag gigive up na ang binata.Hihinto na raw ito sa pagiging Car Racer para sa pamilya ng binata. Dahil sa kagustuhan na maexperience na makasali sa Racing Competition kinulit niya si Diego na siya ang papalit sa binata kahit isang beses lang hihinto na rin siya dahil ayaw niya ring bigyan ng alalahanin ang kaniyang Daddy,

