MBCG 24

1555 Words
Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang may nangyari sa kanila ni Aldrine. Nang nasiguro nyang nakatulog na ito.Tinakasan nya ito at agad- agad na pumunta sya dito sa Pearl Island. Nakikitira muna sya sa bungalow house ng kuya Zac nya dito. Natapos na kasi ang vacation house nito at ng asawa nito. Alam naman nyang hindi sya mahal ni Aldrine, kaya sya umalis. Ayaw nyang maging hadlang sa kasiyahan nito ang dalawang beses na pagbibigay nya sa sarili nya dito. Nothing has prepared her for the kind of pain that Aldrine has inflicted her at that time. But the wonders of tingling sensation and majestic pleasure will always be a part of her. Hindi nya kailanman malilimutan ang araw na 'yon sa buhay nya. She gave everything of her to the man that she loved. Kasalukuyan syang palakad- lakad sa tabing dagat. Namutla yata sya bigla nang papasalubong sa kanya ang isang lalaki. Napahinto sya sa paglakad. “A—Aldrine!” hindi nya napigilan na sambitin ang pangalan nito. Oh God! She missed him very much. Hindi ito masyadong lumapit sa kanya. Huminto din ito. Nagkatinginan sila nito. Napakunot- noo sya. Kasi parang may pasa ito sa mukha nito. “Bakit ka umalis?” may kung ano sa boses nito. “Kailangan ko pang aminin sa daddy mo ang nangyari sa atin bago pa nya sibihin sa akin kung nasaan ka.” Mas lalo yata syang namutla sa sinabi nito. Alam na ng daddy nya. “K-Kaya ba may pasa ka?” hindi nya mapigilan itanong. “Aldrine hindi mo naman kailangan aminin kay daddy ang nangyari. Hindi mo naman ako ka------“ “At bakit Clouie?”putol nito sa ibabang sasabihin. Kinalma nya ang sarili at nilakasan nya ang loob. “Hindi naman ako maghahabol. Kusa ko naman ibini------“ “s**t!” Hindi mapigilan mura nito. Tila galit ito. At ngayon lang nya ito nakita na galit. Siguro ang kinagalit nito ay ang katotohanan na ngayon, kailangan na nitong panagutan sya dahil nasabi na nito sa daddy nya ang nangyari sa kanila. “A-Aldrine, wala naman akong plano na hadlangan ang nakatakda mong pagpapakasal kay Dianne, hindi na----“ “Wait! Bakit ba nasali si Dianne sa usapan natin ngayon?” kunot- noo na putol na naman nito sa iba pa nyang sasabihin. “Diba nagkabalikan na kayo at magpapakasal na kayo? Ilang beses ko kayong nakita na magkasama at nakita ko pa kayo na magkayakap. Wag mo nang isipin ang nangyari sa atin. Choose her, choose your happiness over me.” Mahabang sabi nya dito. Pinigilan nya ang palaglagan ng mga luha. Ang sakit naman isipin na si Dianne ang kaligayan nito. Napanganga ito sa sinabi nya, saka sumeryoso ang mukha nito. "Tama ka, nagkita nga kami uli ni Dianne. Pero hindi dahil sa kung ano ang iniisip mo.” sya naman ang napanganga. “She has a 12 years old son, at kasalukuyan itong may sakit sa puso. Sabi nya sa akin na noon, sigurado sya na hindi ako ang ama ng bata, kasi bago pa daw sya sumama sa akin, may haka-haka na sya na buntis sya. Pero, hindi naniniwala ang ama nito na anak nya ang bata, kasi daw wala naman itong kakayahan magkaanak. Plano ko naman sabihin sayo ang lahat, hinihintay ko lang ang result ng DNA test ng anak nya. At habang wala pa ang result, tinulungan ko sya, lagi kong binibisita ang bata, baka anak ko ito. Then it turns out na hindi naman talaga ako ang ama ng bata at nagsisinunggaling lang ang ex nya. Ito talaga ang ama ng bata. Oo. Nagyayakapan kami, pero iyon ay dahil sinabi ko sa kanya na handa parin ako na tulungan sya.” mahabang sabi nito, hindi sya maka-react. Kung hindi si Dianne ang planong pakasalan nito. Sino naman? “Kaya mo ba ako hinihiwalayan Clouie, dahil kay Dianne at hindi dahil kay Jack?”madiin na tanong nito. Hindi sya makasagot kasi napunto nito ang totoo. “Mahal mo ba ako?" tanong nito na nagpatulala sa kanya sandali. “H-Ha?” hindi nya alam kung paano sagutin ito sa pagkahuli nito sa damdamin nya. “Do you love me, Clouie?” balik nito sa tanong nito. Titig na titig ito sa kanya. Napalanghap sya ng hangin. Nenerbiyos yata sya bigla. “It doesn’t matter, Aldrine.” aniya sa mababang tanong. “At bakit hindi? Nilakasan nya ang loob ng sobra. “Kasi alam ko naman na walang katugon iyon. Alam ko naman na hindi mo kayang maha----“ “Silly you!” putol na naman nito sa ibang sasabihin nya. Napaangat sya ng mukha dito. Hindi nya alam kung bakit may nababasa syang kasiyahan sa mga mata nito. Pero, baka guni- guni lang nya ito. “Bago pa ako dinala ng daddy mo sa bahay nyo, sabi nya sa akin na may maganda syang anak, inaasahan nya daw na sana hindi ako masyadong lumalapit dito. Naintindihan ko naman sya, hindi nga naman maganda ang tingin ng mga tao sa akin.” he paused, ramdam nya ang paglanghap nito ng hangin. “Hindi naman nya sinabi sa akin na ang anak nya ay ubod pala talaga ng ganda. I can’t even take off my eyes on her. Hindi sya mawala- wala sa isip ko, lagi syang nasa panaginip ko. At ang nakapagtataka at hindi ko maipaliwanag, bakit parang matagal ko na syang kilala?" he paused again, for a while. “Lagi lang akong lihim na nakasunod sa kanya. Pakiramdam ko kasi kailangan ko syang bantayan, not because hinihingi nya but because I am committed to the choice I made. I clear the way for her para maging masaya sya. Niligawan ko ang babaeng naging karibal nya, para maging masaya sya. Kaya lang hindi ako nagtagumpay. I love her but she is forbidden. Kailan man hindi ko sya pwedeng pangarapin na maging akin.” Napaawang ang labi nya sa sinabi nito. Tama ba ang rinig nya? “Then one day, kinausap ako ng daddy nya. Sinabi nya sa akin na wala naman problema sa kanya kung magkagustuhan kami ng anak nya. Nakaramdam ako ng pag-asa pero biglang nagkita sila uli ng lalaking nangangalang Clyde, at para maging masaya sya, kailangan kong masiguro na mailayo si Suzette mula dito. Pero, hindi parin ako nagtagumpay. Until she offer a non- commintal relationship para sa aming dalawa. Umaasa ako na balang araw mamahalin din nya ako ng tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Pero, kung kailan naramdaman ko na mahal na nya ako, saka naman nya ako hinihiwalayan. Sobrang sakit sa isipin na umaasa lang pala ako.” Humakbang ito palapit sa kanya, ngunit tumigil din ito ng ilang dangkal nalang ang pagitan nila. “Aldrine---“ tanging nasambit nya. “From the moment that I saw you Clouie, you already become the most important person in my life. I was lost in the shore but the most beautiful star in the Ursa Minor showed me the way. You are the polaris star in my life. You are my compass. You give my life a new meaning. You are my everything and I love you very much.” Hinapit nito ang baywang nya, nagkatama ang mga mata nila. “Wala man akong naalala sa mga bagay na nangyari sa ating dalawa noon mga bata pa tayo, pero isa lang ang sigurado ako, pinahalagaan na kita noon palang. I’m willing to sacrifice everything of me kahit buhay ko pa, para sayo Clouie." Napatulo ang mga luha nya sa sinabi nito. Napayakap sya dito ng mahigpit, at ibinuhos nya ang lahat ng luha sa dibdib nito. Sobrang saya ang nadarama. “What are these tears for?” tanong nito sa kanya. Napaangat sya ng mukha dito, pinunasan nito ang mga luha nya gamit ang hintuturo nito. “I love you too Aldrine! You’re my bestfriend, my protector, the love of my life, my everything.” Napangiti ito sa sinabi nya. Soft as the rainbow Like stardust in moon glow I see the love in your eyes Like autumn leaves falling In the first light of morning It came to my surprise True love calls Just once in a lifetime Why should we wait When now is the right time Nothing can stop this love we’re makin’ Nothing can stand in our way Nothing can block this road we’ve taken Nothing can stop us now - Nagkatinginan sila nito, then their lips met. They kiss with each other hungrily and possessively. Na parang wala nang bukas at parang sila lang dalawa ang nasa paligid. Nasa kakaibang dimension sila. Sa lugar na sila lang ang nakakaalam. - The joy of surrender So strong it’s so chanting I give my heart to you You know you can trust me And that’s how it must be No matter what we do Faithful friends and lovers forever Right ‘till the end we’ll always be together - Clouie felt inlove with her bestfriend and it is the most magical feeling of all. She and Aldrine will be together forever. - When love comes Sweetly to your door Embrace completely What your soul is longing for - “I love you.” Madamdamin sabi nito sa kanya, matapos ng halikan nila. “I love you too.” Sagot naman nya dito. And they looked each other lovingly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD