(Flashback)
Tila kumikinang pa ang mga mata ng 15 years old na si Loraine habang binubuklat- buklat ang isang magazine, kung saan nakakapalood ang iba’t- ibang island na pag-aari ng ilang sikat na personality. Katabi nya ang bestfriend na si Zac na bising- bisi sa pagbabasa ng libro nito. Nasa malaking sala sila ng bahay ng Villa Del Fuengo. Binibisita nya ito, kasi hindi sya mabibisita nito dahil bising- bisi ito sa pag-aaral para sa finals nito. Minsan na nga sa isang linggo sila magkikita at sadyang miss na miss na nya ito.
“Zac—hindi mo ba ako papansinin?” may lambing pa ang boses nya.
“Busy ako.” matipid na sagot nito.
“Sandali lang—may sasabihin ako sayo, kahit 10 minutes lang. Baka naman ma- perfect mo na ang exam mo, sa sobrang sipag mong mag- aral. Nakakapanibago, hindi ka naman masipag mag-aral ha.” Mahabang sabi nya dito.
“Iba na pag nasa college, Loraine—“ at itinuon muli ang pokus sa binabasa.
“Okay. Pero kahit 10 minutes, hindi mo ba ako pagbibigyan?” may halong tampo ang boses nya. Halos isang oras na sya na nandito pero talagang hindi sya pinapansin nito.
“Akala ko ba nandito ka para makita ako, hindi para daldalan ako.” tila walang gana na sabi nito, sa binabasa parin ang pokus.
“Zac naman—“
Inis itong napatingin sa kanya pero wala syang pakialam. Nginitian nya ito ng napakatamis- tamis, pinupungay- pungay pa nya ang mga mata. Para mapansin nito ang cuteness nya. Pero, nagkasalubong ang kilay nito na nakatingin sa kanya.
“Fine.” Tila inis na sabi nito. Talagang no pansin nito ang cuteness nya. “Ano na naman ang sasabihin mo?” tiniklop nito ang libro.
“Alam mo ba itong magazine na nabasa ko, tungkol ito sa mga isla na pag-aari ng iba’t- ibang personality.” Ipinakita pa nya ang magazine dito.
“And so?” bahagya pang napataas ang isang kilay nito.
“Ang ganda siguro kung may sariling isla—“ tila nangangarap na sabi nya. Saka may nabuo sa isip. “Zac—diba marami kang utang sa akin, dahil lagi mong nakakalimutan ang birthday ko.”
“Ano naman ngayon.” tila wala ito sa gana, pero wala syang pakialam.
“Bumili ka ng isla balang araw.” diretsong sabi nya dito.
“Ano?” halos mabingi yata sya sa lakas ng boses nito.
“Sabi ko bumili ka ng isla—don’t worry, hindi ko naman aariin. Pero, kung ibibigay mo sa akin, tatanggapin ko rin.” May halong biro nya dito.
“Alam mo ba kung magkano ang isang isla ha?”
“Yup.50 million or more, it depends sa laki, at sa accessibility ng isla.” Totoong sinabi nya dito.
“Alam mo naman pala. Diba, hindi madaling magkaroon ng isang isla.”
“Sa iba hindi—pero sayo. Ang dali dali lang. Walang-wala lang yan sayo kahit 200 million pa.” totoong sabi nya dito. Kung pagsamahin ang network ng mga magulang nito, hindi malayong aabutin ng bilyon ang manang makukuha nito, pati na sa dalawang nakakabatang kapatid nito.
Inilagay nito sa gilid ang libro, saka umupo ito na paharap sa kanya.
“Ano ba ang gagawin mo sa isla ha?” napangiti sya. Tila napukaw na nya ang kuryusidad nito.
“Wala pa akong maisip pero plano kung magdesign ng kahit anong structure sa isang isla, like building na hindi naman gaanong malaki, cottages, pwede rin bahay o di naman kaya clubhouse. Yon masabi ko na mga design ko halos ang nasa islang yan.” tila nangangarap na sabi nya.
Napatitig ito sa kanya.
“Fine.” Pagsuko nito maya- maya. “Pangarap na natin yan.”
“Talaga?” nakangiting sabi nya. “Bibili ka ng isla para sa akin?”
“Bibili ako hindi para sayo kundi para sa akin.” Seryosong sabi nito, pero ang tamis parin ng ngiti nya. “Don't worry, ikaw ang magdedesign sa lahat ng structure sa Isla na bibilhin ko.
Napakatamis parin ng ngiti nya. Saka sya yumakap dito. “Thank you Zac! Mahal na mahal mo talaga ako. I love you Zac!” wala na naman syang nakita na reaksyon mula dito.
(End)
“Nakalimutan mo na ba Loraine?” tanong ni Zac na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. "Bubuin natin ang mga pangarap natin sa isla na yon. Magkasama tayo lagi, Lorraine."
But kailangan kong dumistansya mula sayo Zac. Pagkatapos kong gawin ang mga hinihingi mo, iiwasan na naman kita uli. Sabi nga ni Oprah “Think about any attachments that are depleting your emotional reserves. Consider letting them go.” at I have to let go of you, kahit napakasakit.
“Anyway, why don’t we start talking about the project—“ ani nito saka pumunta sa likuran bahagi nya. Nasa loob na sila ng unit nito. Napasinghap sya na parang iniyakap nito ang braso sa kanya. Pero hindi naman talaga iniyakap nito iyon, talagang pinaliwanagan lang sya nito. Sobrang lapit pa ng pagdikit ng katawan nito sa kanayang likod, ramdam na ramdam pa naman nya ang malapad na dibdib nito. Parang gusto tuloy nyang ipiling ang ulo o gawin unan ang malapad na dibdib nito. At dahil parang nakayakap naman ito sa kanya. Hindi nya tuloy masyadong naintindihan ang mga sinasabi nito.
“You know what---“ ani nito saka hinawakan nito ang magkabilang braso nya, saka ito humarap sa kanya. Nagtatakbuhan na naman ang mga daga sa dibdib nya. “Why don’t we take a business vacation in that island for at least one week.”
“H-Ha?” hindi na naman sya makasagot.
“I will arrange our business vacation there, tomorrow.”
-------
Pagkatapos na pag-usapan ang sinasabing nitong business vacation nila sa pearl island ay napagpasyahan na nyang pumunta sa kanyang unit.
Hindi na naman nya ito natanggihan, hindi sa dahil superior at client nya ito at the same time, kahit hindi naman sya dapat sumuway sa plano nito, kundi dahil hindi nya itong kayang tiisin. Akala nya ang uuwi galing sa state ay ang galit na Zac sa kanya dahil sa mga ginagawa nyang pagbabalewala dito. Pero, bakit ibang Zac ang bumalik dito sa Pilipinas. Ang Zac na hindi nya maintindihan.
“Wala kabang sasabihin sa akin?” tanong nito ng nasa labas na sila ng pinto ng kanyang unit.
“Goodnight.” Maikling sabi nya.
“Not that one.” Nagwawala na naman ang puso nya dahil sa flirt eyes nito na nakatitig sa kanya.
“Ha? Ano paba?” nakakunot- noo sya.
“Yon lagi mong sinasabi.” Tila makahulugang sabi nito.
Kunot- noo sya, hindi nya ma-gets kung ano ang nais ipakuhulugang nito. Pabiglang inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Todo kaba na talaga ang nadarama nya dahil ngayon halos isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha nila.
“I love you Loraine!” tila bulong na sabi nito sa kanya. Nanlaki ang natural na malaki nyang mga mata sa sinabi nito. Sinabihan sya ng I love you nito. Nakangiti itong inilayo ang mukha sa mukha nya. “Goodnight bestfriend!” huling sinabi nito saka ito nakangiting bumalik muli sa loob ng condo nito. Akala nya kung ano na ang pag- “I love you” nito sa kanya. I love you as a friend lang pala yon, tulad ng ginawa nya noon. Gumaganti lang pala ito sa kanya.
------
Napabalikwas si Loraine ng bangon ng narinig nya ang sunod- sunod na katok ng pinto ng unit nya. Napatingin sya sa table clock, it’s already 5:00 am. Kainis, antok na antok pa naman sya.
At saka ang ganda pa naman ng panaginip nya, ikinasal daw sila ni Zac at sabay ng akmang paglanding sana ng lips nito sa lips nya ang pagmulat nya bigla ng mga mata dahil sa isang katok na tuluyan nagpagising sa kanya.
Si Elisse na naman siguro ‘to. Baka nag-away ang mga ito at si Brat. Kainis, kakasal lang nilang dalawa, tatakasan na naman nya ito agad.
Wala syang pakialam sa gusot- gusot nyang buhok o sa kung ano paman na nasa kanyang mukha. Hindi sya mahilig sa mga nightie, talagang nakapajama set sya kung matulog. Pooh pa ang design ng suot nya. Na para lang syang 16 years old lalo pa’t hindi naman talaga sya katangkaran. Antok na antok pa sya habang binuksan ang pinto.
“Ano ba El----“ nawala yata ang antok nya ng nakita ang bumulabog sa kanya. Fresh na fresh pa ito at bagong paligo.
Kinakabahan na naman sya lalo pa’t titig na titig ito sa mukha nya.
Oh my God! Baka marami syang nakita na maipintas sa akin? Ang pangit ko pa naman pag bagong gising. Bakit ba ako nako- conscious? Lagi naman nya akong nakita na ganito noon. Lagi nga nya akong sinasabihan na ang pangit ko pag bagong gising. Samantala ito, lahat yatang oras gupong- guapo ito.
Pabulong- bulong nya sa isip.
“Zac!” pinilit nyang maging kaswal ang boses.
“Sabi ko na nga ba—natutulog ka pa rin.” Sabi nito na titig na titig talaga sa kanya. Well, talagang lagi naman itong nakatitig sa kanya kahit noon pa, basta ganito ang porma nya, bagong gising at gusot na gusot ang kanyang buhok at walang kahit kung anong makeup ang nasa kanyang mukha. Hinahanapan siguro sya ng naipintas nito. “May gusto kabang idagdag sa daily schedule mo?" maya’t- maya nakangiting tanong nito. Mula ng bumalik ito, lagi na itong nakangiti sa kanya. Saan na kaya yon masungit na si Zac?
“Ha? Bakit? May tra------“
“Kasi ako may gusto akong idagdag sa daily schedule ko.” putol nito sa sasabihin nya.
“Ano naman an-----“ bago pa sya nakaisip sa kung ano ang tinutukoy nito, pabiglang kinabig nito ang batok nya, saka siniil ng halik ang kanyang labi . Nanlaki na naman ang kanyang mata sa sobrang pagkabigla. Ngunit bago pa sya tuluyan inilipad sa kalawakan dahil sa halik nito, agad din tinapos nito ang halik nito sa kanya. Sandali lang yon at hindi pa tuluyan nag- sink in sa kanyang isip.
“Diba nasa carshop ang kotse mo.” ani nito pagkatapos syang halikan. Tulala parin syang nakatitig dito. “I will give you 40 minutes to fix yourself.” Huling sinabi nito saka ito bumalik sa unit nito.
Halos hindi parin sya naka- move on mula sa pagkatulala kahit wala na ito sa kanyang harapan.