Ava "Ano na naman problema mo at parang ang lalim ng iniisip mo?" Ang tanong ni Farah sa'kin. Nakaupo kami sa bar counter at nagchi-chillax dahil masyado ako'ng napagod sa trabaho. I just want to relax a little bit bago umuwi at matulog. "Wala, hindi ba pwedeng gusto ko lang uminom ng tahimik." Sagot ko sa kanya at sumimsim ako ng alak sa baso'ng hawak ko. "Huh, gusto mo pa lang uminom ng tahimik eh bakit pumunta pa tayo dito?" Ang tila reklamo niya paano wala siya makadaldalan. Grabe talaga magsalita ang babae'ng 'to straight to the point, walang paligoy-ligoy kung hindi ko lang talaga kilala ugali nito eh malamang napakulam ko na ito at sasabihin ko sa mangkukulam na tahiin na ang bibig nito para hindi na makapagsalita pero syempre joke lang yun. Tahimik kaming umiinom ng bigla may

