Capitulo Seis

2667 Words
Capitulo Seis *** HINDI KAHIT KAILANMAN pumasok sa utak ko na magiging personal assistant ako ng kahit na sino dahil nga sa estado ng pamilya na mayroon ako. Sanay ako na ako ang pinagsisilbihan ng mga tao sa paligid ko because that’s how I live but it’s not going to work anymore. Kapag hindi ko sinunod ang gusto niya ay makukulong ako and I don’t want that to happen. “Since you already knew me, hindi mo pupwede ipagkalat na kilala mo ako." mahigpit na sabi niya sa akin habang nakakunot ang noo. Hindi ko mapigilan ang pagrolyo nang aking mata sa sinabi niya. As if naman na gagawin ko nga ang bagay na ‘yon. Hindi naman ako ganoong klaseng type ng fan na ipagkakalat kung sino siya sa kahit na sino. I respect their privacy. At isa pa, nagegets ko naman kung ano ang sinasabi niya kaya lang ang dating sa akin ng mga sinasabi niya ay may gusto ako sa kanya. Tss. Alam kong isa siya sa mga kagrupo ni Primo sa banda nila pero hindi ako sa kanya interesado. Primo's stan ako no? At saka siya ang UB ko! "Wow ha? Ang kapal ng mukha mo. Hindi ako interesado sa'yo." "I don't care. Basta hindi pupwede malaman nang iba na kilala mo ako! Saka wala akong tiwala sa'yo. Malay ko ba kung may interes ka sa akin o sa mga kaband-mate ko at gamitin mo 'yon laban sa aming lima? Kaya magiging personal assistant kita simula ngayon," mahabang paliwanag niya na. Muntik ko na siya sapakin sa mga pinagsasabi niya ngayon kung hindi ko lang mahal si Primo. Kumunot ang noo ko. "P.A? Sa ganda kong 'to, gagawin mo talaga akong P.A?" singhal ko sa kanya. Tinignan naman ako ng walanghiya mula ulo hanggang paa. This guy! He's getting on my nerves! Talagang sinigurado pa niya na sure ako sa sinasabi ko eh no? Kasalanan ko ba na kailangan ko mag-disguise para hindi ako makilala nang ibang tao? Nasa ospital ako ngayon. Dahil nga nagkasundo-kuno kami na magtatrabaho ako kay Helios bilang P.A, Ms. Reina let me take care of him. Pinauwi na rin niya ako sa apartment ko kung saan ako dapat pupunta bago kami magkabungguan ni Primo. I gave them my address and my personal number para hindi nila isipin na tatakbo ako sa ginawa ko. It’s a very long night for me. Antok na antok na ako pero kinakailagan ko pa mag-ayos ng mga dinala kong gamit dahil kakalipat ko nga lang. Mabuti na lang at malinis iyong apartment dahil nilinisan na siya pagkatapos ko bayaran ang buong unit. She told me that she will discuss the contract as their P.A at kung anong mga benepisyo ang makukuha ko. Ayoko man alagaan si Helios ay tungkulin ko na iyon ngayon dahil ayokong mapunta sa kulungan, but I am still hoping na hindi personal assistant ang kahahantungan ko. Ngayon nga rin pala ang discharge nitong lalaking ‘to. Dapat ay kagabi pa pero minabuti na rin namin siyang dito na lang pag-stay-in sa ospital kesa makita siya ng mga fans niya na pagala-gala at may benda sa braso. "Oo. Baka nakakalimutan mo na wala kang pambayad na seventy million para sa sasakyan ko. At baka nakakalimutan mo rin na nagkaroon ako ng injuries dahil sa pagiging reckless driver mo, Adi?" seryosong wika niya sa akin. Hearing him saying my name gives me goosebumps. Itinuro niya pa ang braso niya na kasalukuyang may bandage at ang ilang galos nito sa katawan na para bang kinokonsensya ako kung bakit siya nagkaroon nang ganoon. Muli na naman naparolyo ang mata ko. Kung hindi lang siya drummer ng Lemonade Band ay tatanggihan ko ang mahambog na lalaking 'to. "Fine! Pero paano naman ang trabaho ko?” "You can work for me after your shift doon sa cafe." Ang totoo niyan ay wala pa talaga akong trabaho. But I have to find one dahil siguradong walang matitira sa sweldo ko dahil lubog ako sa utang sa kanya. May nakita akong sign na naghahanap sila ng waitress doon sa coffee shop kung saan namin nakita ni Annicka si Primo. Nadaanan ko ‘yon nang sumakay ako ng dyip papuntang ospital. Balak ko rin doon mag-apply dahil bukod sa malapit lang sa campus na inenroll-an ko, malapit lang din siya sa apartment kaya menos sa gatos. Sinimangutan ko siya dahil nagsisimula na talaga ako maasar sa kanya lalo na sa pangisi-ngisi niya. Kung hindi ko lang nabunggo ang sasakyan niya at nagkaroon ng minor injuries ay hindi sana ako magiging assistant nitong lalaki na hambog na 'to! Pero siguro ay mas mabuting isipin ko na lang na mas maganda na ito kesa sa nakapatay ako ng tao dahil sa pagdadrive ko ng gabi. Saka mas mapapalapit pa ako kay Primo dahil ako ang napiling personal assistant ng lalaking ito. Okay Cassidy. Pwede mo naman siguro pagtiisan ng kaonti ang ugali ng hambog na 'to? Hanggang sa mabayaran mo iyong seventy million na pagkakautang mo sa kanya para hindi ka makulong. Dahil kapag nakulong ka ay mas maraming problema pa ang darating sa'yo. "Fine. Okay na?" Ngumisi ang lalaking hambog na ikinarolyo muli nang aking mata. "You can start by cleaning my condo unit tomorrow." “ANO? NAGING P.A KA NI HELIOS?” gulat na gulat na tanong sa akin ni Annicka. Tumawag ako sa kanya matapos mangyari ang lahat kagabi. Kinuwento ko sa kanya mula umpisa at tili siya ng tili nang malaman niya na si Helios ang nakabungguan ko. “Hindi ni Helios. Ms. Reina asked me to be Lemonade’s Personal assistant since kaka-fire lang sa naging p.a nila last week at dahil lubog ako sa utang and I didn’t wan to be put inside the jail, I accepted the offer immediately.” “Wow. Ang bilis kausap ah?” natatawang saad ni Annicka sa akin. “If it’s not for the fact that I am going to see Primo, hindi ko naman tatanggapin ang offer. And I am right with your bias, Annicka, hindi kami magkakasundo dahil isa siyang antipatikong lalaki.” “Well. It’s Helios. Kailan ka pala magsisimula?” tanong niya sa akin. I could feel the excitement on her voice. Sino ba naman hindi ma-eexcite kapag nalaman mon a magiging P.A ka ng paborito mong banda? “Kakatapos lang namin mag-usap ni Ms. Reina, sabi niya ay sa lunes na ako magsisimula as their P.A. Pero si Helios madalas ang kailangan ko samahan dahil iyon talaga ang kailangan ng alalay.” “How’s the disguise? Wala bang nakakakilala sa’yo dyan?” “Wala. The disguised is completely perfect. I dyed my hair color into brown para hindi na ako magsuot ng wig.” Nagkwento pa ako sa kanya ng nagkwento. Tinanong niya pa nga ako kung nastar-struck ba ako kay Helios, syempre sabi ko hindi. Paano ako magiging star struck sa kanya kung halos pugutan na niya ako ng ulo sa tingin pa lang? Imbes na ma-star struck ako sa kanya ay lalo pa nga akong namutla. “Nasaan ka ngayon?” “Nasa Apartment. Pagkatapos ko puntahan si Helios kanina sa ospital ay umuwi na ako dahil dumating na si Ms. Reina. She said that she’s going to take care of Helios for a while kaya pwede ko pa intindihin iyong mga kailangan ko pa intindihin bago dumating ang lunes.” “How’s my parents by the way?” tanong ko sa kanya. “Well. Del Marcel’s house is still in chaos dahil biglang nawala ang bunso nilang anak. And you are right. Your father suspected me right away and told me na alam ko kung nasaan ka but thanks to your Kuya Silver, nawala ako sa suspetsa ng Daddy mo. Pinagtanggol niya ako at sinabing wala akong alam kung saan ka nagpunta.” “I see.” “To be honest, Tita can’t stop overthinking about you, Cassidy. I just hope that once you came home, they will understand what you did.” Medyo nalungkot ako sa sinabi ni Annicka. Alam ko naman na mag-aalala sila daddy sa gagawin ko pero kung hindi koi yon ginawa, hindi ko mararanasan ang mga naranasan ko kagabi. Nakakaba pero doon ko naramdaman ang kalayaan na gusto kong maramdaman noon pa. Walang sumusunod sayo na bodyguards. Pwede ka magpunta kahit saan. And you can do whatever you want without holding back yourself nang dahil lang sa may pangalan kang inaalagaan. Kahit paano ay nakalimutan ko ang totoo kong apelyido dahil sa ginawa ko at wala akong pinagsisihan sa ginawa ko. After that talk, inasikaso ko ang pag-aapply ko roon sa café. Sa kabutihang palad ay tinanggap ako as a part time dahil nagresign iyong nagtatrabaho sa kanila dati. I can work from 5:00pm to 9:00pm on the evening pagkatapos ng trabaho ko from P.A dahil saktong 8:00 naman ng umaga ang pasok ko hanggang 4:00pm. Nang maasikaso ko iyon ay pumunta ako sa grocery. Wala akong alam sa pagluluto but I can watch youtube videos naman. Sana lang ay huwag masunog ang lulutuin ko ngayong gabi. “Ne, ayos ka lang? Amoy nasusunog dito,” sigaw noong kapitbahay ko rito sa apartment na tinitirhan ko. Kaagad kong binuksan ang pinto at humingi sa kanila ng pasensya. Nasunog ang niluluto ko. Hindi ko alam kung anong mali sa ginawa ko dahil sinunod ko naman ang lahat ng nasa video. I was trying to cook adobong manok pero pakiramdam ko ay hindi siya makakain dahil hindi ko maintindihan ang lasa bukod sa sunog siya nang tikman koi to. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Muling may kumatok sa pinto. Tinapon ko muna ang manok na sinubukan kong iluto sa basurahan at saka pinagbuksan ang kumakatok sa pinto. “Ne, eto oh pagkain. May ekstra kaming pagkain.” “Naku, hindi na po kayo dapat nag-abala pa,” sabi ko bago nahihiyang kunin ang pagkain na dala niya. Ang bait naman pala ng mga taong nakatira rito. Talagang nag-abala pa na dalhan ako ng pagkain. Pinapasok ko siya sa loob dahil nakakahiya naman kung hindi. Wala pa akong masyadong gamit dahil hindi pa ako nakakabili simula nang lumipat ako. Pero nag-order ako through online at padating na iyong gamit na mga inorder ko para rito sa apartment na binili ko. “Okay lang ‘yon ne. Ang mahalaga ay makakain ka na. Mukhang hindi ka pa sanay magluto mag-isa. Ano bang sinusubukan mong lutuin?” Tinignan ko ang matandang nagmagandang loob na dalhan ako ng pagkain. Matanda na siya at may iilan na rin puti sa kanyang buhok. Tingin ko ay nasa edad 60 na siya. Ang kanyang buhok ay nasa gupit siete. Nakasuot din siya ng kulay pulang mahabang daster na mabulaklakin ang disenyo. “Adobo po.” “Ganoon ba? Turuan kitang magluto sa susunod. Ano bang pangalan mo? Ako nga pala si Aling Nena. Tawagin mo na lang akong Nay dahil iyon ang karamihan na tawag sa akin dito.” “Salamat po Nay. Tawagin niyo na lang po akong Adi.” “Bagong lipat ka lang ba rito?” Tumango ako. “Kung ganoon ay magpunta ka sa akin bukas at tuturuan kita magluto.” “Salamat po Nay,” nakangiting saad ko. Inihatid ko si Aling Nena sa labas ng unit. Ginamit ko ang natitira kong oras para manood ng videos sa paglilinis. Noong binili ko kasi ang apartment na ito ay pinalinis ko na diretso para hindi na ako mahirapan dahil wala nga akong sapat na oras. Mabuti na lang at pumayag ang dating may-ari na palinisan iyong apartment bago sila umalis. Kaya ngayon ay inabala ko muna ang sarili ko na manood ng mga videos habang kumakain ng dalang pagkain ni Aling Nena. Pagkatapos ko kumain ay saka ako naligo. The bathroom was very small. Halatang isang tao lang ang kaya i-accommodate. The bathroom has very small mirror and a small sink. It has storage area where you can put your personal things at the top. Beside the sink is the bathroom toilet. Sa tabi rin no’n ang shower. May timba ito at may tabo na may tubig din. Both walls and floors are covered with white tiles. Unlike my first bathroom, this bathroom has no bathtub. Ito ang unang beses na magso-shower ako dahil palagi akong nakabathtub sa bahay. I took a long bath. Mabuti na lang pala at dinala ko iyong mga shampoo at sabon ko sa bahay noong mag-impake ako. Pagkatapos ko maligo ay saka ko binuksan ang laptop ko at naki-update sa Lemonade Band. The shocking news is Primo and Helios got into a serious fight. Halos mapairap ako sa mata nang malaman koi yon. I don’t know if it’s rumor dahil hindi naman naglalabas ng ganoong balita ang agency nila. Fighting between members of the group is prohibited dahil tiyak na gagawing malaking big deal iyon ng media katulad na lang nito. If it’s true, then I am sure that Helios started it. Masyadong mabait si Primo para siya ang magsimula ng away. And base on Helios personality, mukhang siya nga iyong tipo ng tao na magsisimula ng away. Pagkatapos ko maki-update sa Lemonade Band ay saka ko naman tinext si Annicka kung kamusta sila mommy. Si Annicka na lang ang taga-update ko sa bahay dahil madalas siyang pumupunta roon para tignan-tignan si mommy. Iyon kasi ang huling request ko sa kanya nang umalis ako. Alam kong marami na akong utang sa kanya dahil sa mga nire-request ko but I can’t help it. Hindi pa kami pwede magkita dahil baka mahalata nila mommy. Dumating ang Lunes ng sobrang bilis sa akin. Maaga akong pumunta sa agency katulad ng sabi ni Ms. Reina. Sa kabutihang palad ay hindi naman ako naligaw katulad ng inaasahan ko dahil madali lamang itong makita. Pinapasok ako ni Ms. Reina sa office niya. Sa katunayan nga ay nakasalubong ko siya sa daan kanina nang harangan ako ni kuya guard dahil akala niya ay isa akong fan na nag-aabang sa Lemonade Band. Mabuti na lang at nakita ako ni Ms. Reina kung hindi ay mahuhuli ako sa oras na pinag-usapan namin. Alas-otso ang usapan pero alas-siete pa lang ay nasa office na ako dahil ipapakilala pa ako sa members kahit na kilala ko na sila. Wearing my white teeshirt and blue pants ay umalis ako sa apartment ng maaga. And because of my nerd looks na pinaninindigan ko ay naka-pigtails ang buhok ko ngayon habang nakasuot ng nerdy glasses. Nakita rin ako ni Aling Nena sa pag-alis ko kaya binigyan niya ako ng ulam at sinabing baonin ko sa trabaho. I thanked her before I bid goodbye. Pinaupo ako ni Ms. Reina sa sofa at binigyan ng isang basong may mainit na kape. Sinamantala ko naman ang pagkakataon para sipatin ang buong office niya. The office was covered with white walls and glossy floors na parang kapag nadumihan ay kitang-kita kaagad ang dumi. At the right side of the wall, there’s a big picture of Lemonade Band. Ito iyong picture nila sa recent album nila bago sila dumeretso sa world tour. Iyong panahon na nawala ang ticket ko. At the center of the room, there’s an office long table and a black swivel chair. Nakalagay din sa table niya iyong parang name tag na babasagin. Nandoon din ang laptop niya at ang telepono na sa tingin ko ay ginagamit niya sa pagsagot ng mga tawag. Sa gitna rin ang mahabang magkabilang sofa at center table kung saan kami nakaupo ngayon ni Ms. Reina. At the left side, isang malaking TV ang nakita ko. I think she’s using this TV when she’s watching news about her kids. “Are you ready to meet them, Adi?” tanong sa akin ni Ms. Reina. “Opo naman po.” “Are you excited?” Tumango ako sa kanya habang pinipigilan ang malawak na ngiti sa labi. “Well. Don’t be. Baka kapag nakilala mo sila ay sumuko ka rin. They are bunch of kids inside man’s body. May mga oras na sasakit na lang ang ulo mo at mapapaiyak sa inis. I am their manager kaya naranasan ko lahat ‘yan. Well. Sa ibang members hindi ka masyadong magkakaproblema but Helios and Sage? Lapitin sila ng gulo lalong-lalo na si Helios,” mahabang litanya niya sa akin. “Kaya ko naman po siguro na i-handle sila.” “That’s good to hear. If you really want to be their P.A and work under us, isa lang ang rules at regulation na ipinapatupad ko.” “Ano po ‘yon?” “Huwag kang gagawa ng bagay na maaaring ikaapekto ng Lemonade Band.” I smiled on her one and only rule. Matagal ko ng ginagawa ang bagay na ‘yon kaya sigurado akong hindi mahihirapan. “Speaking of band, Helios injury got healed but he still need one more week before coming back para sure.” “Ok— “They are here,” turo niya sa mga lalaking naglalakad. Napaupo tuloy ako ng tuwid at tumingin kung saan nakatingin si Ms. Reina. Glass wall kasi kaya kitang-kita ang taong dumaraan sa hallway. Halos kumabog naman ang puso ko nang isa-isa kong marinig ang boses nila mula rito sa loob. Pero mas lalo pang lumakas ang pintig ng puso ko nang bumukas ang pinto at iniluwa ang taong nagpapasaya sa puso ko ngayon. Primo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD