(Present Time)
Kasalukuyan silang magkatabi ni Bret, pareho nilang pinag-aaralan ang isang blueprint. Ito ay isang sample blueprint para yata sa isang bagong malaki nilang project ang Pearl Island Project. Nasa meeting room, may meeting kasing gaganapin ngayon at ngayon din nila ma-meet ang bago nilang client. Hindi nya lubos akalain na sa dami ng architect na mas maraming taon na experience kaysa sa kanya sa kompanya, sya pa ang napiling maging architect sa isang napakalaking project na ito. Well, kasama naman nya si Bret, ito kasi ang kanilang project manager.
Mula nang umalis si Zac para mag- aral sa state, si Bret na ang kasa- kasama nya. Pag-alis ni Zac, nag-transfer sya sa UST dahil sa pangungulit nito sa kanya, lumipat din sya sa isang condo na katabi sa condo unit ni Bret. Sabay silang grumadwet, sabay nagboard exam at pumasa, at sabay silang kumuha ng masteral sa DeLa Salle University, at pagkatapos ng dalawang taon, sabay din sila grumadwet sa master nila. Hindi naman sya masyadong nahirapan kasi napakamatalino din ni Bret at magkatulad ang kurso nila, kaya nagtutulungan silang dalawa.
Napatigil sila agad ni Bret sa ginagawa. Pumasok na kasi sa loob ng meeting room ang CEO nila na si Mr. Andrew Cristomo, ang daddy ni Bret, balang araw, si Bret ang papalit sa posisyon ng ama, pero kailangan muna nitong pagdaanan ang lahat ng pwedeng pagdaanan, at mapatunayan nito ang sarili nito. Sa lahat ng anak nina ninong Drew at ninang Yumi nya, si Bret lang ang hindi nagpasya na pumunta sa state para mag-aral, para kasi nito, mas maganda parin ang educational system sa sariling bansa.
Kasama ng daddy ni Bret ang kanilang senior vice- president na si Zachary Del Fuengo, sa madaling salita ang ninong Aki nya na daddy ni Zac, at sobra yatang kaba ang nadarama nya ng nakita nya ang isang pang lalaki na kasama ng mga ito, ayaw na yata nyang mag-angat ng mukha, parang gusto nyang sumiksik muli kay Bret tulad ng ginawa nya sa simbahan.
Kinalma nya ang sarili, nasa meeting room kasi sila at dapat hindi sya magpadala ng bugso ng damdamin. Kainis, bakit parang nakatingin ito sa kanya?
“Are you okay?” parang bulong na tanong ni Bret sa kanya, parang napansin nito ang kabang nadarama nya. Napatingin sa kanya si Bret, ipinakita nya sa mga titig nya na wag itong mag-ingay, lihim itong napangiti at pasimple pang hinawakan ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng mesa, hindi na sya nagreklamo. Tila inis ang nabasa nya mula sa mga mata ng lalaki nang napatingin ito sa kamay ni Bret na nakahawak sa kamay nya.
Pagkatapos ng lahat na bumati sa mga senior na dumating. May sinabi ang ninong Aki nya. “Listen everyone—hindi na ako magpaligoy- ligoy pa, this is my son Zachary Del Fuengo 2 o Zac, and start from now, he will the one to take over my position. Hindi ko na isa- isahin ang mga dahilan kung bakit at his young age, pinili ko na palitan nya agad ako. You can read his credentials.” Saka may ibinigay ang assistant nito na mga folder. Talagang itong ninong Aki nya, hindi talaga ito mahilig mag-explain. Binubuklat- buklat pa ng mga kasama nila sa meeting room ang folder, patango- tango pa ang mga ito. Bubuklatin na din sana nya ang folder ng biglang nagsalita si Bret.
“Yong lunch date natin mamaya, wag mong kalimutan.” Pilyo talaga ang Bret na ito, pati na iyon talagang isinisingit sa meeting area. Tumikhim ang ama nito para patigilin ito sa ginagawa nitong panggugulo sa kanya. Halos sanay na ang lahat dito.
Napaangat sya ng mukha at sumalubong sa paningin nya ang salubong na naman na kilay na si Zac.
“By the way—hindi lang nyang ang mahalagang pag-uusapan natin ngayon.” ani ng CEO nila. “Were here to talk about the new biggest project ng kompanya ngayon, the Pearl Island, and our client for that project is our new senior vice-president Mr. Zachary Del Fuengo 11, his self.” Napatulala yata sya sa narinig.
------
“Pearl Island is an island located at the west part of San Bartolome, at the front side of Hidden Pearl Resort (HPR). The island measures about 200 hectares. The project talks about two different areas:” panimula ni Zac habang may ipinakita na powerpoint representation sa isang malaking screen, mukhang parang paraiso din tignan ang hindi gaanong kalakihan, pero hindi din naman kaliitan na isla. “ 50% of its area will be the riding club, right now we have barns, that subdivided into different stalls, we planned to just have 35 horses, the club are not for sport purposes but only for recreational activity, this riding club is much more located at the back side of the island from HPR.” Ngayon picture naman ng barns nito ang ipinakita, maganda ang mga barns. At may iba’- iba pang klasi ng kabayo silang nakita. “The other 50% is more look like for commercial purposes.” Pinakita ang ibang bahagi ng isla na hindi pa nga nasimulang e-renovate. “A clubhouse for the guest, cottages, a 3 storey building for some of other purposes, then a vacation house at the seaside. Aside from that maybe a small park at the middle area. Hotels and restaurants." May pinakita ito na tila plano sa landscape nito. “This is the landscape that I have planned, but this is not yet final, I have to consult first to Mr. Cristomo.” Si Bret ang tinutukoy nito, sa landscaping kasi nakapokus si Bret. Isa itong Landscape Architect. Habang sya naman ay nakapokus sa mga buildings and houses, any structure but not the landscaping. Ngumiti lang si Bret dito. “The island also has a beautiful small cave—“ pakita nito sa picture ng cave. “ –inside the cave is a small stream, the water came from the sea. Right now, I don’t have plan for the cave, pero gusto kong ibakod ito to preserve it’s natural beauty, private place at off- limits sa mga guest. By the way, plano ko rin palagyan ito ng bridge na magdugtong ng pearl island sa HPR.” Saka tinapos nito ang powerpoint presentation. “For some of the matters like budgeting--- we will talk that one for the next meeting, after me and my architect talk about the whole project.” Napasinghap sya, sya kasi ang tinutukoy nito. Halos lumundag ang puso nya nang tumingin pa talaga ito sa kanya.
-----
“You’re late.” Sobrang panlalaki ng kanyang mga mata nang pagbukas nya ng pinto ng kanyang opisina ay sumalubong sa paningin nya si Zac, nakaupo pa ito sa swivel chair nya. “Mukhang nag-eenjoy ka yata sa lunch date ninyo ni Bret.” Saka ito tumayo saka humakbang palapit sa kanya.
“Zac—I mean bo—“
“Don’t call me boss, Loraine” putol nito sa akmang sasabihin nya. “Para naman tayong walang pinagsamahan."
Gumapang agad ang kaba nya nang tumayo ito at humakbang palapit sa kanya. Mabuti nalang huminto ito sa paglalakad. Kinalma nya ang sarili at ibinalik sa normal ang isip. Nang medyo nakabawi na sya mula sa pagkabigla, kaswal nya itong tinignan.
“Wala naman tayong usapa----“
“Wala nga.” Putol na naman nito sa sasabihin nya. “But ang akala ko kasi ang office time dito start at 1:00 pm, but you are late---“ tumingin pa ito sa wrist watch nito. “—for almost 30 minutes.” Saka tumingin muli sa kanya.
Hindi sya makasagot sa sinabi nito.
“Ano kasi? Ah---“
Loraine, superior mo ito at client mo rin at the same time. Kaya dapat maging mabait ka dito.
Kinalma nya muli ang sarili. “I’m sorry Mr. Del Fuengo” pormal na sabi nya dito, hindi sya dapat magpakila ng panghihina. “Kasama kasi ng lunch namin ni Mr. Cristomo, ang recent client din namin. Technically, I’m still working.” Totoong sabi nya dito. Saka nya ito nilampasan at umupo sya sa swivel chair nya. “You can sit down now.” Inilahad pa nya ang upuan na nasa harapan ng mesa nya.
Nakangiti itong sinundan sya, ngunit hindi ito umupo. Nakatayo lang ito sa harapan nya at titig na titig sa kanya. Napaangat sya ng mukha dito at nagkatama ang mga paningin nila. Nakipagtitigan sya dito para itago ang kanyang nadarama.
“Sadly my business meeting pa kasi ako sa ibang company.” Ani nito na humakbang palapit sa kanya. Nabuhay na naman ang kaba nya kasi may kakaiba na naman nakasungaw sa mga tingin na iniukol nito sa kanya. Hindi nya napaghandaan ang susunod na gagawin nito, pabiglang iniharap nito ang swivel chair nya dito saka pinasadahan sya at iniharang ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid nya habang nakatungkod sa ibabaw ng backrest ng swivel chair nya, nakatingin ito sa kanya. “How about a business dinner tonight, Dominicos, 6:30 pm.” Ani nito saka inilapit ang mukha sa mukha nya, sobrang panlalaki na naman ng kanyang mga mata kasi halos isang dangkal nalang ang layo ng mukha nito sa mukha nya, tila nang-aakit pa ang titig nito sa kanya o sadyang naakit lang sya dito, natural naman kasi na flirt ang mga mata nito. “Don’t be late!” mahinang sabi nito na parang bulong lang. Napalunok tuloy sya ng wala sa oras, akala kasi nya hahalikan sya nito.
God ano ba itong iniisip ko? Please naman, ibalik nyo na ako sa dating Loraine.
May kakaibang ngiti pa ito habang inilayo ang katawan sa katawan nya. Again kinalma na naman nya ang sarili. Mula nang bumalik si Zac sa Pilipinas, naging nerbiyosa na sya.