FMY- Epilogue- END OF S2

1503 Words
Hindi nya mapigilan ang sunod- sunod na paghikbi. Ilang linggo na ang nakakalipas pero pabalik- balik parin sa alaala nya ang nangyari. Sobrang nasaktan talaga sya. Nasa loob sya ng kwarto nya. Nakasandal sa backrest ng sofa na nasa loob ng kwarto nang natigil sya bigla sa pagbuklat- buklat ng isang photo album. Nakaramdam sya ng malamig na hangin, parang tumatayo ang mga balahibo nya. “Hindi ako natatakot sa multo lalo na kung ikaw ang bibisita sa akin.” Sa isip nya. May kakaiba syang naririnig mula sa hiyaw ng mga aso. At talagang binibisita mo pa ang mga alaga ko. Wala sa loob na humakbang sya papunta sa berandang bahagi ng kwarto nya nang nakarinig sya ng pagkaluskos doon. Agad nyang binuksan ang pinto, saka sya tuluyan lumabas sa may beranda. Nagpalinga- linga sya pero wala syang nakikita. "You’re like the wind, I can’t see you but I can feel you.”tila bulong nya sa hangin. Mas pinili nyang pumasok na pabalik. Ngunit paglingon nya— “Ay, multo!” hindi nya mapigilan sambitin. “Hey—mukha na ba talaga akong multo?” nakatawang tanong sa kanya ni Adrian. Kinalma nya ang sarili. Muntikan na syang atakihin sa puso dahil dito. Medyo may bahagya na naman itong galos sa mukha. Nabuhay na naman ang inis nya dito. Ang tigas talaga ng ulo nito. “Adrian—ano na naman to? Sabihin mo nga sa akin, tuluyan kana bang nagpamembro sa akyat- bahay gang. At umakyat kana naman dito sa kwarto ko.” may inis ang boses nya. “Isang buwan pa nga ang nakakalipas mula ng lumabas ka sa hospital. Talagang gusto mong bumalik doon.” “Ok. I’m sorry!” nakangiti sabi nito. “Please, don’t get mad.” Pinupungay- pungay pa nito ang mga mata. Inirapan nya ito. “Namumula na naman ang mga mata mo. If I know, iniiyakan mo na naman si Ashtie.”puna nito sa kanya. Si Ashtie ay ang aso nyang namatay ilang linggo na ang nakakalipas dahil sa panganganak. Naalala nya kasi ito ng napatingin sya sa mga larawan nya kasama ang mahal nyang aso. Buhay naman ang dalawang tuta nito. Mahilig talaga sya sa aso. “I can’t help it.” Ibinalik nya ang sarili sa inis nya dito dahil sa ginawa nito. “Ano na naman itong drama mo. May nanakawin kaba ngayon.” “Oo.” Sumilay ang kakaibang kislap ng mga mata nito. “Ano naman?” nawala yata bigla ang inis nya. “How about ang matamis mong “Oo.” Will you marry me, Alexa?” ang tamis ng mga ngiti nito. Itinago nya ang kilig. Nag-inis- inisan parin sya dito. “Diba fiancee mo na ako? Pinipilit mo ako doon sa isla.” May kapilyuhan sa mga mata nito. “Yah. But, let’s make it proper tonight. Naalala mo ba,ngayon gabi na ‘to ay ang gabing ninakaw ko rin ang puso mo.” Nakangiti syang napatango. Naalala pa pala nito. “Papalitan mo ba ‘tung engagement ring ko. Mas gusto ko ‘to eh!” sabay nya pakita sa daliri nya. Suot parin nya ang engagement ring na pinilit nitong isuot sa kanya. “Nope. Dahil, iba ang ibibigay ko sayo.” sabay pakita nito sa kanya ng isang kwentas. Ito ang kwentas na ibinigay nito sa kanya noon. Ibinalik nya ito dito nung hinihiwalayan nya ito. “Hindi mo pa pala yan naiwala?” Ngumiti ito. “Bakit ko ‘to iwawala—diba, ganito ang puso natin, hindi mapaghihiwalay.” Ang langkit ng titigan nila sa isa’t- isa. “Alexa, you’re the star in my night sky. You’re the every beat of my heart. Will you marry me?” madamdamin pagkakasabi nito. “Yes Adrian. I will marry you.”hindi nya napigilan mapatulo ang mga luha. Nakangiti itong pinunasan ang mga luha nya. Saka isinuot nito sa leeg nya ang kwentas. Napahawak sya sa magkadikit na puso na pendant nito. Soon, their lips meet. They kissed with each other passionately and possessively. “You’re always here in my heart, Alexa. I love you.” Madamdamin pagkakasabi nito. “You are always here also in my heart, Adrian. I love you too.” Okay na nga sila ni Adrian and okay narin sila ni Kevin. Alam nyang nasaktan nya ang dating kasintahan pero wala na syang magagawa, si Adrian talaga ang sinisigaw ng kanyang puso. Inayos din ng mga magulang nya ang lahat. Sabay na ang pagbawi ng akala ng kanilang angkan. Ngayon maayos na sa kanila ni Adrian. Wala nang hadlang sa pagmamahal nilang dalawa. Matutupad na ang pangarap nila na sila hanggang sa magunaw man itong mundo. “Kapo-proposed mo lang tapos gusto mo agad ng honeymoon” kulang sa boses na pagrereklamo nya “Babe, ilang linggo mo na akong pinatitiis, kaya pagbigyan mo na ako ngayon.” Bahala na! Ayaw na nyang magpakipot noh! Miss na miss na kaya nya ito. They are kissing with each other under in her bed. They are close to mindless when---- “Sino na naman yan?” may frustration ang boses nito. Agad silang napaghiwalay nito ng narinig ang mahinang pagkatok sa pinto ng kwarto nya. Umalis ito mula sa pagkakadagan sa kanya. Saka sya bumangon, inayos nya ang sarili nya. Nakaramdam din sya ng inis sa nangingistorbo sa kanila ni Adrian. Pero, pinilit parin nyang ngumiti. “Lola Milagros—“ hindi nya mapigilan sambitin. “Nakarinig kasi ako ng ingay-- may kasama ka ba dito?” “H-Ha! Wala po.” Kinakabahan sya. May kakaiba sa titig nito sa kanya. Saka bahagyang ipinasok nito ang ulo sa loob ng kwarto nya. “Adrian- lumabas kana dyan sa banyo. Alam ko nandyan ka.” Ani ng lola nya. Napakamot sa ulo si Adrian ng lumabas mula sa banyo. Ang cute nito tignan. Para itong teenager na nahuli ng crush nito. Palipat- lipat ang tingin ng lola nya sa kanilang dalawa ni Adrian. “Akala nyo maloloko nyo ako tulad noon.” Makahulugang sabi nito. Nakangiting lumapit sa kanya si Adrian. Nagkatinginan sila nito. Pagkatapos ng dalawang buwan, the lovely bride walk down the aisle, habang naghihintay ang kanyang handsome groom sa may altar. Sabay nilang binitawan ang vow nila sa isa’t- isa sa harap ng lahat at sa panginoon. Sabay pangakong mamahalin nila ang isa’t- isa habang buhay. Time and Distance never separates two hearts that really love. Kahit sa paglipas ng mga panahon at sa dami ng pinagdaanan nila ni Adrian, nasa puso parin nila ang isa’t- isa. Sinong mag-aakala na magkakaroon din pala sila ng happily ever after tulad ng sinabi ni Adrian noon. Narealize nya, na hindi naman kailangan na maging legal sya na ampon nina Kyle at Alissa. Sapat na ang pagmamahal ng mga ito para masabing anak sya ng mga ito. Masyado naman syang pinagpala, dahil meron syang mapagmahal na lola, mga magulang at kuya. Kung nasaan man ang tunay na mga magulang nya ngayon, alam nyang masaya ang mga ito para sa kanya. Nagiging tunay nga sya na bahagi Del Fuengo pero sa ibang paraan. Talagang itinadhana sya para maging Mrs. Alexa Cecilia Zalmeda. Si Adrian talaga ang tutupad sa lahat ng pangarap nya. Ang swerte naman nya. Almost perfect na yata ang asawa nya. Kailangan lang siguro nitong bawas- bawasan ang pagiging temperamental. Napahawak sya sa pendant ng suot nyang kwentas. Ito ang kwentas na bigay ni Adrian. Indeed, tama ang asawa nya. Ang puso nila ay tulad ng pendant ng kwentas na ‘to. Hindi mapaghihiwalay. Hanggang kailan. Habang buhay. Not sure if you this But when we first meet I got so nervous I couldn’t speak In this very moment I found the one that My life has found its missing piece So as I long I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in wife So from now ‘till my very last breath This day I cherish You look so beautiful in white, tonight What we had is timeless My love is endless And with this ring I say to the world You’re my every reason You’re everything that I believe it With all my heart I mean every word - --------- The End------ Adrian and Alexa are now signing off. Originally from my Del Fuengo Clan 3rd generation series titled "Here in my heart". -- Again guys, direct to the point lang ang mga story dito na kaya lang basahin ng isang oras. Salamat sa mga naging readers nito. I hope I can read your comment....hehehe... Anyway, romcom ang susunod nito. Story of Aaron and Nicolle will be next. Isa- isa kong e- publish ang mga episode pero pwede nyo nang balikan after 2 weeks para hindi kayo mabitin. Salamat sa mga readers nito. Bonus story: * Wooing by my Ex- husband (Kyle and Alissa) *My adorable EX (Kiefer and Yvanna) 6 stories na ang mababasa dito. When it comes to love volume 2 will be posted soon....(6 stories in one)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD