Kasalukuyan silang nasa school gym, kasama ang ibang tatlo nyang kaibigan, hindi nila kasama si Monique, kasi maaga itong umuwi. Kailangan kasi nito ng beauty rest lagi, para hindi ito magkaroon ng pimples. Miminsan na kasi ito nagkaroon ng mga pimples at ang sabi ng dermatologies, kailangan nito ng sapat na pahinga. Mula nung maaga na itong umuwi ng bahay. Manonood sila ngayon ng practice ng basketball team ng school nila. Nakita nya na papasok sa loob ng gym ang pinsan nya si Zac, kasama nito ang bestfriend nito si Loraine. Nasa Grade 11 na si Zac, at ito ang kasalukuyan team captain ng basketball team nila. Napakagaling naman talaga nito sa larong basketball. Pareho sila ni Loraine na nasa Grade 9, hindi sila magkaklasi nito, kasi nasa section ito ng mga matatalino na katulad ng kambal

