CHAPTER 2

1384 Words
Hindi ko maiwasan na maitakip ko ang kamay ko sa may harap ng mukha ko dahil sa sinag ng araw na tumatama doon. “s**t!”nasambit ko na lang ng mahina dahil pakiramdam ko ay may pumukpok ng martilyo sa ulo ko nang sinubukan kong bumangon dito sa pinagkaka higaan ko. Dahil sobrang sakit ng ulo ko kaya naman nag stay pa ako ng konti pero hindi din naman yun nagtagal dahil narinig ko ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko. “Hoy babae.”sigaw ng isang pamilyar na boses. Alam kong si Peach yun at dahil doon kaya sinimulan ko nang dahan-dahang buksan ang mata ko para makita ko siya. Noong una ay blurred pa siya sa paningin ko pero hindi nagtagal ay nakita ko na siya nang maayos. Hawak-hawak niya ang phone ko. “Sige inom pa.”sarkastikong sabi niya sa akin. Hindi ko na lang yun masyadong pinansin, magtatanong na sana ako kung bakit niya hawak ang phone ko pero nagsalita na siya agad. “Kanina pa may tumatawag sayo.”sabi niya. “Sino? Si Red ba?”mabilis na tanong ko at halata sa boses ko ang pagka excite nang malaman ko na may tumatawag sa akin. Bigla naman niya akong inirapan. “Hindi. Ang ate Andrea mo.”sabi niya at agad niyang binato sa may paanan ko ang phone ko. “Bumangon ka na rin diyan at nang makakain ka na para makauwi ka na.”sabi pa niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Hidni ko matandaan na dito pala ako nakatulog sa bahay niya. Hayss. Sure ako na hinahanap na ako ni Dad at Mama--- idagdag pa na tinatawagan na ako ni Andrea. Sorry, nakasanayan ko na kasi na Andrea lang ang tawag ko sa kaniya dahil sa ibang bansa kami nakatira dati—almost 7 years din yun bago kami pumunta dito sa Pilipinas. Kahit sobrang sakit pa rin ng ulo ko ay pinilit kong bumangon para abutin yung phone ko at matawagan ko na siya. Pagka kuha ko noon ay agad ko nang di-nial ang phone number ni Andrea. Mukhang kanina pa nga niya hinihintay ang tawag ko dahil wala pang tatlong ring ay nasagot niya na yun. [Tracy, where are you?]agad na tanong niya at base sa tono nang pananalita niya ay talagang nag aalala siya. Always naman na ganiyan si Andrea sa akin eh. Sa hinhin pa lang nang pagsasalita niya ay alam mo na agad at masasabi mo na talagang mabait siya. Hindi lang sa boses dahil pati rin sa kilos niya. Isa siyang volunteer Doctor sa mga mahihirap na lugar kung saan hindi afford ng mga tao ang pag papa-ospital o sobrang layo ng lugar sa kanila. Always to the rescue siya. Last year lang ay lumipad siya papunta sa Liberia para tulungan ang mga tao doon kasi ang sabi niya, Liberia is the country that lack in healthcare. Kahit na around October yun and to be obvious ay hindi namin siya nakasama nung Pasko. Wala siyang kinikita sa pag vo-volunteer nurse and sariling pera pa namin ang gamit niya sa pag bili ng mga gamot, utensils, and hygiene kit na pinapamahagi niya sa mga lugar na pinupuntahan niya pero siyempre, minsan tinutulungan din siya ng mga ospital na nag iinvest sa advocacy niya. Well, hindi niya naman kasi kailangang kumita. Ako nga ehh, jobless ako for almost 3 years matapos kong maka graduate kasi hindi talaga namin kailangang magtrabaho. Ayokong sabihin na mayaman kami pero parang ganon na nga. Ang Dad namin ay isang senior consultant ng isang kilalang International Company, working at home siya at umaalis lang siya para pumunta sa ibang bansa kapag kailangan-kailangan na talaga siya. Ayaw ko ding mag yabang pero almost 4 Million ang salary niya every year. Habang ang Mom naman namin ay isang may ari ng kilalang jewelry shop. Well, siya ang gumagawa ng designs ng kaniyang mga alahas at may sarili na siyang corporation to made it worldwide. While me? Like I’ve said--- jobless ako but still, I have my own black card. They said, black card users is