Part 6

1774 Words
"BAKIT mo sinampal ang kuya ko?" Nabahala na lumapit sa amin si Carrie. Pumagitna siya sa amin ni Deus at naglipat-lipat ang tingin niya sa amin. Wari ba'y wala siyang ideya talaga kung bakit ko nagawa iyon. Maang-maangan pa rin ang bruha tulad dati. Sa totoo lang, gusto ko rin siyang sampalin ngayon, gusto kong gawin sa kanya ang 'di ko nagawa noon. I'm just restraining myself stiffly. Until something sunk in my mind. Wait, did she say KUYA? "Carrie, it's okay. Heto ang phone mo at umuwi ka na," sabi ni Deus kay Carrie sabay abot sa pink na mamahaling cellphone. "Pero, kuya?" angal ni Carrie. Ang mukha ko naman ay unti-unting umayos. Ang salubong na mga kilay ko, naghiwalay ulit. Ang mga ngipin ko na nagngingit ay nagkaroon na ng gap nang dahan-dahan ay bumuka ang bibig ko dahil sa hindi pagkapaniwala. Pati man ang pagkakamao ko ay lumawag na rin. Tama nga ang narinig ko. Tinawag nga ni Carrie na 'kuya' si Deus. I hid my wince. "Sige na. At mag-uusap pa kami ni Shema," pagtataboy pa rin ni Deus kay Carrie. Bahagyang tinulak pa nito si Carrie sa balikat. A common gestures of siblings, I guess. Lalong umawang ang mga labi ko. At nang tingnan ko si Carrie ay inirapan niya ako bago ito sumakay sa kulay pink na kotse na nakaparada sa unahan ng kotse ko. Pink ang phone, pink ang kotse, hindi na ako nagtaka dahil ang totoo si Carrie lang naman noon ang humawa sa akin na maging mahilig pa sa color pink na bagay maliban kay Hello Kitty. OA lang si Carrie dahil pinapangalandakan talaga niya ang pagiging 'pinkaloo' or 'pinkishluver' niya. Almost her things is color pink. Pero okay lang dahil bagay naman sa kanya kasi fashionista siya. Actually kahit noong nagpakulay siya ng buhok na pink ay bumagay sa kanya. Trending siya noon sa campus. "Let's go," bigla ay sabi sa akin ni Deus sabay hablot sa aking car key. "Ako ang magda-drive." Tameme pa rin ako na sumunod. Nahihiya ako sa aking ginawa. Kasi kung kuya ang tawag ni Carrie kay Deus ay maliwanag na hindi si Carrie ang kanyang babae. Hindi si Carrie ang nabuntis nito. Malamang kamag-anak, kasi imposible na magkapatid sila. Sa pagkakatanda ko kasi ay Arguelles ang apelyido ni Deus dahil ang totoo niyang pangalan ay Deugrasius Arguelles. Samantalang si Carrie ay Carena Quicho naman ang complete niya. "Kailan ka pa dumating?" tanong sa akin ni Deus. He's already driving my car. "Kahapon lang," tipid ko na sagot. "Bakit hindi mo ako sinabihan?" matabang niyang tanong pa. Okay, gets ko na na hindi siya masaya sa pagdating ko. At hindi ko alam kung dahil sa nangyari kanina o talagang ayaw lang niya na narito na ako sa Pilipinas. "Isusurpresa sana kita pero ako naman ang nasurpresa dahil nakita kong lumabas si Carrie na best friend ko noon sa college sa bahay niyo. I thought she's the girl you were talking about," pag-amin ko. Muli ay naiinis ako. Ang saya-saya, eh. 'Yung feeling na excited ko siyang makita pero siya parang namatayan sa sobrang lungkot nang nakita ako. Ang nice, 'di ba? "Best friend mo si Carrie?" Siya naman ang nasurpresa. He cast me a quick glance. "Ex best friend," I corrected. Ibinaling ko sa bintana ang tingin ko. Ayoko siyang tingnan dahil naiirita ako. Bumuntong hininga siya, narinig ko. "Step sister ko si Carrie. Anak siya ng second wife ni Dad," tapos ay sabi niya. "Oh," ang lumabas lamang na reaksyon sa bibig ko. Mali pala ako, but I don't mind. Mas nagkaroon ako ng interes sa totoong reaksyon ng utak ko sa sinabi niya. Ibig sabihin kasi ay may pinagmanahan si Deus. Hindi na ako nagtataka ngayon kung nagawang pumatol sa ibang babae ito at nabuntis pa habang may relasyon kami. Tumirik ang mga mata ko at nilulon ko na ang dila ko. Hindi na ako nagsalita at baka mapunta na sa dapat na topic ang aking maibigkas o maitanong. Ayaw ko na ako ang unang mag-open niyon. Ayaw ko na magkamali ulit ako tulad nang nangyari kanina. "We're here," untag sa akin ni Deus after a while. Wondering where we were, I roamed my eyes around. I found out that Deus brought me here to a famous coffee shop. At naisip ko na ekstakto na place lang dahil need ko ng caffeine ngayon para gumana ang aking mga nerves at magkaroon ako ng tapang sa nalalapit na diskusyon namin nang magaling kong kasama ngayon. Ayos pa ako ngayon, kalmado pa, ewan ko lang mamaya. Magkasabay kami ni Deus na pumasok, at tahimik. Siya na rin ang nag-order. Dark Caramel Coffee and a slice of S'mores Cake ang para sa akin, simpleng Caffe Americano naman sa kanya. While waiting for our orders, "I'm sorry," ay panimula na ni Deus sa usapan. He's staring at me straight in the eye. Natigil ako sa paglingon-lingon sa paligid, paraan ko sana para maiwala ang tense ko kaso ay wa-epek dahil ang ending ay napatitig pa rin ako sa guwapong mukha niya, sobrang guwapo na mukha niya rather. Because Deus is the type of handsome that would make you believe in knight in shining armor. He has this rare amber eye color na minana pa raw niya sa kanilang ninuno. His nose is small and straight, symmetrical nose. His cheekbones angular beneath the smooth light brown skin, and his lips... they were hard, but precisely chiseled. Enough to made women wonder what they would feel if he'll kiss them. Kaya lang, for me, kahit pa gaano ka-perfect mayroon na feature si Deus ay may kulang pa rin. As I have said, I am a femme lesbian not a bisexual. Yes, I do like Deus. Gusto ko siya as boyfriend na kasama sa pamamasyal, kausap sa phone at kung anu-ano pa tulad ng isang best friend. But in a romantic scene, it's a big NO. To be honest, wala pang nangyayari sa amin ni Deus. Hanggang sa mainit na halikan lang kami hanggang sa dibdib. At doon pa lang, I can say na na may kulang. Nagugustuhan ko naman, but not really satisfying sa feeling. Totoong iba talaga ako sa mga babae. Iba kami na mga may ganitong tinatago na totoong pagkatao sa mga babae. Kahit kailan ay hindi namin maibibigay ng buo ang puso namin sa katulad ni Deus na mga Adan. "Shema, hindi ko 'yon sinasadya. Basta pagkagising ko that morning ay tapos na. May nangyari na sa amin. Then, after a week sinabi na lang niya sa akin na buntis siya," sabi pa ni Deus. Halata sa kusot niyang noo ang stress niya. I nibbled my lower lip before I spoke, "Okay lang naman sa akin kahit na magkaanak ka sa iba. Basta huwag tayong maghiwalay." Bumuka ang bibig ni Deus pero walang lumabas na salita roon. Napahilamos na lang siya ng mukha at nagpakawala ulit ng buntong hininga. "Huwag mo akong iwan kasi umaasa na sa atin sina Papa at Lolo. Actually, they're asking and waiting on you. Gusto ka nila na mas makilala pa," dagdag ko sa sinabi ko. I decided na huwag na siyang awayin para hindi lumalo ang problema. Tutal ay wala na akong magagawa pa tungkol sa bagay na iyon. Ang mahalaga na lang sa ngayon ay ang maging kami pa rin ni Deus para kina Lolo at Papa. Ayaw kong ma-disappoint sila sa akin. Si Deus na lang ang pag-asa ko. Kapag naghiwalay kami nang tuluyan ay mahihirapan na naman ako na maghanap ng lalaking kapapalagayan ko ng loob. Sigurado mahihirapan na ako na makahanap pa ng katulad ni Deus. In fact, hindi ganito ang inaasahan ko na mangyayari. Na magiging kalmado ako. Ang inasahan ko talaga ay magiging freak ako habang sinusumbatan si Deus gawa nang panloloko niya sa akin. "Gustuhin ko man pero hindi ko na magagawa talaga, Shema," sabi ni Deus sa napakahinga boses. Nagsalubong na ang mga kilay ko. I was about to confront him pero dumating na ang order namin. Pinigilan ko ang sarili ko. I quickly took a sip with my coffee to calm myself. "Gusto ko siyang panagutan," basag ni Deus sa katahimikan nang wala na 'yong crew. "Bakit?!" napalakas ang boses ko na biglang tanong. "I mean bakit pa? Eh, sabi mo nga hindi niyo sinasadya ang nangyari. Deus, hindi na big deal ngayon ang may anak sa labas. At kung tungkol sa anak mo ang inaalala mo, don't worry, we can still support your baby. Magiging mabuti ka pa rin na ama kahit hindi mo panagutan ang babaeng iyon," at paliwanag ko. Umiling si Deus. "You don't understand." "Ano ang hindi ko naiintindihan? Tell me." "Ang totoo naging kaibigan ko ang babaeng iyon bago pa man may nangyari sa amin. Nakilala ko siya noong minsan dumalo ako sa isang art gallery. Nagkausap kami. Nagkakwentuhan hanggang sa naging close. Kakaiba kasi siyang babae." "And so?" tipid ko na reaksyon lamang. Hindi ako interesado malaman kung paano sila naglandian. Like duh! "Gusto mo ba talagang banggitin ko pa?" hindi makapaniwala na tanong niya. Hindi ako sumagot. Instead, I folded my arms over my chest and leaned back in my chair. Napakamot naman siya batok niya at nag-iwas ng tingin. I can see his frustration all over his handsome face. "Sino ba siya? Artista ba siya? Model? Heiress?" mga tanong ko nang medyo hindi na rin siya nagsalita. "No. She's a freelance illustrator and a content artist. Katulad lang din natin siya na simple at private ang buhay," hindi malinaw na sagot niya. My eyebrow raised in interest. Kaya naman pala kakaibang babae kung i-describe ni Deus ang babaeng iyon dahil babaeng mahilig pala sa kakaibang mundo. Ang alam ko kasi sa mga artist ay weird. Naalala ko si Jwan, pero mabilis ko siyang inalis sa isip ko. Gusto kong mag-concentrate sa debate na ito. "Anong pangalan niya?" I plunged in. "You don't need to know." "Bakit hindi?" "Shema, please?" "Pero gusto ko siyang makausap. Gusto ko siyang alukin ng deal. Kaya ko siyang bayaran para lang maging maayos ang magiging set up niyong dalawa tungkol sa magiging anak niyo. Makikipagnegosasyon ako sa kanya. Kahit anong hilingin niyang kapalit ay ibibigay ko, basta hindi lang tayo maghihiwalay." "No! You can't do that!" Nga lang ay parang nadismaya lang si Deus sa aking offer. His fists crashed down on the table. "At bakit hindi?! Deus, you can't marry her just because you impregnated her. Ako ang girlfriend mo!" I snarled. Hindi ko kasi maitindindihan na, eh. Sinusolusyonan ko nga ang problema, pero bakit parang ako pa ang may mali? "Iba na ngayon, Shema," he insisted. "Paanong iba? Ipaliwanag mo kasi nang maigi! Damn it!" gigil ko na talaga na sabi. Napatingin pa sa amin ang ibang customer ng coffee shop. Mga naintrega sa lakas na ng boses ko. "Iba na, kasi gusto ko na siya. Mahal ko na siya, Shema," pag-amin na nga ni Deus.................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD