May pabarbecue party ang Ate Lara niya at Kuya Maximo niya, ang dahilan? Wala lang daw. Napangiti nga siya ng sabihin 'yon ng dalawa, may pakiramdam siyang kinunshaba ito ni Mikael. Heto siya ngayon naka upo kaharap si Tyeron na nasa kandungan ay si Throne na kasandal ito sa dibdib ng Ama tila ba 'yon ang paborito nitong unan, 'di talaga siya nag sasawang pag masdan ang dalawa. "Eat." Napakurap siya nang marinig ang seryosong boses ng lalaki. Napatingin siya sa pagkain niya, 'di niya napansin 'di pala siya sumusubo. Ngumiti siya sa lalaki, napatingin siya sa extra large na hotdog nasa harap niya. 'Di niya alam pero natawa siya, lalo pa't may kabaliwang itinuro si Shyra sa kanya kanina kung paano kainin ang hotdog lalo na kung nasa harap raw niya ay si Tyeron. Dapat daw dahan dahan mong i

