Capitulo Cuarenta y seis Isang malakas na tunog na nagmumula sa aking alarm clock ang aking narinig. Mabilis ko iyon pinatay at bumangon. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata bago tuluyang maimulat ‘yon. Alas-kwatro pa lang ng umaga pero kinakailangan ko na bilisan kaagad ang kilos ko dahil ngayon lang naman ang punta namin ni Sol sa Saubea para sa unang taping ng Love and Guilt na halos alam ng mga fans. Halos makalimutan ko na ang bagay na ‘yon dahil sa sunod-sunod na pangyayari kay Lorcan. Kung hindi pa siguro pumunta si Ms. Kierra kahapon doon sa shoot ay hindi ko maaalala na ngayon nap ala ang simula ng taping. Baka makarinig pa ako ng samu’t saring sermon galing kay direk at kay Ms. Reina dahil sa paglimot ko sa naturang schedule ni Sol. Kahit na inaantok pa ako ay pilit akong

