Mahigit na sa isang buwan ang nakakalipas mula ng may nangyari sa kanila ni Kiefer. Pagkatapos ng araw na yon ay tinakasan nya ito. At hindi na sya nagpakita dito.
Kasalukuyan syang nakitira muna sa isang kamag-anak nila na nasa isang probinsya ng Mindanao. Kagagaling lang nya sa bahay ng isa sa naging kaibigan nya dito noon. Napag-alaman nya kasi na kapapanganak lang nito. Binisita lang nya ang 1st time mom. At humihingi din sya ng mga tips nito kung paano maging 1st time mom, kasi sa totoo lang, wala syang idea. Kaya nga magkahalong takot at pananabik ang nadarama nya ngayon.
Napatigil sya bigla sa paglalakad ng may huminto na kotse sa kanyang bungad. Kinakabahan sya bigla, pamilyar kasi sa kanya ang kotse. At mas lalo syang kinabahan ng lumabas mula doon ang isang guapong lalaki na kilalang- kilala nya.
Bago pa sya makapag-isip kung paano ito takasan. Pabigla syang pinangko nito at walang sabi-sabi na ipinasok sya sa loob ng kotse nito.
“Ano ba itong ginagawa mo Kiefer?” inis na tanong nya dito nang nakabawi na sya mula sa pagkabigla.
Oo. Namimis nya ito. Pero, naiinis sya sa isipin na hindi parin sya tinigilan nito. Hindi na talaga sya padadaig dito ngayon.“Kikidnapin mo ba ako ha?” tanong na naman nya.
Hindi ito sumagot. Nasa pagmamaneho ang pokus nito. Maya’t- maya lang dumating sila sa isang daan na may dalawang lane, kaliwa at kanan. Sandaling inihinto nito ang kotse nito.
“Which way?” tanong nito.
Hindi sya sumagot. Ang lakas ng loob nito na kidnapin sya pero hindi alam nito ang daan. Inirapan nya ito.
Mas pinili nito ang right side. Well, tama naman ito.
Maya’t- maya lang, dalawang lane na naman ang pagpipilian nito. Sandali na naman inihinto nito ang kotse.
“Which way?”tanong na naman nito.
Inis na inis na talaga sya.
“Ang lakas ng loob mo para kidnapin ako tapos magtanong-tanong ka sa akin ng daan. Bahala ka dyan!” hindi nya naitago ang pagkairita.
He choose the left side. Tama na naman ito.
Maya’t- maya lang, inihinto na naman ang kotse nito.
“Which way?” tanong na naman nito na nagpakunot- noo sa kanya.
“Anong way- way dyan?! Hindi mo ba nakita? Diretso lang ang daan.” Inis na inis na sya. Hanggang ngayon, mahilig parin itong maglaro.
Tumingin ito sa kanya. At may kakaiba sa mga tingin na iniukol nito sa kanya.
“I want to know, which way I should take. Can you show me the way? I don’t care if it is rough, rocky and a risky.What matter is, it is the way right through your heart.” Buo na pagkakasabi nito na nagpanganga sa kanya.
“I don’t understand Yvanna—you dumped me two times. Ano ba talaga ang problema mo sa akin? Gayun alam ko naman na mahal na mahal mo ako noon at hanggang ngayon.” may pagdaramdam sa boses nito.
Sa tingin nya, namumutla sya ngayon.
“You’re wrong Kiefer.. I don’t love you!” lakas loob na tanggi nya.
“Really?” may paniniguro ang boses nito. “Kaya pala, isinulat mo sa isang notebook mo noon na ‘Kiefer Del Fuengo, I love you very much, I will always love you’”.
Napaawang ang kanyang labi sa sinabi nito.
“Kung saan-saan mo lang kasi naiwan ang mga gamit mo. Hanggang may nakakita dun na kakilala ko. Pinuntahan kita sa inyo para paliwanagin ka—pero huli na ako kasi umalis kana. Ayaw naman sabihin ng parents mo kung nasaan ka.”
Pakurap- kurap syang nakatingin dito.
“Alam mo bang gaano ako nasaktan dahil sa ginawa mo sa akin noon. Nagalit ako pati na yata kay Gavin. Kahit hindi naman dapat. Kasi wala naman syang kasalanan. Buti nalang, naintindihan nya ako. Nakakatawa kasi sabay kaming na- broken hearted ng pinsan kong si Chace, kaya may karamay ako sa inuman.” He paused. Hindi nya alam kung nagpapatawa ba ito sa huling sinabi nito. “Years passed—wala akong naging seryosong girlfriend. Wala akong nakita na katulad mo.”
Napapitlag sya ng hinawakan nito ang kamay nya.
“Nung nagkabalikan sina Chace at Lexie—napaisip ako kung ano kaya kung hanapin kita. Sakto naman at matagal na akong nililigawan ng kompanya ninyo. Private ang buhay ko, ayaw ko sanang ilabas iyon sa publiko pero napag-alaman ko kasi na doon ka nagta-trabaho. Pumayag ako sa isang kondisyon. At iyon nga ang mga kondisyon ko sayo.”
Nanatili lang nakaawang ang kanyang labi.
“Tama nga ako—nung nakita kita muli, narealize ko, mahal parin kita, pero napakasinunggaling mo parin. Sinakyan ko ang drama mo na may fiancée ka. Ang gagawin ko lang ay mahuli ang totoo. Nagtagumpay talaga ang scheme ko. Lumabas din ang katotohanan. “
Nainis sya lalo sa sinabi nito. Kaya pala bigla- bigla nalang syang nahihilo, pagkatapos nitong pakainin sya.
“I hate you! You almost killed me.” Galit na bulyaw nya dito.
“No baby—hindi harmful ang inilagay ko sa pagkain mo. May benefits yon kahit papaano sa katawan mo.” bahagya pang kumurba ang ngiti sa labi nito. Saka sumeryoso ang mukha nito.
“Ang gagawin ko lang ay hulihin ang damdamin mo sa akin. At nagtagumpay na naman ako. Napatunayan ko na mahal mo rin ako. At don’t dare denying it. You told me when we made love.
Kinalma nya ang sarili. Mukhang hindi na nya kayang itago dito ang totoo.
“Now—tell me Yvanna. Bakit kailangan mo akong saktan ng dalawang beses? Bakit kailangan pigilan mo ang damdam------“
“Dahil ikaw ang dahilan kaya nagpakamatay ang bestfriend kong pinsan ko rin.” Hindi na nya napigilan sabihin dito ang totoo.
Galit na galit ang mukha nyang napatingin dito.
Puno ng kalituhan ang titig nito. Napakunot- noo pa ito.
“Sino bang tinutukoy mo?”
“Milonna Santos.” Buo na sagot nya. “Naalala mo naman siguro, diba! Pagkatapos mong buntisin—tapos iiwan mo lang. Wala ka tala----“
“Wait! Wait!” pigil nito sa ibang sasabihin nya. “I remember Milonna—were friends at kung buntis man sya. Hindi ako ang nakabuntis sa kanya. Kahit halik, hindi ko nagawa sa kanya.” sya naman ang napatanga. Hindi alam kung dapat bang maniwala dito.
“Oo—nagkaroon ako ng crush sa kanya, niligawan ko sya. Pero sabi nya sa akin na may boyfriend na sya at taga ibang school ito. Kilala ko nga ang boyfriend nya, nasuntok nga namin dalawa ni Gavin iyon dahil pinaiiyak nito si Milonna. Pumunta sa ibang bansa ang boyfriend nya. At hindi ko narin nabalitaan kung ano ang nangyari kay Milonna.” Buo ng boses nito at nakatingin talaga ito sa kanyang mga mata. Para bang ipinakita nito ang katotohanan sa mga pinagsasabi nito. “Kung hindi ka naniniwala sa akin—pwede mong tanungin si Gavin. Pwede din si Liam, kasi noble yon at hindi yon nagsisinunggaling. Michael Torres, yan ang pangalan ng boyfriend ni Milonna.”
Tila sya napaurong . Hindi nya alam kung paano magreact sa sitwasyon. Kung ano ang sasabihin nya kay Kiefer. Ibig sabihin, sya lang ay may kasalanan dito.
“Kiefer—ano---“ tanging nasambit nya.
“Hinuhusgahan mo ako agad-agad Yvanna.” May pagdaramdam sa boses nito.
Hindi na yata nya napigilan ang pagtulo ng mga luha.
“I—I’m sorry!” mahinang sabi nya. Hindi sya makatingin dito. Sobrang kahihiyan ang kanyang nadarama dahil sa panghuhusga nya dito at sa pagkakamali nya.
Iniangat nito ang mukha nya.
“Galit ako sayo Yvanna pero mahal na mahal kita. And I don’t want to lose you again baby. I don’t care about everything anymore. Ikaw lang ang gusto ko ngayon, habang buhay. I love you. Then. Now. Forever.”
Saka ito ngumiti. Pinahid ng hintuturo nito ang ilang butil nyang luha. Sobrang kasiyahan ang nadarama nya dahil pinatawad sya agad nito. Kaya naman syang bumawi dito habang buhay.
“I’m sorry Kiefer. Tell me how to make up with you.” Tulong luha parin sya.
“How about just tell me that you love me.” May lambing ang boses nito.
“I love you Kiefer. I always love you.” May lambing din ang kanyang boses.
Ngumiti ito. Saka hinapit nito ang batok nya at siniil ng halik ang kanyang labi. Na tinugunan naman nya agad.
“By the way Kiefer---“ lakas loob na sabi nya dito. “If you really love me—you have to marry me right away.” Diretsong sabi nya dito.
“Why baby? Masyado ka yatang excited na maging sayo na ako ng tuluyan.” Nakangiting sabi nito. Kahit kailan talaga, may pagkamayabang ito.
“Walang hiya ka—binuntis mo ako agad-agad. Isang beses lang----“
“Wait! You’re pregnant?!” hindi mapigilan bulalas nito.
Nahihiya syang napatango.
“At balak mong itago sa akin.” Tila may galit ang boses nito.
Kinakabahan na naman sya.
“I’m sorry---“ sunod na sunod ang paglunok nya.
Mataman itong nakatingin sa kanya. Kinakabahan na naman sya.
“I have to text my parents now—kailangan ko ng sabihin sa kanila na mamanhikan na kami.” Ani nito. Saka ito ngumiti at ikinulong ng mga palad nito ang kanyang mukha.
“Tell me—what you've done to me Yvanna. Kahit ilang beses kang nagkasala sa akin, hindi ko magawang magalit sayo ng sobra.”
Ngumiti sya.
“I love you Kiefer.” Mas pinili nyang sabihin.
“I love you too baby.”
Saka nila siniil muli ng halik ang isa’t- isa.