Saktong 6:00 PM nang lumabas ako ng kwarto ko. Hindi ako masyadong nag-ayos dahil alam ko na agad kung anong iisipin ni Dad and ni Mommy kapag nakita nila ako na ayos na ayos. Naka suot lang ako ng simpleng white blouse and rip jeans with white rubber shoes. Naka messy bun lang din ang buhok ko at wala akong make up sa mukha. Pagkalabas ko ay bumaba na rin ako sa sala kung saan awtomatiko akong napatigil nang makita ko na nakatingin na agad sa akin si Arrow habang nakaupo siya sa harap ng TV at nanonood. Tsk. Masyado naman ata talaga siyang feel at home sa bahay namin. Grr! Inirapan ko na lang siya saka nagtuloy na sa pagbaba ng hagdan. Wala akong balak na pansinin siya hanggang sa makalabas ako ng bahay kaya lang mukhang pinanganak ata ang lalaking 'to na maging hadlang sa buhay ko

