Ava Talaga naman kapag minamalas. Akalain mo eh pupunta din pala ang boss ko dito. Hindi rin naman malabo mangyari yun at dahil dito kami nagkakilala. Malamang isa din ito sa mga hang-out place ng mga friends niya. Kung kanina ay narerelax ako eh ngayon naman ay parang nate-tense na ako. Kahit ayoko ay napilitan na lang din ako'ng imbitahan sila umupo dito sa pwesto namin. Thanks to Farah, kahit kailan talaga eh napakabait, sabihin pa talaga na asikasuhin ko daw ang boss ko at ang mga kasama nito. Excuse me wala kami sa opisina para utos-utusan ako pero since hindi naman ako bastos na tao at kailangan pa rin ng pakikisama edi sige pagbigyan. Tumayo pa ako at pilit ngumiti para lang ituro sa kanila kung saan sila pwede umupo na kahit hindi naman na dapat dahil sure ako na kahit hindi

