“So paano? See you soon.” Nakangiting sabi sa kanya ni Zaith, palabas na sya sa loob ng kotse nito. Nang grumadwet na sila. Akala nya titigil na ito sa panliligaw sa kanya. Kambal ito ng bestfriend nyang si Clouie. Napakaguapo din nito at hinahabol din ng mga babae. Isa din kasi itong Del Fuengo. Pinsan ito ni Kyle.
Kikiligin na sana sya dahil napakaswerte naman nya at mapapansin ng isang Zaith Harry Del Fuengo ang beauty nya. Pero sadyang hindi na yata titibok sa iba ang kanyang puso.
Ilang linggo nalang at magsisimula na ang pasukan. Mag-uunang baitang na sya sa kolehiyo at sa Father Faustino University siya mag-aaral ng BS in Accountancy. Nasa San Lazaro lang ito. Ang mga magulang ni Kyle ang nagpapaaral sa kanya. Habang ito naman si Zaith ay sa Manila mag-aaral, sa pagkakaalam nya BSME ang kursong kukunin nito.
Kakagaling lang nilang mamasyal, niyaya kasi sya nito ng isang hindi naman romantic na date, namamasyal lang sila kung saan- saan.
“Thank you, Zaith!” nakangiting sabi nya dito, saka nya binuksan ang pinto ng kotse nito.
“No problem. Basta ikaw."
----
“Wow—what was that?” may panunukso na titig na iniukol ni Kyle sa kanya pagpasok nya sa gate. Nakita pala sya nito na palabas mula sa kotse ni Zaith. “Kayo na pala ng pinsan ko.”
“Hindi. But he’s courting me.” Palakad na sya papasok sa malaking bahay, sumabay ito sa kanya. Kasalukuyan itong nandito sa San Bartolome dahil summer vacation pa.
“Courting you? So, what is the status of my cousin to you?” nakangiting tanong nito.
“I like Zaith—but I’m not ready yet.” Not ready yet to fall inlove to somebody else, dahil ikaw lang gusto ko.
“Kawawa naman ang pinsan ko, mukhang mababasted.” natatawa nitong sambit, na sinabayan din naman nya. Pero, hindi naman talaga sya totoong natatawa.
Hindi din naman nagtagal ang kwentuhan nila ni Kyle dahil may tawag itong natanggap mula kay Savanah. At muli itong naging excited dahil minsan nalang nakipag- communicate dito ang kasintahan.
Wala syang nagawa kundi ang sundan nalang ito ng tingin habang masayang nakipag- usap kay Savanah. Hanggang ngayon, nasasaktan parin sya.
----
Halos isang buwan na ang nakakalipas mula ng nagsimula ang pasukan. Ngayon araw na to, napagpasyahan nya na bisitahin ang kanyang antie Milagros.
Makikibalita sya dito tungkol kay Savanah, para may maibalita sya kay Kyle- these past days kasi, mas lalo naging malimit ang pakikipag-kumunikasyon ni Savanah kay Kyle, kaya madalas syang tanungin ni Kyle tungkol dito.
Papasok palang sya sa bungad ng shop ng antie nya ng narinig nya na may kausap ito sa cellphone nito.
“Anong sabi mong ikinasal kana dyan? Talagang pinakawalan mo ang pagkakataon na maging isang bahagi ng Del Fuengo----- anong mahal mahal ka dyan? Akala ko pa naman wais ka at matalino. Pinakawalan mo ang pagkakataon na yayaman ka ng husto.” Ani ng tita nya sa kausap sa cellphone. Maya’t- maya lang galit ito na tinapos ang tawag.
Awang sya sa narinig. Kahit hindi sabihin ng antie nya. Alam nyang si Savanah ang kausap nito at ikinasal na pala ang kanyang pinsan. Napalingon ito sa bungad nya at namutla ito ng nakita sya.
“Kanina kapa dyan?” napansin nya ang pagkalma nito sa sarili nito.
“A-Ano po antie—ikinasal na po si Savanah?” hindi makapaniwala nyang tanong.
Sandali pa itong napatitig sa kanya.
“Oo. Pero wag mong sabihin kay Kyle.” Buo na sabi nito.
“Bakit ho?” kunot- noo na tanong nya dito.
Tila galit na napatingin sa kanya ang antie nya.
“Alissa—akala ko ba matalino ka?” tila may halong pang-iinsulto ang boses nito. “Well—ano naman ang aasahan ko sayo, manang- mana ka talaga sa mama mo.” sa mahabang panahon na ganito ang antie nya, hindi na syang nasaktan sa mga pinagsasabi nito sa kanya. “Alam mo, Kyle is a good catch—madali ang divorce sa ibang bansa. If marealize na ni Savanah na kay Kyle talaga sya nararapat. Na ito ang makapagbibigay sa kanya ng isang buhay prinsessa na pinapangarap nya. Pwede naman nyang idiborsyo ang kanyang asawa. Hindi naman mahahalata ni Kyle kasi ilang beses naman nyang ibinigay ang sarili nya dito. Sinabi ko nga sa kanya noon na pilitin nyang mabuntis, para wala na itong takas sa kanya. Pero ayaw nyang masira ang figure nya. Tigas talaga ng ulo ng batang yon.” Mahabang paliwanag nito, hindi sya makapaniwala sa narinig. May plano pala ang mag-ina ng masama kay Kyle.
“Hindi ito tama antie—malaki ang utang na loob ko kay Kyle, sa pamilya ni Kyle. Hindi ko kayang lukuhin si Kyle.” Hindi na nya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi sya makapaniwala na ganito kasama ang antie nya.
“So, mas matimbang para sayo ang pamilyang iyon kaysa sa akin? Ako na sarili mong kadugo?” tila may panunumbat pa ang boses nito.
Tulong luha syang napatingin dito. Kahit hindi nya nararamdaman ang pagmamahal nito pero mahalaga din naman ito para sa kanya. Pero, ayaw nyang mapahamak at maluko si Kyle.
“Mahal na mahal kita antie—“ tulong luha na sabi nya dito. “—pero gagawin ko po ang nararapat at tama. ” Saka tulong luha na tinalikuran nya ito.
Puno ng luha ang kanyang mga mata habang naghihintay sya ng tricycle na masasakyan. Ngunit kung kailan nagmamadali pa naman sya, saka naman puro puno ang tricycle na dumadaan. Lumo syang napaupo sa isang gilid habang umiiyak parin. Maya’t- maya lang may huminto na isang kotse na malapit sa kinauupuan nya. Napaangat sya ng mukha at sumalubong sa paningin nya ang nag-alalang mukha ng isang lalaki.
“Zaith—salamat talaga.” Puno parin ng luha ang kanyang mga mata kahit tuluyan na syang naihatid nito sa mansion. Kahit hindi man nya nagawang sabihin dito ang natuklasan nya pero ramdam na ramdam naman nya na naintindihan sya nito.
“Kung ano man ang dinaramdam mo ngayon Alissa—I hope malalampasan mo agad ito.” Ani nito saka pasimpleng pinahid ng hintuturo nito ang mga luha nya sa kanyang mga mata. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha nya. “Basta kung kailangan mo ng kaibigan o maiiyakan, nandun lang sa bahay si Clouie pero pwede rin sa akin mo sabihin.” Pinilit pa syang nginitian nito.
Pinilit rin nyang ngumiti dito. Patuloy parin na pinahid ng hintuturo nito ang mga luha nya, sobrang lapit talaga ng mukha nito sa mukha nya.
“Umuwi ba si senyorito Kyle?” tanong nya kay Aling Nana ng tuluyan na syang nakapasok sa loob ng bahay. Nakita kasi nya ang kotse nito sa parking area.
“Oo. Kanina lang.” ani nito. “Bigla yatang nasira ang mood ngayon.”
“Bakit naman ho?” pagtatakang tanong nya dito.
“Ewan ko—maganda naman ang mood kanina.” Ani nito. “Pero nakita ko sya kanina sa bungad ng gate na tila may kausap sa kanyang cellphone at yon nasira ang kanyang mood.”
Napaisip sya. Kung wala sa mood si Kyle, siguro hindi ito ang tamang panahon para sabihin nya dito ang tungkol sa natuklasan nya. Baka mas lalo lang itong magalit. Iba pa naman ito kung magalit.