Chapter 29: Surprise 3rd Person's POV Gabi na nang maka-uwi si Chann. Pagpasok niya sa bahay ay naabutan niya ang lahat na matiwasay na kumakain sa hapag-kainan. "Oh, Chann. Anjan ka na pala!" Sabi ni Kyungsoo. Nang matapos si Chann sa pagtanggal ng sapatos niya ay agad siyang tumungo sa mesa upang sabayan sila sa pag-kain. "Tapos na'ko." (Kris) "Ako din." (Kai) "May gagawin pa'ko eh. Sige. Salamat sa pagkain, Kyungsoo." (Nikodem) Sabay sabay tumayo ang tatlong binata habang hawak hawak ang mga pinggan nilang puno pa ng pagkain. Kung tutuusin, gutom na gutom sila, kaya lang, iniiwasan nila si Chann. Ilang linggo na rin silang ganito. Ang awkward ng atmosphere ngayon sa pagitan ni Kai at Kris kay Chann. Si Nikodem? Dahil hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari, pinili na

