Ava Nakarating na kami sa bar na madalas namin puntahan at nauna na kami bumaba ni Farah habang si Derrick naman ay hahanap pa ng mapapa-parkingan. Talagang naging driver talaga ang datingan ni Derrick. Agad kaming naghanap ng mapu-pwestuhan at friday night ngayon jampack sa dami ng tao ngayong gabi. Buti may isa pang bakante na table yun nga lang parang medyo malaki para sa amin tatlo. Pagkaupong pagkaupo namin ay agad ako'ng kinumpronta ni Farah. "Talagang niyaya mo pa talaga si Derrick na sumama eh noh!" Bahagya naman ako'ng natawa parang si Derrick lang pala ang katapat ng babae'ng ito at si Derrick lang din ang kailangan ko para makaganti sa mga pang-aasar niya sa akin. "Ano ka ba kawawa naman yung tao walang magawa eh at saka the more the merrier. Mas marami mas masaya di'b