from elite and ultra rich family--- but I doubt it, hindi naman kami ganon kayaman. Humble lang talaga. “I’m just here. At Peach’ house.”I answered her non chalantly. [I know that—but, what I meant is, bakit hindi ka umuwi? Alam mo naman na gusto kong makasama ka and spend my whole night with you kasi matagal na naman akong mawawala. Flight ko na later.]sabi pa niya. Yeah. You read it right. Aalis na naman siya mamaya kasi nga mag vo-volunteer siya ulit and this time ay sa Nigeria naman. “Sorry. May --- may nangyari lang kagabi and I crave for a beer taste, thats why uminom ako. Mukhang napa sobra ata kaya ayun.”sabi ko pa. [Who’s with you?] Tanong niya pa. “Just Peach.” [Peach? She dont drink.] “I know, uminom akong mag isa. Kaya nga may hang over ako eh.”sagot ko pa at napahawap pa ako sa ulo ko dahil masakit nga talaga. [Fix yourself and umuwi ka na. I’ll prepare the hang over medicine here. Make sure na uuwi ka na para sabay-sabay tayong kakain ng lunch later, hindi na ako aabutin ng dinner eh.] “Okay.”I just answered and hang up the phone call. Nakita ko na empty ang messages ko at ang lahat naman ng missed calls ko ay galing kay Andrea. Fuck! Hindi man lang nag-text si Red o tumawag man lang. Tsk. Sa sobrang inis ko ay hindi ko na lang pinansin ang pagsakit pa rin ng ulo ko at tuluyan nang bumangon para makalabas na ng kwarto. Mabibigat naman ang mga paa ko habang humahakbang ako pababa ng hadgan. Nakaka badtrip talaga si Red! "Oh? Anong sabi ng Ate mo?"tanong sa akin ni Peach nang makita niya agad ako matapos niyang lumabas sa pinto ng kusina at may hawak na plato na may lamang bacon. "Wala. As usual, nag aalala na naman siya kung bakit hindi ako umuwi kagabi sa bahay. "Sagot ko na lang na parang walang gana. Pabagsak din akong umupo sa lamesa at nagsalin ng fresh orange juice sa baso na nasa harapan ko tsaka mabilis na ininom yun. "Diba flight niya mamaya? "Tanong niya at binigyan niya ako ng plato sa harapan ko. "Hmm. Kaya nga gusto niyang nasa bahay na ako before lunch para sabay-sabay daw kami. Dinner time kasi ang flight niya."sagot ko pa at nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plato ko. "Talaga? Baka si Harold ang magiging piloto niya."sabi pa ni Peach at nagsimula na rin siyang kumuha ng pagkain niya. "Akala ko ba ngayon ang balik niya-- tapos may flight ulit siya? " Harold Torres is her husband, isa siyang piloto habang si Peach naman ay isang dakilang may bahay lang. Simula kasi nang magpakasal sila ay hindi na siya pinag trabaho pa ni Harold. By the way, interior designer siya. Siya nga ang nag design ng condo ko sa may Makati na madalang kong puntahan. "Oo, kulang sila sa Piloto ngayon."sagot na lang niya. Nag-nod naman ako sa kaniya at ipinag patuloy ko na ang pagkain ko. . . Pagkatapos kong kumain ng breakfast kina Peach ay nagpaalam na rin ako para umuwi. Mabilis na lang akong sumakay sa kotse ko at nagsimula nang magmaneho paalis ng village nila. Nang aktong bubuksan ko sana ang radio nitong kotse ko para makinig ng music ay bigla naman akong nakatanggap ng text. Dahil doon kaya medyo binagalan ko ang takbo ng kotse ko at kinuha ang phone ko. One message received From: RED Nang mabasa ko ang name niya sa sender ng text ay agad akong nakaramdam ng excitement kaya mabilis ko yung binuksan. ' Gusto kong bumawi sayo babe. Busy? Meet me at my condo in about 30 minutes. See you. ily! ' Napangiti naman ako ng dahil doon. Hindi ko na siya nagawa pang replyan at mabilis ko na lang pinatakbo ang kotse ko papunta sa condo niya. Dapat maunahan ko siya para makapag palit pa ako ng damit. May mga damit at gamit naman ako doon eh. I really miss him that's why I cant help it but to feel more excited. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD