Ang tanging isinagot ko na lamang kay Ben ay basta pauwi na ko at sa bahay na lamang kami mag-usap. Inabot ko kay Farah ang cellphone niya. “Lagot ka!” Ang pang-aasar pa nito pagka-abot ko sa kanya ng cellphone niya. What the f-?! Bakit ba ko kinakabahan ng ganito eh wala naman ako’ng ginawang masama. Nagkataon lang talaga na na-lowbat ang cellphone ko at nung hinihiram ko naman ang cellphone ni Farah eh bigla naman kinumpiska ng mga walang hiya namin na klasmeyt. Dahil gabi na ay wala naman trapik kaya ang bilis, parang ilang saglit lang ay nai-drop off na ako kaagad ni Farah. Ang bilis naman alam mo yun pakiramdam na parang ayaw ko pa’ng umuwi, hindi pa naman ako sana’y mag-sorry. Paano ko ba ipapaliwanag, tama nga si Farah, lagot talaga ako! Pumasok na ko sa loob ng apartment k

