PP 11

1655 Words
Kalilipat lang nya sa condo unit nya. Mas pinili nyang kumuha ng condo unit na nasa San Lazaro lang. Miminsan kasi, tinatamad syang magmaneho pauwi sa San Rosario. Lumo syang naupo sa sofa na nasa sala nya. Kaaalis lang ng daddy nya. Tinulungan sya nito na maglipat. Kapipikit lang nya sa kanyang mga mata nang may kumatok sa pinto. Agad syang lumapit sa pinto. Baka ang daddy nya ito. Baka may nakalimutan ito. Ang lapad ng ngiti nya pero napalis din agad yon nang iba ang sumalubong sa paningin nya. “Flowers for you, sweetheart!” nakangiting sabi sa kanya ni Aaron. Nabuhay na naman ang inis nya. Paano kaya nalaman nito na nandito sya? “Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Hindi nya maitago ang inis sa boses. “I am just welcoming my new neighbor.” Nakangiting sabi nito, sabay abot nito sa kanya ng isang boquet of red roses. Tinanggap naman nya ito kahit papaano. “Neighbor?” Napakunot- noo sya. “Yup. Are you following me here?” nakangising tanong nito. “What? Excuse me, Aaron. Hindi ko alam na may unit ka dito. I don’t even know where is your unit.” Tinaasan nya ito ng kilay. “Really?” napapitlag sya dahil pabiglang inilapit nito ang mukha sa mukha nya. “Yan katapat ng unit mo ang unit ko.” saka pangiti- ngiti itong inilayo ang mukha sa kanya. Sandali nyang naikalma ang nagwawalang isip. Saka kinaswal nya ang mukha na napatingin dito. Pangiti- ngiti ito na itinuro ang unit sa tapat ng unit nya. Ang malas talaga nya. Bakit ba sya dito nakarating sa unit na ‘to? Agad syang humakbang papunta sa sofa. Kailangan nyang makaupo, nagsimula na kasing manghina ang kanyang tuhod. Inilapag nya sa center table ang dalang bulaklak nito. Sumunod ito sa kanya, saka ito umupo sa tabi nya. ------- Pangiti- ngiti si Aaron. Walang kaalam- alam si Nicolle na kabibili lang din nya sa condo unit na katapat ng unit nito. Nang nalaman nya mula kay Alexa na naghahanap pala ng condo unit ang dalaga. Lihim nya itong sinusundan. Hanggang sa nalaman nya kung saan nito napagplanuhan na kumuha ng unit. At syempre, dahil sa pera at impluwensya nya kaya nakuha nya ang katapat na unit nito. He doesn’t care kahit doble ang binayaran nya at meron na talaga syang sariling condo unit. Kailangan nyang bantayan si Nicolle, baka hanggang dito, masundan ito ng mga manliligaw nito. ------ Naniningkit ang mga mata ni Nicolle hanggang nakatingin sa lalaking katabi nya. Paano kasi, nakangiti lang ito. Ano kayang iningiti- ngiti nito? Baliw talaga ito! “You can go now!” pagpapalayas nya dito. “Ayaw mo bang makipagkwentuhan sa akin bilang bago mong kapitbahay?” Nakatingin ito sa kanya. “Wala ako sa mood na makipagkwentuhan ngayon, lalo na sayo. I am tired!” Isinandal nya ang likod sa backrest ng sofa. “You’re tired? Don’t worry sweetheart, I will be here for you. Magpahinga ka muna at babantayan kita.” Ipinatung nito ang braso sa ibabaw ng sofa. Kaya para na tuloy syang naakbayan nito. Inis syang napaayos ng upo. “Nananadya kaba Aaron?” inis nyang tanong dito. “Bakit? I just want to make you feel comfortable.” Stress na stress na talaga sya dito. Kahit saan sya magpunta, nakasunod talaga sa kanya ang bweset na Aaron na to. “Can you just leave, dahil gusto kong magpahinga muna.” Hindi nya maitago ang inis sa boses. Bakit ba sya laging iniinis nito? “Ok I will leave---“napangiti sya sa sinabi nito. Tumayo ito. Pero, hindi ito sa labas papunta kundi sa dining nya. “Where are you going?” kunot- noo na tanong nya dito. “I will leave in your living room dahil ipagluluto nalang kita. Just take a rest! Ako na ang bahala dito.” Naniningkit ang mga mata nyang nakatingin dito. Napakamanhid talaga ng lalaking ito. Hindi ba talaga nahalata nito na ayaw na ayaw nya itong makasama? Kaysa mahimatay pa sya sa inis dito, mas pinili nyang isandal uli ang likod sa backrest ng sofa. Saka nya ipinikit ang mga mata hanggang sa hindi na nya napigilan ang sarili at tuluyan syang nilamon ng antok. Parang napaginipan pa nya si Aaron. Yon Aaron na mahal nya. -------- Pa-whistle- whistle pa si Aaron habang papatapos na sya sa ginagawang pagluluto. Hindi naman sa pagmamalaki, magaling kaya sya sa pagluluto. Actually, pati din ang kambal nyang si Adrian at ang nakakabatang kapatid na si Aaliyah. Alam naman nyang inis na inis na si Nicolle sa kanya. Kasalanan naman nito kung bakit hindi nya magawang ilayo ang sarili dito. Kung hindi sana sya hinalikan nito noon, hindi sana sya magkakaganito ngayon. At masisisi ba sya kung anim na taon syang naghintay sa pagbabalik nito? He is buying time. Kailangan nyang masagawa ang plano nya. Bago pa sya maunahan ng iba. Nang natapos na sya sa ginagawang pagluluto, agad nyang pinatay ang electric stove. Saka nya naisipan na balikan sa sala ang dalaga. Bakit kaya bigla nalang itong tumahimik? At hindi sya inaaway? Ang natutulog na si Nicolle ang naabutan nya sa sala. Naawa sya sa sitwasyon nito. Nakasandal lang kasi ito sa backrest ng sofa. Marahan syang umupo sa tabi nito. Wala sa loob na naihaplos nya ang kamay sa pisngi nito. Bakit ba ang ganda- ganda parin nito habang natutulog? She is now a fine and a very beautiful woman. Hindi na sana ito bata sa paningin nya pero may problema. Galit na galit na ito sa kanya. Mukhang pinanindigan nito masyado ang sinabi nito noon. Nagbago na nga ito ng tuluyan. Napako ang paningin nya sa labi nito. Gusto nyang matikman uli ang matamis na labi nito. Pero, kung hahalikan nya ito ngayon, baka magising lang ito at masampal lang sya nito ng wala sa oras. Ipiniling nya ang ulo, hindi dapat mapako ang paningin sa labi nito. Kailangan sa iba mapako ang paningin nya. Sa malas, sa makinis at bilong- bilong pa na legs nito sya napatingin. Mukhang hindi na mabuti ang pakiramdam nya. Umiinit na yata ang pakiramdam nya at mukhang may gusto nang magwala sa loob ng pantalon nya. “s**t!” hindi nya mapigilan mura. Agad syang napatayo at inalis ang paningin sa natutulog na dalaga. Hindi ito pwede! Si Nicolle ito. Ok, pinagnanasaan ko nga sya at natural lang yon. Pero, ayaw ko syang bastusin kahit sa isip ko. Hindi sya katulad ng iba. Iba si Nicolle! Aalis na sana sya kung hindi lang--- “Aaron!” napatingin sya sa natutulog na dalaga. Pangalan ba nya ang sinasambit nito? Lumapit sya dito at tumunghay sya dito. “Yes, sweetheart!” malambing nyang sambit. -------- Marahan nyang ibinuka ang mga mata. Napangiti sya, nasa panaginip nya si Aaron. Hindi yon Aaron na galit sya, kundi yon Aaron na gustong- gusto nya. Wala sa loob na hinapit nya ang batok nito at siniil ng halik ang labi nito. Tutal, nanaginip lang naman sya. Sandali pa itong nabigla sa ginawa nya dahil kalaunan, tinugunan din nito ang halik nya. Mas ipinikit pa nya ang mga mata. Ang sarap naman humalik ni Aaron sa panaginip nya. Para yata syang nakasayaw sa ulap. Naramdaman nya na ito na ang may dala ng sitwasyon. Marahan haplos sa legs nya ang nagpagising sa diwa nya. Totoong may kahalik sya at may humahaplos sa legs nya. Agad nyang ibinuka ang mga mata, and using with all her force, itinulak nya ang lapastangan na lalaki. Umayos sya sa pagkakaupo, sabay sya napasigaw. “Hey, wala akong ginawang masama sayo?” Ani ng kilala nyang boses, galit syang napatingin kay Aaron na ngayon medyo nakabawi na. Nakatayo na ito. “p*****t! Anong ginagawa mo sa akin, huh?!” galit na galit na bulyaw nya dito. “I didn’t do anything to you. Ikaw 'tong humalik sa akin.” Pangiti- ngiti ito na mas lalong ikinakulo ng dugo nya. “Wag kang hibang! Why would I kiss you?” tanggi nya na alam nyang totoo naman. Hindi naman totoong Aaron ang hinalikan nya.Si Aaron naman sa panaginip nya ang hinalikan nya. Talagang bastos lang ito at sinamantala ang sitwasyon. “Ewan ko—“ namilyo itong napangiti. “Baka hanggang ngayon, crush mo parin ako.” Sobrang panlalaki yata ng mga mata nya sa sinabi nito. Kapal talaga ng mukha nito! “I don’t have a crush on you anymore, Aaron.” Buo ang boses nya. Saka nya kinalma ang sarili. “Pwede ba umalis kana, kanina mo pa ako ginugulo.” Pagpapalayas nya dito. “Aalis din naman ako mamaya pero pwedeng pakainin mo naman ako sa niluto ko.” Nag close open na ang ilong nya habang nakatingin dito. --------- Magkaharap silang naupo dito sa mesa habang kumakain. Masarap talaga itong magluto at sa totoo lang, sarap na sarap sya sa kinakain nila ngayon. Pero, hindi nya ipinahalata dito iyon. “Bakit ba ayaw mo akong gawin boyfriend?” Basag nito sa katahimikan nila. Inis na napatingin sya dito. Nanliligaw ba ito sa kanya? Hindi naman. At saka, ayaw din nya dito. Dahil hindi lang ito playboy. Conceited at p*****t din ito. Hindi pa nawala sa isip nya ang pagsasamantala nito kanina sa sitwasyon. “Nakalimutan mo na ba, Aaron? Diba, ayaw mo sa klasi ng relasyon na gusto ko.” Pagpapaalala nya dito sa sinabi nito sa kanya noon. Kahit kailan, hindi ito nawala sa isip nya. “Bakit? Ano bang klasi ng relasyon ang gusto mo?” nakangiti nitong tanong. Saka ito sumubo uli. Mariin syang nakatingin dito. “Yon, hindi ikaw ang boyfriend ko!” padabog nyang sagot dito. Saka nya ipinapatuloy ang pagkain. Napaangat ang isang bahagi ng labi nito habang nakatingin sa kanya. Tila may inis sa mukha nito. Lihim syang napangiti, sa wakas, nakaganti narin sya. “Tama ka, ayaw ko nga sa ganyan klasing relasyon. Yon iba ang boyfriend mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD