Capitulo Veintitres “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Sol. Kakatapos lang ng mahabang araw sa trabaho at ngayon ay hinila ako ni Sol sa kung saan. Wala ulit akong pasok sa coffee shop ngayon dahil may importante raw na gagawin si manager na kung saan ay kinakailangan niya mawala ng isang linggo kaya maiiwan ang coffee shop na sarado. Kung tutuusin ay pwede naman niya iwan na bukas iyon dahil nandito kami para magtao pero si manager na rin mismo ang nagsabi na okay lang na isarado niya muna itong coffee shop ng isang linggo para na rin makapagpahinga kaming mga nagtatrabaho sa kanya. Okay na rin dahil makakapagpahinga ako kahit paano. “Basta,” sagot niya sa akin at saka iniliko pakaliwa ang sasakyan. Dapat ay uuwi na ako kanina pa dahil napagod ako pero bigla na lang ako hinila

