Ava Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay mayroon ding karapatang kumuha ng tagapagtanggol na iyong pinili at kung wala kang kakayahan, ito ay ipagkakaloob sa iyo ng pamahalaan. Nauunawaan mo ba ito? Sinasabi yun ng lalaki kay Charlotte habang nilalagyan siya ng posas. Hindi ko na maintindihan, napakabilis ng lahat ng pangyayari kani-kanina lamang ay idini-discuss ko sa dalawa ang aking business proposal, sabay naman ng pagdating ni Ben, pero hindi pala siya nag-iisa na dumating may mga kasama pala siya'ng mga kalalakihan, sa una hindi mo maiisip na mga otoridad yun dahil hindi naman sila mga naka-uniporme pero nagulat na lang kami na kasama pala ito ni Ben. Kinumpirma pa n

