LTB 1- PAST

1829 Words
"Wala ka talagang kupas, pare!” nakangiting sabi ng kabarkada nyang si Simon, naipanalo na naman kasi nya ang pustahan sa billiard. Kaya uuwi na naman luhaan ang mga kalaban nila. Sa hapon na ‘to, dalawang tao na ang natalo nya. “Billiard is life.” Ani ni Peter. At itinaas pa nito ang isang boteng alak na hawak- hawak nito. Nag-aperan pa sina Simon at Peter. “Swerte talaga tayo sa boss natin.” Ani ni Baltazar. Apat silang magkabarka at mahilig talaga silang tumambay sa Rack’s Club, dahil mahilig silang maglaro ng billiard. At oras kung na magkaroon ng pustahan sa ibang kupunan, sya lagi ang pambato ng mga ito, dahil hindi naman talaga maitatanggi ang galing nya sa larong ito. Naging kabarkada nya sina Simon, Peter at Baltazar, simula high school, at tinagurian silang apat na salot sa paaralan nila. Madalas kasi silang ma-expel dahil lagi silang nasasangkot sa gulo. Kaya at the age of 20, nasa 1st year college parin ang tatlo, habang sya ay nasa 2nd year college, pero hindi naman sila seryoso sa pag-aaral. Sa loob ng isang buwan, halos tatlong beses lang syang pumapasok sa paaralan at mas lagi pa syang present dito sa Rack’s Club. Pero, hindi naman sila masasamang tao na apat, sadyang iba lang ang landas na tinahak nila. Hindi naman sila nagda-drugs, dalawa nga lang ang naninigarilyo sa kanila at yon ay sina Peter at Simon lang. Pero, madalas talaga silang naglalasing. Ang alak ang tanging sandigan nila madalas. Uubusin nila sa alak ang maipanalo nilang pera sa pustahan. Pareho may kayang pamilya ang kinalakihan nilang apat. Hindi naman masyadong masalimuot ang buhay ng tatlong kaibigan, kaya lang sadyang maluko ang mga ito. Maluko sila, basaggulero pero hindi sila masasamang tao. Siya nga pala si Elijah Ferrer, playboy, badboy, at kung ano’t- ano pa. Hindi nya itinatanggi na meron nga naman syang karisma na nakakahalina. Sa totoo lang, hindi lang sya guapong- guapo, matangkad din sya at may magandang katawan. Natural ang pagkakaroon nya ng malapad na dibdib at machong katawan. Kaya sa edad na 20, madami na syang experience sa babae at karamihan sa mga yon, ay sya pa ang inakit. Pero, kung gaano kaganda ang taglay nyang karisma, ganun naman kasama at kapangit ang naging buhay sya. Lumaki sya sa isang napakayaman mga magulang, ang daddy nya ay isang CEO sa malaking kompanya, habang maganda din ang career ng mommy nya. In short, anak sya ng bilyonaryo. Growing old, saksi sya sa pagiging obssess ng daddy nya sa mommy nya, kaya madalas mag-away ang mga ito, dahil laging nagseselos ang daddy nya. Naging saksi sya kung paano pinagbuhatan ng kamay ng daddy nya ang mommy nya. 7 years old sya, plano nang takasan ng kanyang ina ang kanyang ama, pero nahuli ito, at hindi sinasadyang napatay ng daddy nya ang mommy nya. Pagkatapos, nagpakamatay din ang kanyang ama. Dahil sa menor de edad, kaya pinagpasa-pasahan sya ng mga kamag-anak nila para alagaan. Kahit sino man ang mag-aalaga sa kanya, hindi nya nakita ang totoong tahanan na hinahanap nya, kaya itinuon nya ang sarili sa pagbabarkada. At masasabi yang, isang tahanan nya ang tatlong barkada ngayon. Nung nag-edad na sya ng 18 years old, sakto at nakuha na rin nya ng trust fund nya na nagkakahalaga din ng malaking pera, at mula nung namuhay na syang mag-isa. Wala na nga syang pakialam kung sino na ngayon ang namamahala sa kompanya ng ama nya. Pero, balang araw pag nasa tamang edad na sya, sya din ang mamamahala dito. Nasa pangalan kasi nya ang kompanya. Winawaldas at ini-enjoy nya ang sarili gamit ang pera na naiwan sa kanya. Ayaw na sana nyang mag-aral, kaya lang, gusto din nyang tuparin ang hiling ng ina nya bago ito tuluyang nawalan ng buhay, na sana tapusin nya ang pag-aaral nya. Walang direksyon man ang buhay nya ngayon, wala syang pakialam. Ito ang buhay na pinili nya. Aanhin nya ang matinong buhay kung hindi parin nya nakikita ang kasiyahan na hinahangad nya. “Pare—“untag sa kanya ni Simon, may ininguso ang labi nito. Agad syang napatingin sa bungad ng entrance ng Racks Club. At nakita na naman nya ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin. Mula nang nakita nya ito, hindi na sya pinatulog nito at madalas talaga nyang inaabangan ito na pumunta dito. Madalas kasi itong tumambay dito at magsnack, paminsan- minsan, magbasa- basa ng kung ano’t- ano. Tambayan talaga ng mga estudyante ang lugar na ito. “Ang ganda talaga ni Aaliyah, at mukhang anak mayaman. Sa EIS nag-aaral eh!” ani ni Peter. Nabasa nya ang paghanga sa mga mata ng mga kaibigan para sa dalaga. “Mga Ulol, wag yong pagnasaan si Aaliyah, kundi papatayin ko kayo.” May kabuuhan ang kanyang boses. Napatawa ang mga kaibigan nya. “Walang problema Bro, hindi kami makikipagkumpetensya sayo.” Ani ni Baltazar. “Dyan nalang kami sa cute yang kasama magpapacute.” “Wag nyong pag-interesan kahit sino man sa kanila ni Aaliyah at Zabrina.” Napatawa naman ang tatlo. Alam nyang maluko pagdating sa mga babae ang mga kaibigan, pero hindi naman namemerwisyo ng mga babae ang mga ito. “Sige na! Doon nalang kami sa mga babaeng lumalandi sa amin, hindi pa kami pinapahirapan. Hindi pa naman kami mahilig sa challenge, dahil nakakapagod.” Ani ni Simon. --------- Lihim na hinahanap ng mga mata ni Aaliyah si Elijah. Kaya madalas syang pumupunta dito, dahil gusto nyang makita lagi ang guapong binata. Mula nung una nyang nakita ito, ilan linggo na ang nakakalipas, hindi na nya makakalimutan ang napakaguapo nitong mukha. Kahit sa badboy na awra nito, long hair at mabalbas, pero hindi parin nya napigilan ang sarili na magkaroon ng crush dito. “Sino bang hinahanap mo?” tila bulong lang na tanong ni Zabrina sa kanya. Magkaharap silang nakaupo nito habang kumain ng inorder nilang snack. “Kilala mo na!” “Si Elijah na naman! Sigurado kabang hindi addict ang lalaking yon?” may pagkaalala sa boses nito. “Of course, mabait kaya si Elijah.” May kasiguraduhan ang boses nya. “Paano ka nakakasiguro?” “Naramdaman ng puso ko.” Totoo naman ‘to. Kaya nga, nakilala nya ito dahil ipinagtanggol sya nito at ng tatlong kaibigan nito mula sa bumabastos sa kanya nung una nyang pasok dito sa Rack’s Club. At mula nung, humahanga na sya dito ng sobra, at magaan ang loob nya dito. Hindi sya nakaramdam ng kahit isang porsyientong takot dito. Maya’t- maya lang, nagpaalam si Zabrina sa kanya na pumunta muna sa restroom. Napanganga sya sa lalaking palapit sa kanyang kinauupuan. Pamilyar sa kanya ang napakaguapong pagmumukha nito. Nakangiti itong umupo sa upuan paharap sa kanya. “Hi!” bati nito sa kanya. “E- Elijah?!” Hindi nya mapigilan mapatanong. Nakangiting tumango ito. Wala ka kasi itong balbas at naka-clean cut na ito, kaya mas lalo tuloy itong gumugwapo. Tama nga sya, ang guapo nito pag maayos ang mukha nito. “Wow—ano—“ she can’t find her words. Mas lalo syang nagkaroon ng crush dito. “Diba, sabi mo, gusto mong makita ang mukha ko na ganito ang ayos, kaya pinagbigyan kita.” Ngumiti ito. “What can you say? Sumirko na yata ang puso nya dahil sa sinabi nito. Nagpapagupit ito at inahit nito ang balbas dahil sa kanya? “Ang guapo mo.” Hindi nya napigilan sambitin. Nag- init ang pisngi nya. Ngumiti na naman ito. Titig na titig ito sa kanya, kaya sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib nya ngayon. “You’re blushing, Aaliyah. At mas lalo kang gumaganda.” Buong paghanga na sambit nito. “Ikaw na yata ang pinakamaganda sa paningin ko.” Mas lalong nag-init ang magkabilang pisngi nya dahil sa sinabi nito. Hindi nya alam kung paano sakyan at sinabi nito. She is new with this, ngayon palang sya nagkaroon ng sobrang pagka-crush sa isang lalaki. At ang isang tulad ni Elijah ay napakahirap e-resist, hindi lang kasi ito irresistible, pinatataba pa nito lagi ang puso nya dahil sa mga salita nito. Kaya nahihiya syang napayuko. At nagkukunwari syang inayos ang kinain. “Saan na yon bestfriend mong cute?” tanong nito. “Pumunta sa restroom.” Bahagya syang napaangat ng mukha dito, pero iniwas nya ang paningin mula dito. Naiilang kasi sya sa malangkit na titig nito. “Hinihintay namin ang kuya ko, sya kasi ang susundo sa amin ngayon.” Totoong sabi nya dito. Hinihintay talaga nila ni Zabrina ang kuya Aaron nya. Nangako kasi ito na susunduin sila ngayon at ipapasyal silang dalawa ni Zabrina. Nasa Manila na nag-aaral ang mga kapatid nya, kaya bumabawi sa kanya ang kanyang kuya Aaron. Mas close kasi sya dito kaysa kuya Adrian nya. “Ganun ba? Pwede naman kitang ihatid. Saan kaba nakatira?” “H-Ha?” hindi nya alam kung ano ang sasabihin dito. “Yon parents ko kasi—“ Ayaw nyang malaman ng mga magulang nya na may nagugustuhan na sya na lalaki. Baka pagbawalan lang sya ng mga ito. Ang kinausap lang nya tungkol sa pagkaroon nya ng matinding crush kay Elijah, ay ang kuya Aaron lang nya. Cool na cool lang kasi ito. “I see—“napatango pa ito. “—natatakot ka baka isipin na nila na may boyfriend kana. Bata ka pa nga naman! Gusto ko lang talaga makipagkaibigan sayo.” Paalas- kwatro itong napaupo. Kahit anong posisyon nito ay talagang naaakit ang puso nya. “Oo naman! Kaibigan naman kita.” Pero sana naman na ligawan mo rin ako, sasagutin talaga kita agad- agad kahit bata pa ako. Kaya kitang mahalin habang buhay. “Salamat talaga Aaliyah! Salamat at hindi ka natatakot sa akin.” Anong ikakatakot ko sayo? Gustong- gusto nga kitang makita lagi. “Hindi ka naman nakakatakot. Naalala ko nga sayo ang isa ko pang kuya. Halos marami kayong pagkatulad.” Naalala nga nya dito ang kuya Adrian nya. Maliban sa parehong may pagka badboy din ang awra ng mga ito. Magkasing tangkad at pareho yata ang pangangatawan ang dalawa. At parehong may pagka-tan ang makinis na balat. “Wow, I can’t wait na makilala ang kuya mo. Sigurado ako na magkasundong- magkasundo kaming dalawa.” Ngiti lang ang isinagot nya dito. Hindi din naman nagtagal ang binata. Nagpaalam din ito agad nang bumalik na si Zabrina. Nag ‘hello’ naman ito kay Zabrina. “Ang guapo pala ni Elijah pag maayos ang mukha, para lang si kuya Adrian mo.” Hindi mapigilan bulalas ni Zabrina. “Really? Sa tingin mo, mas guapo pa kaysa pinsan kong si Hayden?” hinaluan nya ng tukso ang boses. “Wala nang mas guapo kaysa kay Hayden sa paningin ko.” Kinikilig na sambit nito. Saka sya napatingin sa bungad ni Elijah. Namutla yata sya ng nagkatama ang mga paningin nila. Awkward! Nahuli nito na nakatingin sya dito. “Ang puso mo friend, malapit nang lumabas sa loob ng dibdib mo.” Natatawang sabi ni Zabrina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD