Chapter 40: Althea Nikodem's POV "Pagsabihan mo nga yang si Chann." Nasisiraan na ata. Nahulog ba sa kabilang mundo ang lahat ng turnilyo niyan sa utak?" Sabi ni Sehun. "Ewan ko ba. Paggising niya, wala siyang ibang hinanap kundi yung mga letrato raw nila ni Chantelle. Alam mo, sa sampung taon kong nakasama yang ugok na yan, wala pa 'kong nakilalang Chantelle." Sabi ko. Baka naman second name ng nanay niya? Kapatid na nasa States na 'di ko alam na nageexist? Kapatid na kalalabas palang mula sa sinapupunan ng nanay niya? (Teka. Mukhang imposible naman ata) Half sister na akala niya nageexist? Ay basta! Wala akong kilalang Chantelle! 「(゚ペ) "Baka naman ex niya?" Sabi ni Sehun. "Ex? Gago ka ba? Eh sa tana ng buhay niyan, isa lang ang niligawan at nagustuhan niyan eh." Sabi ko. Seryoso

