Capitulo Treinta y cuatro Isang magulong umaga ang bumungad sa aming lahat. Kagagaling lang namin sa party kagabi at buong gabi kami nagsaya pero eto na naman. Tila para kaming binomba ng mga balitang naging sanhi ng pagiging dragon ni Ms. Reina ngayong umaga. Lumabas ang isyu tungkol kay Primo at Helios noon na kaonti lang ang nakakaaalam. Ang masama pa ay may mga kasama pang pictures ang balita na inilathala ng reporter na si Ms. Cruz kaya naman ngayon ay nagngingitngit si Ms. Reina sa inis. Hindi niya alam kung paano ito reresolbahin dahil ito ang ayaw na ayaw niyang inuungkat ng reporters. Bukod sa totoo raw kasi ito ay malalim ang pinag-ugatan nito. Ito rin ang dahilan kung bakit lumalim ang hidwaan sa pagitan ni Sol at Primo na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam. Binasa

