OLIVIA PIPER ROBLES
Paggising ko ay hindi ko mahanap si Ryker sa loob ng bahay. Siguro ay pumunta ito sa kung saan at wala akong pakialam. I have the house for myself and I can do what I want.
I made a face when I noticed that the television is not flat screen and it’s not a smart TV! Sino pa ba ang mga tao sa mundo ang may ganitong klaseng telebisyon? I mean, wala man lang Netflix! Kinalkal ko ang credenza at puro CD lang ang nahanap ko roon. They still watch movies on CDs?!
Ganito rin ba ang ibang villas or pinalitan lang ni Ryker ang mga gamit niya para hindi ako makahanap ng dahilan para makipag-usap sa mga tao sa siyudad?
Because if that’s the case, I’m impressed. Pinaghandaan nila ang pagdating ko. They didn’t underestimate me.
Napakislot ako nang makarining ng katok sa pinto. Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan. Isa na namang lalaki na nakasuot ng maskara ang bumungad sa akin.
“Wala si Ryker dito.”
“Narito ako para dalhin ka sa Pugad. Kung maaari ay magbihis ka ng disente, binibini,” malamig niyang saad at inabot ang itim na paper bag.
Tiningnan ko lang iyon at hindi inabot. “Para saan?”
“Malalaman mo kapag dinala na kita roon.”
“Paano kung ayaw ko?”
His jaw clenched. “Oh, Lady, my task is to take you there. No other instructions. And I will take you there even if I have to drag you or piece by piece. Pick your poison.”
Inirapan ko siya at kinuha ang paper bag. Sinara ko ang pinto at bumalik sa aking silid. I took my time to shower, dry myself, and, finally, wear clothes. Siguro ay halos dalawang oras ako na nag-ayos. Wala silang hair blower so I had to improvise. Tiningnan ko ang sarili sa salamin.
White t-shirt, brown trousers, and underwear lamang ang laman ng paper bag. Wala man lang skin care products or kahit man lang sunblock sana. This isn’t my style but I’m amazed na swak ang size ng mga damit.
I wore the platform white shoes na buti nalang ay suot ko noong gabi na pumunta rito. Lumabas na ako ng bahay at naabutan ang lalaki na nakahilig sa haligi habang may sigarilyo ito sa bibig. Tumingin siya sa akin at ibinuga ang usok.
“You sure took your time, lady.”
“Hindi ka nag-set ng time. Your fault, not mine.”
Sumakay ako sa golf cart na nakaabang sa harap ng bahay at sinuotan ng blindfold at noise-cancelling headphones. Of course, they are aware of my eidetic memory. Pero hindi ko aaksayahin ang oras ko sa pagkabisado ng isla nila dahil alam ko na hindi ko malayang maiikot iyon dahil sa tindi ng seguridad.
Wala akong kakampi rito at unang araw ko palang. Magaala-anghel ako sa ngayon. Tinanggal ng lalaki ang blindfold at ilang beses akong kumurap upang i-adjust ang mata sa liwanag ng lugar. Bumaba ako mula sa golf cart at lumapit sa akin ang isang lalaki na may maskara na hugis Falcon.
“Olivia Robles, welcome to Pugad.”
“Am I really welcome?”
Wala akong nakuhang reaksyon sa kanya at ang mata nito ay blangko lang na nakatingin sa akin.
Then, he sighed. “I am Falcon. You’ll be working with our team for an unknown span of time.”
The codename rang a bell. My smile widened.
“Oh, Falcon, that was you. The first wall I knocked down,” I amusingly said, pertaining to firewalls of their server.
His jaw clenched and his eyes narrowed.
“Let’s go inside, shall we?”
Nauna na siyang pumasok at sumunod lang ako sa kanya.
“A minimum of five hundred threats have breached our system since you got through. Some of them are being taken care of by Eagle and Hawk.”
“This organization is full of mystery. Why are you using such codenames?”
“There is one rule in this place. If you see the Vulture, keep your mouth shut and don’t get too cocky.”
Nilagay niya ang hinlalaki sa biometrics and his retina got scanned before the door opened. Tatlong pinto pa ang ginamitan niya ng code bago tuluyang bumungad sa akin ang mga tao na may mga maskara na itsura ng Sparrow at nasa harap sila ng computer. Tumayo ako sa gilid ni Falcon.
“Everyone,” banggit ni Falcon upang kuhanin ang atensyon ng grupo niya. “This is Olivia Piper Robles.”
Tumigil ang pagtipa nila sa keyboard at napalingon sa gawi namin. Ramdam ko ang matatalim nilang tingin sa akin and I just smiled at them. Why are they mad? They should treat me as a challenge. I am the reason why they have to step up their game.
“I can sense everyone’s anger. But, I’m not sorry. Actually, I am here to help all of you, incompetent birds.”
Nanatili ang katahimikan sa lahat ng sulok ng silid. Ngunit ilang segundo lang ay may narinig akong palakpak. Sinundan ko ang tunog at tumingala ako. Ngayon ko lang napansin na may mezzanine level pa ang lugar na ito at sa tingin ko ay ginagamit iyon upang panoorin ang mga tao rito sa baba.
“You should get off your high horses, madame. You’re our prisoner, we won’t treat you as a deity here.”
Humakbang palabit sa handrail ang isang matangkad na babae, ang buhok nito ay hanggang sa kanyang balikat, at ang kanyang mukha ay natatakpan ng maskara na hugis Vulture. Vulture is a woman? Wow. I did not expect that.
Naalala ko ang paalala ni Falcon.
“Woman,” kumibot ang labi ko dahil sa ginamit niyang paraan to address me. “I will give you a week to fix this first wall.”
“I can do it in three days.”
Napansin ko ang paghilas ng kamay ni Falcon sa kalahati ng kanyang mukha.
“Idiot,” he muttered.
The corner of her lips curved. “This attitude of yours will soon bring you down.”
I raised a brow. “Give it a month and you’ll be surprised that I already took your place.”
Her sarcastic chuckles filled the quiet room. I can feel the tension in the atmosphere.
“It will take you that long? That sucks.”
“You should—”
“Madame,” She cut me off. “After this, no one will notice you when you leave; that’s how insignificant you are.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumayo na ito sa handrail bago pa man ako makapagsalita.
Tinuro sakin ni Falcon ang desk kung saan ako magtatrabaho. Limang Sparrow ang inutusan niya na magmanman sa akin at magbigay ng impormasyon na kailangan ko. Ang kailangan ko ay ma-access ang PC ng mga nakapasok sa server at i-wipe ang memory niyon.
I used the IP address, Python, and other programs. Isang daang hackers ang ibinigay nila sa akin na tatapusin ko sa loob ng tatlong araw. Hindi madali ang karamihan doon dahil kailangan ko ring pasukin ang halos tatlong firewall ng devices nila. I feel irritated when it’s not going my way.
“You’re working hard.”
“Shut the hell up,” saad ko na hindi nililingon ang nagsasalita.
Nakarinig ako ng pagsinghap kaya nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses. Nakatayo si Ryker sa likod ko. Inirapan ko ito at inikot na ang upuan upang humarap muli sa computer.
“Olivia, it’s already dinner.”
“I’m not done. Also, I don’t care.”
“It’s time to go home.”
Hindi ko siya pinansin.
“Olivia, these Sparrows can’t go home if you’re still here.”
“They can go first. I don’t give a f-ck.”
Inikot ni Ryker ang upuan ko upang iharap sa kanya at pinatay nito ang monitor.
“You don’t have access to this area. Stop for tonight. The night shift team will continue this. Your schedule is almost up, it will be a red flag if the system detects that you’re still here. Do you understand me, Olivia?”
“The night shift will continue my work. Did I hear that right?”
“Yes. This is teamwork, Olivia.”
“What if he ruined—”
“They are skilled just like you—”
Napatayo ako sa sinabi niya. “Just like me?! Don’t lump me in with them. I’m better, I am the best!”
“I closed ten accounts today.” Napatingin ako sa isang sparrow na bahagyang nakaupo sa kanyang desk at ang tatlo ay nakaharap sa kanya. “Sparrow 0196 closed fifteen. Sparrow 0994 closed eleven. Sparrow 0897 closed twenty-one. And you closed four, my lady. Yeah, you are the best.”
Kumuyom ang aking kamao at madiin na pinagdikit ang ngipin. Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan dahil sa labis na inis. I am not focused enough.
“Olivia,” tawag ni Ryker sa akin.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng walang direksyon.
“Olivia!” He held my hand to stop me. “What’s wrong with you?!”
“I hate all of you!” Nanggigigil kong saad. Tuluyan akong humarap sa kanya. “You brought me here to insult me, do you?! They can fix this without me! But you brought me here to make me feel stupid!”
His dark eyes seemed cold, but when I looked more deeply into them, it wasn't a coldness, but a mystery that I found there. Alam ko na hindi ko na makukuha ang sagot na nais ko. Huminga ako ng malalim at sumakay na sa golf cart. Ang liwanag ng buwan at ilaw mula sa mga poste ang magsisilbing tanglaw ni Ryker sa daan.
Inilagay ko ang blindfold sa aking mata at headphones. I know the drill.
Naramdaman ko na umandar ang golf cart at pagkatapos ng sampung minuto ay huminto na iyon. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. I’m so frustrated.
Nagdadabog ako hanggang sa makapasok sa bahay. Binagsak ko ang sarili sa sofa at inilagay ang braso sa noo bago ipikit ang mga mata.
“You’re acting like a kid, Olivia. Come, I’ve already cooked dinner.”
Binaba niya ang susi sa mesa at nilagpasan ako. Narinig ko ang kalasing ng pinggan at kitchen utensils. Umayos ako ng upo at tumayo upang pumunta sa dining table. Is that chicken nuggets?! What?!
I don’t like this s**t.
Hinawakan ko ang plato na may lamang ulam at kunwari ay aksidente ko iyong naihulog sa sahig. Napahinto si Ryker sa pagsubo at matalim na tumingin sa akin.
“Oops.”
“Bakit mo ginawa iyon?” seryoso niyang saad.
“I don’t eat garbage.”