Magdadalawang taon na ang nakalipas mula nang lumisan si Tyeron sa kanyang buhay. Madaming nagbago pero ang pag-ibig niya sa lalaki ay natiling buo, walang bawas at kailanman hindi kumukupas. Inabot niya ang kanyang pangarap maging isang Chef sa isang hotel na pagmamay ari ng Kuya Maximo niya pero hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit siya nagpapatuloy sa kanyang buhay. Meron pa at 'yon ay ang kanyang maliit na anghel, tama nanganak na siya, magdadalawang taon na rin ito. Ang pinangalan niya sa kanyang anak ay Throne Vladimir Mandayog, ang kanyang munting Prinsipe, ang kanyang buhay, ang dahilan ng kanyang tagumpay. Napakurap siya nang maramdaman niya ang maliit na kamay sa kanyang pisngi. "M-mama, don't cry," ani ng maliit na tinig. Napatingin siya sa anak na naka tunghay sa kanya

