Capitulo Cincuenta I froze. Literally. Habang naririnig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso na lalo pa atang lumakas dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin. Pagkatapos niya akong halikan ay muli siyang nakatulog sa sofa. Lumayo ako sa kanya pagkatapos no’n at agad agad na lumabas. Nanginginig akong tinawagan ang driver namin at pinatulong na ipabuhat sila papunta sa sasakyan. Kahit iyong mga waitress sa bar ay tumulong na rin. Buong byahe akong tulala. Ayokong ipikit ang mga mata ko dahil maaalala ko lang kung paano niya ako hinalikan gamit ang malalambot niyang labi at kung paano niya rin ako tinitigan. Nababaliw na siguro ako dahil imbes na manghinayang ako at malungkot ay natuwa pa ako. Imbes kasi na dapat ay hindi ko ‘to isipin dahil alam kong wala siya sa katinuan ay hi

