Pagdating nila sa condo kung saan siya namamalagi ay mabilis na pinagbuksan siya ng lalaki ng pintuan at mas kinagulat pa niya ng kunin nito si Throne na karga karga niya. "Wait---" Pinutol nito ang pag angil niya sa pamamagitan ng pagsasalita. "Hatid ko na kayo sa unit niyo, Throne is very heavy for you, let me carry him instead," malumanay na paliwanang nito at nauna na. Napatitig siya sa papalayong likod ng lalaki. "Let's go," sabi nito sa kanya nang lingunin siya nito. Mabilis na humakbang siya at sumabay rito. *** Pagdating nila saa labas ng unit niya, nahihiyang nag angat siya ng tingin ang binuka ang mga labi. "Salamat talaga..." At akmang kukunin si Throne rito matapos niya maisabi ang gusto niyang sabihin. "Let me in, ako na maglalagay sa kanya," seryosong giit nito na

